Chapter 16

1.7K 31 4
                                    

Nakahiga siya sa kandungan ko habang nanunuod. Hinawakan ko ang buhok niya.

"Ang hilig mo sa cartoons, ang pangit naman niyan." Pagbibiro ko.

Kinuha ko sa kamay niya ang remote at linapit sa ibang channel.

"Ayoko niyan. Ang panget, e!" She grabbed the remote on my hand. Nilipat niya ulit sa disney channel.

I grabbed it again at nilipat ang channel na gusto 'ko. Again and again. Paulit-ulit na lang na palipat-lipat kami ng channel. Wala na nga kaming mapanuod sa kakalipat, e.

"Stop." Pigil ko sa kaniya.

Minabuti ko na lang na wag ng kunin ang remote sa kaniya. Tsk! Isip bata talaga. Binaba ko dahan-dahan ang kaniyang ulo sa sofa. Pumunta ako sa kusina at kumuha sa ref ng pwedeng kainan namin habang nanunuod.

When I came back, I saw her. She's crying. Agad na pumunta ako sa kaniya at yumakap.

"What happened?" I asked immediately.

"Akala ko iiwan mo ako kasi galit ka sa akin." She pouted.

This girl is so tempress.

Shit! Ayoko nitong nararamdaman ko.

"That will not happen." I kiss her forehead.

"Talaga?"

"Yea, I love you!" 

"I love you, too!" 

Humiga ulit siya sa kandungan ko. Binigay ko sa kaniya ang pagkain na kinuha ko sa refrigerator. Pinagmasdan ko lang siya habang nanunuod at kumakain. Mukha talaga siyang bata.

Ang dami naming ginawa sa lahat ng oras. Tinulungan niya ako sa paglinis sa kwarto ko. Ayaw ko man na tulungan niya ako dahil nahihiya ako kapag nakita niyang gan'to kadumi ang bahay ng boyfriend niya.

Pagkatapos naming maglinis ay humiga kami sa kama. Ginawa niyang unan ang braso ko habang yakap-yakap ako. Habang ako ay nakatingin lang sa kisame.

"Ilan ang gusto mong anak?" Bigla niyang tanong na nagpagulat sa akin.

My adams apple went up and down as she asked that.

"K-kahit ilan," hindi ko alam kung ano ang isasagot. "12." I was kidding.

"12? Dami naman baka malusyang ako."

Tumawa ako habang pinagmamasdan ang nakakunot niyang noo habang sinasabi ang mga katagang binitawan niya.

"Ako, dalawa lang."

"Really? Well, I want a baby girl and boy."

"Bakit sabi mo 12?"

"I was just kidding."

"Ikaw talaga," she pinched my nose.

"Should we go home now? Your ate might looking for you." I said.

Gusto ko pa siyang kasama pero baka naman hinahanap na siya sa kanila. Ang aga-aga niyang umalis tapos uuwi siya ng gabi na.

"Sige,"

Kinuha ko ang bag niya at dinala iyon at bumaba na kami. Pumunta kami sa parking lot dahil nandoon ang kotse ko. Tahimik lang kami habang nagbibiyahe.

Ilang minuto ang lumipas ng makapunta kami sa tapat ng mansyon nila Tita. Buti at tinted ang kotse ko dahil paniguradong hindi kami nakikita sa labas. Niyakap ko siya at hinagkan sa noo. Lumabas na siya at umalis na rin ako.

My Seven Years Gap BoyfriendWhere stories live. Discover now