This is it!!!!

76 7 0
                                    

Sakay kami ng isang trycycle. Pagbaba namin namataan na namin ang ibang member ng gang na naghihintay samin sa gate. Paglapit sa kanila isa isa kaming nakipagkamay. Meron kaming trademark sa pakikipagkamay sa gang namin. Lahat naman ng gang ganun eh ,basta magkakamember merung mga trademark sa papakipag kamay.

Pagpasok sa gate ng school.. Taas noo kahit kanino. My gosh ang X kong si Eric. At dito din pala nag enroll itong hayop na ito!!!!

"Hi Bernice !do you missed me?" Bati nito

Dedma ang beauty ko sa  lalaking to. Diretso sa paglalakad . Aba!! ang hayop na lalaking to lumapit pa.

"Surprise ka ? Sabi ko naman saiyo susundan kita" sabay akbay ng walanghiya sa kin

" Ano ba? " sabay hawi sa kanya

"Bakit naman? Ito naman para naman wala tayong pinagsamahan.."

"Pinagsamahan??? Pinagsamahan ba tawag mo dun 3 weeks lang tayo naging mag on and 2 months na tayong break. And please lang tigilan mo ang patambay tambay sa labas ng gate namin . Pinagagalitan ako ng kuya ko "

"Move on Boy....." Singit ni Sid

Walang nagawa si Eric kundi lumayo napahiya siya sa kanyang mga kabarkada. Tuloy kami sa paglalakad, ang NHG gang..Kasama ang iba pa naming member sa ibang year..

Pumunta na kami sa aming mga pila , And as usual sa dulo kami dahil nasa lowest section kami. And habang nasa  pila tawanan to the max kami ng tropa. Pinagtatawanan ang mga kaaway naming grupo.

My gosh si Ronald !!!!X ko na naman . ...Poor Ronald sukdulan hanggang langit ang galit sakin. Pero dedma lang siya kahit makita ako compare kay Eric. It was 1 year ago. At kung bakit nga ako nakipag break ay di ko na matandaan.Pero natatandaan ko nung nakipag break ako kanya lumuhod pa siya sa harap ko..Ooooh !!!haba ng hair ko..Hindi man ako kaputian at sobrang ganda atleast  hinahabol ako ng mga guys..Kahit Gaga ako hahaha...

Sandali ano yun???

Biglang nagakagulo ang mga girls.

"Nariyan na siya!!!!" Sabi ng iba at pati tong mga kababakla ko kinikilig habang may tintanaw sa gate. Napatanaw na din ako.

Papalapit ng papalapit ang pinagtitilian ng mga girls ..,papalapit na siya sa min. Saka ko narealize ang makalaglag panty niyang arrive. Para siyang Arkanghel na bumaba mula sa langit. Shit !tao ba ito ?sobrang  perfect ang kagwapuhan nito para na siyang Artista. Bihira ka lang makakakita ng ganitong kagwapo dito sa Cavite. Makakakita ka pero mga artista na.

"Sino yang cute guy na yan? " inusisa ko agad ang hitad kong kaibigan

" oh my gosh si Froi,my love!!" Sagot ni Marky habang kilig to the max ang bruhang bakla.

"Puroy???" Tama ba pagkakarinig ko???

" Gaga!!! FFfff Froi as in F...Froilan James Sauler kasi real name niya . Short for Froi. " paliwanag naman ng bff kong si Sid

Well ,need ko magpapansin ..So tinawag ko ang heart rob na ito.

"Froilan James Sauler!!! Ang cute mo!!" Sigaw ko .. Malakas na malakas na sigaw!!!

Nagtinginan lahat ng nakapila sa kin. Kunsabagay makapal naman talaga ang face ko . Kiber ko kanila basta mapansin ako ni Froi.Uyyyyy lumingon siya...

Parang tumigil ang mundo ko paglingon niya sa kin.

"Hi" sabi ko and sabay kaway.

Pero dedma ang beauty ng lola mo. Tinalikuran lang niya ko at tuloy sa paglalakad. Shit.. Dyahe...

"Naku girl mahirap yang abutin bukod sa mala Aga Muhlach niyang dating ,matalino, conservative at mayaman yan. Anak yan ng isa may ari ng school na ito. "Sabi ni Sid

Ganun ???hanggang tingin na lamang ba ako?Hayaan mo na, ganun talaga ang buhay. May mga bagay na mahirap abutin. Langit at lupa ba ang pagitan namin. Siya Anghel at ako demonyita!!!ohh ang saklap!!

Nagsimula na ang flag ceremony... mukhang mag eenjoy talaga ako dito sa St . Andrew Academy.Kaya ko ito.. Go girl. Makukuha din kita Francis James Sauler!!!balang araw mapapansin mo din na maganda ako!!!

How can I teach my broken heart to forget you?Where stories live. Discover now