Chapter 29

19 1 0
                                    

Marian's POV

Halos dalawang linggo na ang nakaraan. Tuesday na ngayon. Nasa kotse pa ako. Sa tapat ng office namin. Kakadating ko lang.

Bumaba na ako at pumasok sa building. Hinihintay ko yung elevator. Habang naghihintay, dumating si Lance.

"Marian!" tawag niya sakin.

"O, Lance. Good morning!" bati ko sa kanya.

"Good morning!" bati niya rin sakin.

Nandito na yung elevator. Pumasok kaming dalawa. Habang nasa loob ng elevator, tahimik lang kami. Comfortable silence naman yun.

Dumating na kami sa floor ng office ko. Lumabas kaming dalawa ng sabay.

May babaeng lumapit sakin. Hindi ko siya kilala. May hawak siyang envelope.

"Ms. Mendoza?" tanong niya.

"Yes, that's me." sabi ko.

"This is for you Ms." sabi niya sabay bigay ng envelope sakin.

"Galing kanino?" tanong ko.

"Hindi ko po pwede sabihin. Punta nalang po kayo dun. Tsaka 'wag niyo po buksan muna." Tinuro niya yung direksyon papunta sa office ko bago siya umalis.

"Sa'yo ba galing 'to?" tanong ko kay Lance.

"Hindi. Kanino kaya?"

I just shrugged. Kanino ba galing 'to? Anong meron?

Naglakad na kami papunta sa office ko. Habang naglalakad, napansin ko na ang daming taong nakatingin sakin pero hindi ko nalang pinansin.

Nakita ko si Ryan na naglalakad palapit sa amin. May dala siyang bouquet ng flowers.

"Marian, naaalala mo pa ba yung sinabi ko nung nagkita tayo ulit?  Na hindi ka pa nagbabago? Na mabait, matalino at maganda ka pa rin? May bagay na hindi ko nasabi sa araw na yun. May isa pang bagay na hindi nagbago. Mahal pa rin kita. Marian, mahal na mahal kita." sabi ni Ryan sakin.

Wala akong sinabi. Wala ako masabi. Speechless talaga ako sa sinabi niya.

"Siguro iniisip mo na medyo mabilis dahil halos isang buwan lang ang nakaraan mula nung nagkita tayo ulit. Pero sigurado na ako sa nararamdaman ko. I'm sure that I, Ryan Santos, love you, Marian Mendoza. Kaya tatanungin kita ngayon, pwede ba kita ligawan?"

"Yes na!" "Pumayag ka na!"
Rinig yung sigaw ng mga tao dito sa office.

Hindi ko alam ang sasabihin o gawin ko. Naalala ko yung ginawa ni Lance nung debut ko.  Nung tinanong niya sakin kung pwede niya ako ligawan.

Ano sasabihin ko kay Ryan? Papayagan ko ba siya o hindi? Ayoko siya paasahin, ayoko siya saktan. Mahal ko si Lance. Pero...

"Yes," sagot ko sa tanong niya.

"Thank you, Marian." sabi niya. Kitang kita sa mata at ngiti niya na masaya siya. Parang kay Lance lang dati.

Binigay niya sakin yung bouquet na hawak niya kanina.

"Buksan mo yung envelope na binigay sa'yo kanina." sabi niya.

"Sa'yo galing yun?" tanong ko.

"Oo. Buksan mo na. Basahin mo yung nakasulat sa papel sa loob." sabi niya.

Binuksan ko yung envelope. May papel nga sa loob. Binasa ko yung nakasulat sa papel.

Hindi ko alam kung ano yung nangyayari sakin. I'm not usually like this. Hindi ko sinusulat sa papel yung nararamdaman ko. Pero ngayon, ginagawa ko.

The Story Of UsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora