Chapter 8

18.5K 400 24
                                    

Chace's POV


"Chace. Aalis na ako. Magtataxi nalang ako. Ikaw na bahala kay Sab ha? Call me if you need anything" sabe ni Trim kaya tumungo nalang ako.


Nandito na kame sa tapat ng condo ko at dahil nagkaproblema sa bar, nagmamadali na umalis si Trim.


"Salamat pre." sabe ko kaya umalis na siya.


Napatingin ako kay Sab at tulog na tulog siya habang nakaupo sa kotse ko.


Napangiti ako dahil kung gaano ako nagagandahan nung una ko siyang nakita, ganun pa rin ang nararamdaman ko. Napakaganda niya. Sobra.


Kinuha ko yung panyo ko at tinakip sa mukha niya. Ayoko na makunan siya ng kahit na sino.


Binuhat ko na siya papapasok sa condo ko. Tapos bumalik ulit ako sa kotse para kunin yung maleta niya ng mag ring yung phone ko.


DAD calling...


Sinagot ko yun at...


"I heard nakabuntis ka?! Who's the girl?!" galit niyang tanung.


Yun pala ang dahilan kaya siya tumawag.


"Dad nasa set ako ngayon. Don't call me." sabe ko at pinatay ko na yung phone ko.


Dumiretso na ako sa elevator papapunta sa condo ko at pagdating ko natutulog pa rin si Sabrina. May taping pa ako ng 6 PM at 5 PM na.


Umupo na muna ako sa couch kung saan siya nakahiga kaso nagising siya bigla at tinitigan niya muna ako bago siya umupo.


Napatingin siya sa paligid kaya nakatingin lang ako sa kanya.


"Marunong ka ba magluto?" tanung ko sa kanya.


Tiningnan niya ako na para bang niloloko ko siya. Gutom na ako. Babae siya kaya dapat marunong siya magluto.


"Luto? Ako?" natatawa niyang tanung kaya tumungo ako.



Tumawa siya kaya akala ko marunong siya kaso...



"Hindi ako marunong maglaba, maglinis lalo na ang magluto."


Napatitig ako sa kanya.


"Hindi ako lumaki sa hirap kung yun ang iniisip mo. Total magiging Tatay ka na naman ng anak ko sasabihin ko na sayo ang lihim ko. Anak ako ng isa sa pinakamayaman na tao sa Pilipinas na si Seigfred Monteigo. Bakit dun ako nakatira sa dorm? Kase tumakas ako at ayoko na ipakasal niya ako sa anak ni.."



"Anak ni Philip Lopez?" pagpapatuloy ko.



Shit.


Ngayon ko lang narealize!



Napapikit ako at napaface palm. Siya pala yung matagal na inarrange nila Dad para saken? Umalis din ako sa bahay dahil ayoko na ipakasal nila ako sa anak ng mga Monteigo. Tapos ngayon...




"Chace..hindi tayo pwede mag kaanak" kinakabahan niyang sabe.


Hindi talaga pwede dahil ipapakasal kame agad ng mga magulang namen. Pag nagkataon, saken na ulit iaasa ni Dad ang company namen. Aalis na ako sa showbiz na matagal kong pinaghirapan. Hindi pwede.



"Ayoko. Ayoko na maging asawa lang. Kaya ako umalis sa bahay dahil ayoko ng pinangungunahan sa buhay ko. Buong buhay ko sila ang komokontrol saken. Ayoko na bumalik sa kanila! Chace. Ayoko mabuhay ng ganun."




Ayoko din pero mukhang dun kame babagsak. Mawawala lahat ng effort namen na talikuran ang pamilya namen dahil sa magiging anak namen.




"Ipapalaglag ko siya." madiin na sabe ni Sab kaya gulat akong napatingin sa kanya.



"Hindi pwede. Kasalanan yun!" sigaw ko.



"Kung ikaw kaya mo mabuhay na kasama sila ako hindi! PAGOD NA PAGOD NA AKO NA MAGING ROBOT NILA CHACE. Bukas na bukas sasamahan mo ako ipalaglag ang batang to. Pagkatapos nun kalimutan na ulit naten na nagkakilala tayo." sabe niya.


Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ayaw ko ipalaglag ang anak namen pero mas ayaw ko bumalik sa buhay na kinalakihan ko.


Ayaw ko din maging gamit nila Dad para mapalaki ang yaman nila. Pagod na ako maging utusan.


"Fine. Bukas na bukas. Sasamahan kita na ipaalis yan." sabe ko.

EighteenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon