2 ~ Chastity

279K 6.3K 431
                                    

CHAPTER TWO

TALAGANG hindi nya napigilan ang pagsimangot ng mukha nya habang pinagmamasdan ang mga kaibigan nya na nagkakarerahan sa malawak na field. Tinignan nya ang isa malaking screen at nakita nyang nauungusan na ni Lexus si Saleen at Stella. Ano na naman kaya ang pustahan ng mga ito?

"Why don't we join to them? Wala naman si kuya Ryxer." Tumabi sa kanya si Liberty, oo nga pala silang dalawa ang hindi pinapayagan ng lalaking iyon gumamit ng field kapag walang kasama.

Nilingon nya ito at agad naman itong ngumisi na para bang wala ng makakapigil sa kanilang dalawa na gawin ang bawal. Mabilis na tinakbo nila ang kanila-kanilang mga sasakyan at pumasok doon. Parang nahupa lahat ng inggit nya sa katawan ng maikot nya ang buong field ng walang nagpapagalit sa kanya at sigurado syang pareho sila ni Liberty ng nararamdaman.

"Charlton, do you hear me?" Narinig nya ang boses ng kaibigan mula sa headset na nasa suot nya. Para silang mga piloto na nagpapalipad ng helicopter kaya lang sa land lang sila at wala sa himpapawid at hindi helicopter kundi sports car ang minamaneho nila.

"Yes yes." Sumulyap sya sa rearview mirror ng Mazda nya, nasa likod nya lang ang sasakyan ni Liberty pero sa likod nito ay may isa pang sasakyan.

"Kuya Ryxer is here together with your brother we are so dead."

"So dead." Pagsang-ayon nya. "Let's stop this and runaway from them bago pa tayo nila masermunan." Tinapos nya lang ang isa pang ikot at ipinarada na ang sasakyan nya sa paradahan.

Bumaba sya at sinimangutan lang ang mga kaibigan nyang babae na nakatingin sa kanya. Alam na kasi ng mga ito ang mangyayari pati si Liberty ay nakasimangot na din.

"Hide hide." Sinisenyasan sila ni ate Stella na magtago dahil huminto na ang sasakyan nila Ryxer.

"Liberty." Sabay pa silang napatayo ng tuwid ng kaibigan ng tawagin ang pangalan nito ng binata. Nakatalikod kasi sila sa gawi nito habang ang mga kaibigan nya ay nakaharap sa kanila.

"Pack your things ihahatid na kita sa bahay."

"Kuya naman dito muna ako behave naman ako."

"Behave? Sinabi ko na sayo na hindi ka pwedeng magdrive mag-isa."

"Mabagal lang naman ang pagpapatakbo ko kuya."

"Hindi mabagal ang nakita ko kanina!"

"Galit ka na naman sakin." Her voice almost cracked.

"Paanong hindi ako magagalit sa.-"

"Man, enough iiyak na si Liberty." Sabat ni Ether, minsan gusto nyang yakapin na lang bigla si Von Ether kasi magaling ito tumayming kung kailan eeksena.

"Charlton.-"

"Uuwi ako Ryxer kay kuya ako sasabay." Inunahan nya na ito sa pagsasalita at hinarap ito. Naglakad sya sa gawi ng mga ito at niyakap ang kapatid nyang katabi lang nito. Ang bango-bango naman ng kuya nya at lapad ng dibdib. "Kuya inaaway nya na naman ako." Parang batang sumbong nya sa kapatid.

"Sinabi ko na sayo na huwag ka magdrive hindi ba paano kung may nangyaring masama sayo?" Akala nya pa naman kakampihan sya ng kapatid.

"Tama na ang drama ang sakit nyo sa mata. Anyway guys baka gusto nyong mag road trip." Umupo si Stella sa hood ng sasakyan nito.

"No!"

"Sure."

"Hindi pwede!"

"I'm in, kailan ba 'yan?"

"Walang magaganap na road trip!"

"Tayo na lang kung ayaw nila."

"Huwag kayong makulit girls hindi pwede kasi.-" Isang nakakasulasok na tili ang pumailanglang sa buong paligid ang nagpatigil sa diskusyon nilang lahat. Ang sakit sa tenga sa totoo lang, napapapikit pa sya.

RACE 1: Left Behind Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon