Chapter 22

19 2 0
                                    

Marian's POV

Dumating na kami ni Lance sa apartment namin ni Sofia. Bumaba ako sa kotse niya at bumaba rin siya.

Naglakad kami papunta sa harap ng gate. Tumalikod ako para magkaharap kami.

"Thanks ulit, Lance. Ang saya ko talaga ngayon." nakangiti kong sabi kay Lance.

"Wala yun. Kahit ano para sa'yo"

Medyo nagblush ako dahil sinabi niya. May bumukas ng pinto ng gate namin. Si Sofia.

"Marian! Nandito ka na pala!" sabi niya sabay yakap sakin. "Lance, ikaw pala 'yan. Long time no see." sabay tingin kay Lance.

Kitang kita sa mga mata ni Sofia na nagulat siya dahil nandito si Lance.

"Hi Sofia. Oo nga e. Three years na." sabi ni Lance.

Naging tahimik kami. Ang awkward.

"So, uh. Bye Lance! Kita nalang tayo bukas sa office." I broke the silence.

"Sige. Bye Sofia! Bye Marian!" sabi niya sabay kaway at lakad papunta sa kotse niya.

"Bye Lance!" sabi ni Sofia.

Umalis na si Lance kaya pumasok na kami ni Sofia. Pagpasok namin, hinatak ako ni Sofia papunta sa sofa.

Pinaupo niya ako sa tabi niya. Huminga siya ng malalim bago nagsalita.

"Magkwento ka na." sabi niya sakin.

"Ano? Magkwento?"

"Oo, go. Ano nangyari? Close na ulit kayo?"

Kwinento ko na kay Sofia yung mga nangyari. Kasi kung hindi ko gagawin kagad, kukulitin niya lang ako magdamag.

"Yun lang naman ang nangyari." sabi ko.

"Weh? Baka may hindi ka sinasabi sakin." nag-pout si Sofia.

"Promise. Yun lang talaga." sabi ko sabay taas ng kanang kamay ko.

"Okay, sabi mo e."

Pumasok na ako sa kwarto ko. Masaya ako pero at the same time, pagod rin ako.

💜💜

Sofia's POV

Mukhang nagkakasundo na ulit sila Marian at Lance. Magkasama kasi sila kanina.

Mukhang time na para malaman ko yung totoong nangyari noon. Kailangan ko na kausapin si Lance. Pero kailan?

Friday na bukas. May pasok pa sila bukas. Pero sa Saturday, wala. Siguro sa Saturday nalang. Bahala na!

💜💜

Lance's POV

Nakauwi na ako sa bahay. Pagpasok ko, nakita ko si nanay. Nakaupo siya sa sofa. Tinignan niya ako.

"Lance, anak. Ginabi ka ngayon, a." sabi niya sabay yakap sakin.

"Sorry po nay. Hindi ako nagpaalam."

"Okay lang anak. Malaki ka na naman. At diba, nasa trabaho ka naman? Sa Santiago Telecom ba yun?"

"Nung una po nay. Pero maaga po kami pinauwi ngayon."

"Ha? Maaga? Bakit ka ginabi?" tanong ni nanay.

Kinwento ko kay nanay yung mga nangyari kanina. Natuwa naman siya. Boto kasi siya kay Marian.

The Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon