Chapter 28

12.9K 254 6
                                    

Sabrina's POV


3 AM


Nagising ako bigla at nagulat ako ng makita ko si Chace na nakaupo sa study table niya.


Gigisingin ko sana siya ng may nakita akong nagtext sa phone niya.


-Avery Jones.

Imissyou na Chace! Kelan ka ba babalik? Next month na ang release ng movieee! Kelan ka ba ulit pwede?-



ULIT?
Natawa ako at mabilis kong ginising si Chace.



"Nagtext si Avery! Kelan daw ulit kayo magkikita!" sigaw ko kaya tiningnan niya ako ng mukhang inaantok.


Ano painosente siya ngayon?!


"Loves...nagkita lang kame last week dahil may inaayos kame about sa movie--"


"AKALA KO BA TAPOS NA! ANO NANAMAN BA TO CHACE!" sigaw ko kaso nagulat ako ng magdugo ang ilong niya kaya mabilis na nanlaki ang mata ko at kinabahan ako bigla.


"Chace yung ilong mo" gulat kong sabe at napahawak siya sa ilong niya at nagulat ako ng mag collapse siya.


"CHACE!!!" sigaw ko kaso hindi na siya sumasagot. Nung hinawakan ko siya, inaapoy na siya ng lagnat.


Mabilis akong tumakbo sa sala para tawagan ang front desk ng Condo.


Agad din akong bumalik kay Chace ng sabihin nila na mag hintay lang daw dahil tinatawagan pa nila yung ambulansiya.


"Chace..wag mo ako takutin!" sigaw ko pero nakapikit lang siya kaya mabilis na umagos ang luha ko.


Hindi ako mapakali! Kinakabahan ako!


Mabilis na may nag door bell at paglabas ko mga nurse na pala. Binuhat nila si Chace at nakasunod lang ako.


Nagulat ako ng umulan ng sobrang lakas kaya napatingin ako sa langit...


Ano bang nangyayare?


"Anung nangyare? Bakit ka tumawag ng 3 AM? Anung nangyare sa pasyente?" tanung ng nurse ng makasakay na kame sa Ambulansiya.


"Hindi ko po alam...nagdugo lang ang ilong niya tapos nahimatay na siya--" hindi ko na mapagpatuloy ang pagsasalita ko dahil kinakabahan na talaga ako.


Humigpit lang ang hawak ko sa kamay ni Chace dahil natatakot ako...Naiiyak ako dahil sa mga ganitong panahon dapat siya yung humahawak sa kamay ko! Sabe niya popotrektahan niya ako! Bakit siya ganyan!



"Chace...gumising kana..Mahal na mahal kita..." bulong ko at nagulat ako ng....



*BEEEEEEEEEEEEEP!!!!!*





Third Person's POV


Sobrang lakas ng pagpatak ng ulan at sa hindi inaasahan na pagkakataon...


*BEEEEEEEEEEEEP!!!!!*


Bumangga ang isang ten wheeler truck na may biyaheng isda sa Ambulansiya kung saan nakasakay si Sabrina at Chace.


Sobrang lakas ng pagbangga na tumama ang sasakyan ng magkasintahan sa isang malaking puno. Halos lumipad yung sasakyan dahilan para mapipit na ang gilid nito at mabasag ang mga bintana.


Mabilis na tumawag ang mga sakay ng truck ng Ambulansiya dahil lahat ng laman ng sasakyan na nabangga nila nawalan ng malay.


"Patay na ba?" tanung ng driver sa kasama niya.


Mabilis nitong nilapitan si Sabrina "Buhay pa tong babae. Mabuti nalang napunta sa may tagiliran. Hindi naman ata napuruhan" kinakabahan niyang sagot habang naghihintay sila ng mga rescue.


"Kaso pre...yung lalaking nasa stretcher..Hindi na ata nahinga.."


Napatingin silang dalawa kay Chace na tumama ang ulo sa may pinto ng halos naipit na ang sasakyan.


"Pa...patay na ata..." pagpapatuloy ng lalaki.

EighteenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon