Chapter 36

16 2 0
                                    

Marian's POV

Nasa office ako ngayon. Wala ako magawa. Bored na bored na talaga ako. Wala kasi ako kailangan gawin kaya ayun.

Bzzt... Nag-vibrate yung phone ko. Tinignan ko agad. Nag-text si Lance.

From: Lance
Marian, may gagawin ka ba mamaya?

To: Lance
Wala naman. Bakit mo tinatanong?

Ilang segundo pagkatapos ko isend sa kanya yun, nag-reply siya agad.

From: Lance
Ano kasi... Gusto mo ba maghang out ulit? Niyayaya kasi ulit tayo nila Kuya Daniel.

To: Lance
Sure. Saan tayo pupunta?

From: Lance
Hindi ko rin alam. Sasabay daw sila satin tapos ituturo nalang ni Kuya Daniel yung daan. Surprise daw kasi para kay Ate Diana.

To: Lance
Sige ba,

From: Lance
Sige, sundo nalang kita mamaya sa apartment niyo mga 6:00.

To: Lance
Sige, see you later!

Parehas kaming dalawa na mabilis mag-reply. Saan kaya kami pupunta mamaya? Nakaka-excite naman.

💜💜

Lance's POV

"Ano? Pumayag ba si Marian?" tanong ni Kuya sakin.

Nasa office kami ngayon. Sa office ni dad. May mga kailangan kasi kami gawin dito.

"Oo, Kuya. Sasama daw siya. Teka, bakit mo ba kami niyaya? Anong meron Kuya?" sabi ko.

"Basta, 'wag mo na tanungin."

"Kuya... Ano nga? Kilala kita, 'yan yung sinasagot ko tuwing may tinatago ka o pinaplano."

"Wala nga talaga! Ang kulit mo talaga!" natatawa niyang sabi.

Palagi kami ganun. Kahit na mas matanda siya ng halos three years, parang magka-edad lang kami. Sobrang close at komportable namin sa isa't isa.

💜💜

Marian's POV

Nasa apartment na ako. Hinihintay ko si Lance. Ready na ako para sa hang out namin. Maya-maya, dumating na si Lance.

Nagpaalam ako kay Sofia tapos lumabas at sumakay sa kotse ni Lance, sa harap. Nginitian niya ako kaya nginitian ko rin siya.

The Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon