Chapter 36

1.5K 26 0
                                    

Nandito ako ngayon sa principal office dahil may nagsumbong sa amin sa principal na naghalikan daw kami ni Rocky at linagay pa talaga sa lahat ng computer kaya hiyang-hiya ako ngayon.

Pagkabukas kasi na pagbukas ng computer ay picture agad namin ang makikita. Hinihintay na lamang si Rocky na dumating dito para pagalitan na kami ng principal.

Oh, diba! Grabe na 'tong ginagawa sa akin.

Nang dumating si Rocky ay agad kaming nakarinig ng sermon sa principal at sa iba pang teacher na nandito sa office. Sinabi pa sa amin na kung maghahalikan daw kami ay sa private place at hindi sa public.

Hiyang-hiya ako sa mga pinag-sasabi nila. Tapos kapag tuwing aamin ako na hindi ako 'yun ay hindi sila maniniwala.

Nainis kami dahil hindi naman talaga namin ginawa 'yun. May nag edit lang talaga ng picture namin. Aish! Pero magaling ang nag-edit dahil mahahalatang ako talaga ang nasa picture.

Sa buong araw wala akong ginawa kundi pumunta sa bahay kaya paano kami magkakapicture na magkahalikan kami dahil hindi naman namin gagawin 'yun.

Aish! Sinisira nila ang pangalan namin ni Rocky.

Lalo pa akong nainis nung sinabi ng principal namin na ako pa naman ang prom queen tapos ganun ang pinapakita ko! Bakit tingin ba nila gusto kong maging prom queen? Dapat binigay na lang nila ang trono na yun sa deserving. Tsaka hindi naman talaga ako yung babae na nasa picture. Edit lang yun. At alam ko yun.

Pagkatapos nun ay pinauwi na kami. Kami na tuloy ang naiwan na estudyante dito sa school.

"Pagsisisihin ng gumawa nun ang ginawa niya sa atin." Galit na usal ni Rocky.

Natakot ako sa boses niya at lalong natakot ako sa masamang tingin niya.

"Rocky! Ikaw ba yun?" Kumpronta ko sa kaniya.

"Yes, ako yun. Ganito kasi yun ng umuwi ako nung lunes, which is absent ka. May humarang sa akin na babae na at hinalikan na lang ako basta kaya alam kong hindi ikaw yun." Hinawakan ko ang kamay niyang nakakuyom.

"Ok, now I know but please, huminahon ka." Sabi ko at pilit na pinapawala ang kaniyang galit. "Hindi ko alam gagawin ko kapag nalaman 'to ng boyfriend ko." Natatakot kong saad.

"Kausapin mo lang siya at kapag hindi siya naniwala, tawagan mo ko at ako ang magsasabi sa kaniya ng totoo."

Napabuntong-hininga ako. "Sige."

"Anneky!"

Ang boses na 'yun.

Kinakabahan na humarap ako at tama nga dahil sa 'di kalayuan ay nakatingin sa amin si Raiver, malamlam ko siyang tinignan habang ang kaniyang mata ay masamang nakatingin kay Rocky.

Lumapit ako sa kaniya at nakasunod pa rin pala sa akin si Rocky.

Hinila niya ako sa kaniya at kami naman ngayon ni Rocky ang magkaharap.

"Who you?" Maangas na pagkakatanong ni Raiver kay Rocky.

"I'm Rocky." Pagpapakilala nito.

"Tsk. Pwede ka ng lumayo sa girlfriend ko." Nagulat ako sa kaniyang sinabi.

Tumingin ako kay Rocky na humihinga ng tawad.

"Raiver!" Saway ko sa kanya.

"Why?" Inis na tanong niya.

"Kaibigan ko siya!"

"And so?"

"Raiver naman..."

My Seven Years Gap BoyfriendWhere stories live. Discover now