Chace Lopez' POV
"Nakabuntis ka?! HAYUP KA CHACE!" sigaw ni Trim at napaupo sa sobrang gulat.
Dito agad ako dumiretso sa bar niya pagkakuha ko ng kotse ko sa talyer.
Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Naguguluhan ako.
"Sino? Artista ba? CHACE SINO!"
"Si Sab.." yun lang ang nasabe ko.
"Sab ano?"
Napatingin ako kay Trim "Ha?"
"ANO ANG PANGALAN! SAB ano?! Sabsaban? Chace! Buntis yun sa anak mo kahit buong pangalan hindi mo nakuha?" napaface palm siya kaya napatulala ako.
Anak.
May anak na ako.
Napatayo ako at napatingin sa phone ko "I need to see her." sabe ko at mabilis akong tumakbo papunta sa kotse ko.
"Saan ka pupunta?!" sigaw ni Trim.
"Kay Sab." madiin kong sabe.
Sa sobrang gulat ko sa pangyayare kanina hindi ko na alam ang irereact ko. Matagal ko na siyang hinahanap dahil hindi mawala sa isip ko ang nangyare samen. Hindi siya maalis sa isip ko. Yung mukha niya, labi niya at siya mismo hindi ko makalimutan.
Gusto ko siya makita kaso hindi ko naman alam na buntis pala siya at ako ang ama.
Nakakagulat dahil parang kahapon lang...ayos ang lahat tapos ngayon magigising ako na isa na pala akong ama.
Nagulat ako ng maiyak ako bigla at naramdaman ko na hinawakan ni Trim yung pinto ng kotse ko.
"Chace. Ano ba? Ayos ka lang ba?" natataranta na sabe ni Trim.
Natulala ako dahil hindi ko na alam ang nangyayare.
"Chace."
Napaupo ako at napagulo sa buhok ko "Hindi ko alam Trim. Hindi ko alam ang gagawin ko. Mababaliw na ako. Hindi ko alam. Gusto ko siya pero sa dame ng hirap ko para makarating sa kinatatayuan ko...Trim hindi ko kaya isuko ang lahat para sa kanya ng ganun ganun nalang..." sabe ko at naiyak na talaga ako.
Alam ko kilala ako ng lahat na tigasin, cold at snobbero pero si Trim lang ang nakakaalam sa tunay na ako. Siya lang ang nagtiis saken simula ng una at tinarato ako na kaibigan kahit na alam niya ang nakaraan ko.
Hindi ko iniwan ang buhay ko para lang mapunta sa wala ang lahat.
"Chace. Find her. Panagutan mo siya. Yun ang dapat at yun ang gusto mo."
Tiningnan ko si Trim at tumungo.
"I'll drive. Wala ka sa tamang pag iisip ngayon. Nagawa mo nga siyang ipakilala na anak ko diba? Siraulo ka talaga!" sabe niya kaya napangiti ako at pumasok na ako sa kotse.
Siraulo talaga ako Trim.
*******
Pinuntahan namen yun address na nasa phone ko at mabilis na bumaba si Trim sa kotse.
"Wait here." sabe niya dahil hindi naman ako pwede lumabas nalang bigla. Baka pagkaguluhan ako.
Napatingin ako kay Trim at may matandang babae ang lumabas sa gate at nagulat ako ng kumuha yun ng walis tambo at ihampas sa bestfriend ko.
"PARE!!!!" sigaw ko at mabilis akong pumuwesto sa may driver seat at binuksan ko ang pinto ng passenger seat "Takbo!" sigaw ko kay Trim kaya mabilis siyang tumakbo palapit sa kotse ko habang si Lola hinabol siya at may dala pang walis tambo.
"SINO KANG LALAKI KA!!!!" sigaw ni Lola.
"SHIT! FUCK YOU CHACE!" sigaw ni Trim at mabilis na tumakbo pasakay sa kotse ko at mabilis ko namang pinaharurot.
"BUMALIK KAYO DITO!!!" sigaw ni Lola.
Nanlamig ako bigla at napahampas saken si Trim "Hayup ka! Sino yon Chace?!" sigaw niya.
"Hindi ko alam! Mali yung binigay niya na address!" sigaw ko.
Nasaan na ba siya? Hahanapin ko nanaman ba siya?
"PARE MAKAKABANGGA KA!!!!" sigaw ni Trim at mabilis akong napaapak sa preno.
Natulala ako ng makita ko si Sab sa harap. Nanlalaki din ang mata na nakatingin saken.
"Shit muntik na!" sigaw ni Trim pero hindi ko na siya pinansin at mabilis akong bumaba sa kotse.
Mabilis kong nilapitan si Sab kaso nagulat ako ng tumakbo siya ng mabilis.
"SAB!!!!" sigaw ko at hinabol siya.
BINABASA MO ANG
Eighteen
RomanceGaano ba kahirap maging batang ina? Ano ba ang mararamdaman mo lalo na kung natatakot ka dahil ang pamilyang dapat nasa tabi mo para gabayan ka ay wala. Isusuko mo ba lahat o papanindigan mo nalang ang nagawang kasalanan?