The 18th birthday

17 3 0
                                    

POV : Mary Bernice Lane Ramirez

Dumating na ang gown na susuotin ko sa darating kong debut. Simple lang ang gown ko at simple lang din ang party ko. Sa bahay nga lang gaganapin yung party ko. Wala akong cotillion pero may 18 roses at 18 candles lang ako. Simple lang ang party kasi hindi naman kami mayaman. Simple lang ang buhay namin. Saka mga ate ko lang naman ag gusto na mag celebrate ako mg debut . Sila kasi noon hindi na nakapag debut pagka graduate ng highschool naisipan ng lumayas at pumunta sa promotion para mag trabaho sa Japan. Kaya sa amin na lang nila binubuhos ang lahat ng hindi nila naranasan noong kabataan nila. Sa aming dalawa ng bunso kong kapatid na babae.

Nag umpisa ang second sem. Two weeks na lang at debut ko na.Hindi pa din siya tumatawag at hindi ko alam kung makakapunta siya.

" Hello girl!! " sabay sabay na sabi ng mga friends ko. As usual buburautin na naman ako.

" Ano na balita girl?" Sabi ni Marky.

Hindi ako kumibo. Kunwari ay nanood lang ng T.V at hindi ko narinig ang sinabi niya.

" Hoy loka!! Ano na??" Muling tanong nito sabay hampas sa akin.

" Wala pang tawag.." Mahinang sagot ko. Nakasimangot ako. Alam nila na badtrip ako. Hindi na nag usisa pa.

" Patingin na lang ng gown mo" sabay singit ni Beth.

Sabay -sabay kaming umakyat sa kwarto para pakita sa kanila ang gown na pinatahi ko.

" Taray !! Royal blue ang motif mo. Bakit? Hindi na lang pink or yellow" sabi naman ni Sid.

" Favorite color ko yan at saka red. Masyadong sweet ang pink , hindi bagay sa akin" sagot ko naman.

" Ok na din naman . Madami na din naman ako napuntahang debut at kasal na ganyan ang motif."Sabi naman ni Rona.

Hindi na nila nagawa itanong pa sa akin ulit ang nagyari sa inbitasyon ko kay Froi. Alam na nilang masasaktan ako. Pilit na lamang nila akong pinatatawa. Nagkukwentuhan ng mga past na kalokohan namin dati. Ngayon college na kami maski paano patuloy pa din kami sa pag- aaral namin. Kumukuha kami kami ni Beth ng education. Si Marky at si Sid ay computer science at si Rona naman ay HRM. Pareho kami ng university na pinapasukan.

" Bernice!! May tawag ka!!" Sigaw ng aking nanay sa baba. Kahit malakas ang bunganga ng mga kaibigan kong nagkukwentuhan ay narinig ko pa din ang sigaw ni nanay. Agad akong tumayo. Nagmamadaling bumaba. Ganun din ang mga kaibigan ko.

" Baka si Froilan yan girl" sabi ni Sid.

Agad kong kinuha ang phone na naka hang.

" Hello" sambit ko

" Hello Bernice!" Sabi ng tumawag . Boses ni Froi. Bigla akong nabuhayan ng loob.

" Sino yan? " bulong ni Sid

" Si Froi" mahinang sagot ko. Sumenyas ako na wag silang maingay.

" Buti napatawag ka.." Sagot ko kay Froi.

" Natanggap ko na yung invitation card mo ngayon lang" sabi ni Froi

How can I teach my broken heart to forget you?Where stories live. Discover now