Chapter 3

18.1K 194 10
                                    

Chapter Three

Practice ulit namin ng volleyball. Pagkatapos ng practice namin, napagpasyahan namin na pumunta muna sa resort nila Patrick para tumambay at magswimming na rin.

“Gosh, ang ganda naman pala dito. Ngayon lang ako nakapasok.” 

Sabi ni Tammy na makikita mo talaga ang pagka-amaze niya. Palagi kasi siyang hindi pinapayagan ng kanyang Daddy na sumama samin dito eh. Buti naman at napayagan siya ngayon.

“Kung magdedate tayo. Date na dinner lang, gusto mo dito tayo Tammy?”

Aba, ang lakas naman ng loob nitong bakulaw na ito para magtanong ng ganyan sa bestfriend ko.

  

“Pwede na rin. Ang romantic din naman dun oh. Sa may garden. Tara, dun muna tayo.” 

Sagot at sabi ni Tammy habang hinihila ako papunta dun sa garden ka kanyang tinuturo. Sumunod nalang yung mga iba.

  

“Guys, pupunta na kami ni Winston magswiswimming. Pati na rin pala ni Britney. Sama kayo?” 

Tanong ni Tikoy samin.

Since wala pa kami sa mood magswimming. Hindi kami sumama. Kaming tatlo na lang ang natira. Ako, Tammy at Patrick.

“Nabobored na ako. Tara, swimming na tayo or maglibot-libot nalang muna.” 

Sabi ni Tammy.

Wala akong choice kundi sumama sakanya. Alangan naman maiwan ako kasama nung bakulaw na Patrick na yun.

  

Pero buti nalang at hindi siya sumama samin. Nagpaka-loner siya dun.

Bumili muna ako ng maiinom namin ni Tammy. Mainit kasi.

Habang naglalakad si Tammy malapit sa pool, natamaan siya ng bola kaya siya malapit na nahulog sa pool. Buti nalang at niligtas siya ng isang lalake. Malayo kasi ako nun kay Tammy eh.

Sa kamalasan naman, nung papunta na ako kila Tammy, tumakbo si Patrick para habulin ako.

“Anong nangyari kay Tammy?” 

Concerned na tanong ni bakulaw sakin. Tsaka napaka-bakulaw at utak ipis niya talaga. Bakit niya sakin tinatanong? Tss.

“Ewan ko sayo. Hindi mo ba nakikita?” 

Sagot ko naman habang nakataas pa ang kilay.

Malapit na kami ni bakulaw nang nahulog na pala sa pool si Tammy at nung lalake na nagligtas sakanya.

“Tammy? Kuya? Anong nangyayari dito?” 

Tanong ni Patrick habang inaabot ang kamay para tulungan si Tammy na umahon.

  

“Kuya? Kuya mo siya?” 

Tanong naman ni Tammy.

  

“Aba, may kapatid ka palang gwapo.” 

Sabi ko naman. Para inisin na rin siguro si Patrick bakulaw kaya ko yun sinabi.

  

“Gwapo din naman ako ha. Diba kuya?” 

Sabi ni Patrick habang inaakbayan si Tammy.

  

“Oo naman. Osige, maiwan ko muna kayo Patrick. Magbibihis na ako. Pupunta pa ako sa bahay nila Cassie eh.” 

Sagot naman nung kuya niya. Cute din naman yung kuya ni Patrick. Mas gwapo kaysa sakanya. Pero sino kayang Cassie ang sinasabi nun? Hindi kaya yung nabangga ni Tikoy noon? Pero who cares naman diba. I should not interfere. Nuxx. Yung English ko dun. Hahahaha.

“Oopps! Yang kamay mo Patrick. Maligo ka na kung gusto mo. Ako ang mag-aalalay sa bestfriend ko.” 

Sabi ko naman habang nakaakbay parin ang bakulaw na yun sa bestfriend ko.

“Sige Tammy. Balik kayo kagad ni nerd ha? Este ni Ella.” 

Sagot naman ni Patrick sa min habang tumatawa na umaalis.

  

“Tse! Malunod ka sana bakulaw Patrick!” 

Pahabol ko naman na pang-inis sakanya. Nakakainis nga siya eh. Bwisit.

Im Inlove ♥ [FIN-UNDER REVISION]Where stories live. Discover now