Chapter 38

1.4K 26 0
                                    

Ngayon ay alam na namin kung sino ang gumagawa ng lahat ng 'yun at halos hindi ko na mapigilan ang sarili ko na saktan ang gumawa nun.

Nag-usap kami ni Rocky kanina na magkita kami sa garden which is yung tinatawag naming peace place. Kinuwento sa akin ang lahat-lahat and I'm so dumb, dahil 'yung akala kong mabait ay yun yung gumagawa sakin lahat ng nangyayari sa akin ngayon.

Ysabelle!

Nakwento rin sakin ni Rocky na classmate niya si Sunshine. Umamin si Sunshine sa kaniya na siya ang kumuha ng picture namin ni Rocky habang sumasayaw at ang lalong kinakukulo ng dugo ko ay may nag-utos kay Sunshine na gawin yun at 'yun ay si Ysabelle!

Hindi ko alam kung ano ang kasalanan ko kung bakit niya ginagawa yun lahat.

Nandito ako ngayon sa unit ni Raiver. Dito na ako dumiretso pagkagaling ko sa school. Ang tagal naman kasi niya, umalis kasi siya dahil may kailangan siyang gawin sa ewan ko. Wala namang siyang sinabi sa akin, e.

Agad akong tumayo at pumunta sa harapan ng pinto ng marinig kong may naglalagay ng password dun. Pagkabukas na pagkabukas ay agad akong nagsalita.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na aalis ka? Hinintay pa kita. Paimportante ka talagang lala-" Naputol sa ere ang sasabihin ko ng makita ang nasa harapan ng pinto.

Hindi si Raiver kundi hindi ko kilala. Tatlo sila at yung dalawa ay mukhang mag-asawa habang yung ay sa tingin ko ay 14 pa lang.

Napatakip ako sa bibig at agad na hinampas ang ulo ko.

Agad kaming napatingin lahat ng may marinig kaming kumakaripas ng takbo papunta sa amin at iyun ang kanina ko pa hinihintay.

"Mom, dad. Hey! Little sis!" Nagulat ako sa sinabi niya.

Nalaglag ang panga ko dun, ah. Yung sinermonan ko kanina lang ay pamilya niya pala.

"Come in." Sabi ni Raiver at gumilid naman ako at para makapasok sila.

"Hey? You look frustated! Anything bad happened?" Napukaw ang atensyon ko kay Raiver ng magsalita siya sa harapan ko.

"Nahihiya ako sa pamilya mo. Nakatanggap sila ng sermon galing sa akin imbes na ikaw!" Mahinang sabi ko.

"Owww... sorry!" Natatawa niyang sabi.

Hinigit niya ako palapit sa kaniya at mahigpit nya akong niyakap.

"Lovebirds! Stop! Remember, nandito si kaycee."

Napatingin ako ng masama kay Raiver at tinulak siya. Aba hindi pa natinig, hinawakan pa ang bewang ko habang naglalakad kami palapit sa pamilya niyang nakaupo sa sofa.

"Sorry po!" Nahihiyang sabi ko habang nakayuko.

"It's ok! By the way, you are Anneky Cruz, my son girlfriend, right?"

Tumango ako pero hindi parin nakatingin sa kanila. Ramdam ko kasi yung tingin nila sa akin. Natatakot tuloy ako.

Pero bakit nila alam na girlfriend ako ni Raiver? Magtatanong na sana ako ng mauna si Raiver.

"Mom, how did you know?"

"Ruzzell's mom told me about your relationship with their hija. I think it's a cute couple!"

"P-po?" Nagtatakang tanong ko.

"By the way, I like you! You can call me Tita Luzz."

"You're beautiful ate... uhmmmm???" Natawa ako sa batang kapatid ni Raiver.

My Seven Years Gap BoyfriendWhere stories live. Discover now