Chapter 2

21.3K 207 22
                                    

Pumunta kaming nagpractice ng volleyball. May laban kasi kami the week after next week. Habang hinihintay naming si Ms. Ortega, tambay lang muna ang barkada.

“Tammy, may tanong ako.” 

Sabi ni bakulaw Patrick.

“Ano yun Patrick?” 

Tanong naman ni Tammy.

“Paano naman kayo naging magbestfriends ni nerd? Masyado kang maganda para makisama sakanya.” 

Bwisit na. Oo, nerd akong maituturing pero atleast hindi bakulaw at utak ipis na gaya niya. Ugh.

“Masyado ka naman yatang mapanlait Patrick. Ikaw nga yata itong may gusto sa bestfiend ko eh. Ayieeh.” 

Panunukso naman ni Tammy.

Sus, hindi magkakagusto sakin yan at lalo naman ako. Hinding hindi ako magkakagusto sa bakulaw tulad niya.

“Ako? May gusto sa bestfriend mo? Kadiri naman. Hindi mga katulad niya ang type ko. Syempre yun namang mga kalevel mo. Tulad mo. Ikaw.” 

Buti naman at marunong sumagot si Patrick kahit utak ipis.

Marunong sumagot si Patrick kasi nagdidisagree siya sa paglilink ni Tammy sakin. Yun ang point ko. Pero teka nga, pinadirihan niya ako? Napaka niya talaga. Mas nakakadiri kaya siya. Grrr.

“Hoy Patrick Diaz. Kung may balak kang ligawan ang bestfriend ko, aba, kailangan mo munang dumaan sakin bago mo marinig ang matanis na oo ni Tammy.” 

Sabi ko. Syempre, twin sister ko yata si Tammy. Hindi ko siya hahayaang mapunta sa kung sinu-sino lang na tulad ni Patrick.

“Brad, paano na yan? Baka mahihirapan kang manligaw kay Tammy. Dadaan ka pa kay Ella eh. Mahirap yan.” 

Singit naman ni Tikoy.

“Oo nga. Tama si Tikoy. Si Ella Sarmiento? Sus. Kaya walang nanliligaw diyan eh.” 

Singit ulit ni Britney.

“Buti nalang hindi ko na kinailangang dumaan pa kay Ella para lang ligawan si mocha.” 

Sabay yakap ni Winston kay Britney.

“Hindi ako natatakot sa nerd na yan no. Gagawin ko ang lahat para kay Tammy.” 

Sagot ni bakulaw na nagpapakabakulaw na naman.

Buti nalang at tinawag na kami ni Ms. Ortega para simulan ang practice dahil kung nagtuloy-tuloy pa yung kanina, patawarin ako ng Diyos, baka napatay ko na ngayon ang bakulaw na yun.

Pagkatapos ng practice namin, naghang-out muna kaming magbabarkada. Habang naglalakad papunta sa tambayan, may nabangga si Tikoy. Isang magandang babae. Si Tikoy naman, ayun, nainlove yata kagad dun sa babae.

“Ay sorry miss. Nasaktan ka ba?”

Tanong ni Tikoy sa babae na kanyang nabangga.

“Ayy hindi. Okay lang ako. Ikaw ba?” 

Sagot naman nung babae.

“Okay lang din. Ako pala si Tikoy. Ikaw? 

Pagpapakilala ni Tikoy.

Asuss. Dumadamoves kagad eh. Hahaha.

“Ako si Cassie. Nice meeting you Tikoy. Sige, una na ako.” 

Sabi nung si Cassie.

Itong si Tikoy naman talaga oh. Pagdating sa babae, iba! Tsk tsk.

Im Inlove ♥ [FIN-UNDER REVISION]Where stories live. Discover now