Chapter 4

16.5K 164 14
                                    

Nasa school ako. Hinahanap ko si Tammy pero hindi ko siya mahanap. Nagtanong-tanong ako sa barkada sakaling may alam sila.

  

“Guys, nakita niyo ba si Tammy?” 

Tanong ko sakanila.

  

“Kanina pa nga rin namin siya hinahanap eh.” 

Sagot naman ni Britney.

  

“Pero parang nakita ko na siya kanina.” 

Sabi naman ni Tikoy.

  

“Saan naman siya pupunta? Hindi naman siguro siya magcucutting classes.” 

Dagdag ni Tikoy.

  

“Si Patrick pala?” 

Tanong ko sakanila. Wala rin kasi siya eh.

  

“Naku. May nakakamiss kay Patrick dito.” 

Sabi ni Tikoy na medyo malakas ang pagkakasabi. FYI, hindi ko yun namimiss. At NEVER!

“Ako? Mamimiss ang bakulaw na yun? Hindi no! Hindi lang kasi ako sanay na late yun. Ganun lang yun.” 

Depensa ko naman sa sarili ko. Baka kasi hindi ako tigilan ng mga ‘to sa pangangantyaw nila.

“Oh, ayan na pala ang mga hinahanap niyo eh.” 

Sabi ni Britney.

  

“Saan kayo galing? Nagdate ba kayo?” 

Tanong ni Winston sakanila.

  

Nagkatinginan lang ang dalawa pero walang sumagot.

“Tammy, saan ba kasi kayo nanggaling? Kanina pa kami nag-aalala sainyo.” 

Tanong ko dahil sa kakaiba nilang galaw.

  

“Nerd, tumahimik ka muna pwede? May sasabihin sana kami sa inyo.” 

Sabi naman ni Patrick.

  

“Ano yun pare? Kayo na ba?” 

Tanong ni Tikoy.

  

“Tammy? Kayo na ba?” 

Tanong ko din. Natataranta kasi ako kanina eh.

  

“Naku nerd, sabing tumahimik ka muna eh.” 

Sabi ulit ni Patrick sakin. Naku, nakakainis ha.

  

“Hoy bakulaw, bestfriend ko ang tinatanong ko, hindi ikaw kaya pwede bang ikaw ang tumahimik dyan?” 

Mataray kong sagot kay Patrick.

  

“Oh bakit hindi kayo masyadong makapagsalita? Sabihin niyo na.” 

Sabi ni Britney.

  

“Oo nga Tammy. Ako ang ninenerbyos sa inyo eh. Kayo na ba?” 

Tanong ko kay Tammy. Kay Tammy lang hah? Baka may sumagot na naman dyang iba.

Nagkakatinginan lang ang dalawa hanggang sa magring na yung bell. Pumasok kami sa classroom na hindi namin alam, hindi naming narinig ang sasabihin nila.

“Patrick, since ikaw ang nakakapagsalita, ano ba talaga ang sasabihin niyo?” 

Ninenerbyos kong tanong kay Patrick.

Bakit nga ba ako ninenerbyos? Ang weird ko lang.

“Ang kulit mo talaga nerd. Mamaya na nga yan. Nagdidiscuss si Ma’am eh.” 

Sagot ni bakulaw sakin.

Wow, nahiya naman ako. Nagmukha akong chismosa habang si Patrick ay nakikinig. As if nakikinig nga siya diba? Tss.

“Ang yabang naman nito. Parang nagtatanong lang eh.” 

Bulong ko naman. 

“Basta mamaya na nga lang. Ang kulit.” 

Sagot niya sakin.

  

Nakakainis ha. Ano ba ang something sakanila ngayon? Palagi nalang nagkakatinginan ang dalawa. Si Patrick at Tammy. Feeling ko tuloy ang sasabihin nila eh sila na. Pero hindi pa naman ako sure. Hindi pa kasi makapagsalita si Tammy. Pero magkwekwento pa naman si Tammy sakin at magtatanong kung sakaling nanligaw si bakulaw sakanya. Hmm, ang ewan.

Im Inlove ♥ [FIN-UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon