Mystery Two

19.4K 542 29
                                    


S a p p h i r e ' s  P O V

"Young lady,your grandfather asked if you're ready to go." I heard my butler said as he waits for me outside my room.

"Tell him to wait." Mababa ang boses kong sabi. Maghintay siya dun. Lampake kung mainip siya kakahintay sakin.

"Young lady,do you need some assistance?" said by my Butler. I didn't answer him,instead I continually put my needs on my suitcase. Once I'm done packing everything,I lifted it and opened the door. Nadatnan ko ang Butler ko paglabas ng kwarto,he bowed his head,bago niya kinuha sakin ang aking maleta. Siya na daw ang bahalang dalhin ito palabas. Kasabay ng pagbaba ko ang paglabas ni Gianna mula sa kusina habang may dala-dalang peanut butter sandwich. Kasunod nito ang isa sa maids namin na dala-dala ang kanyang nga gamit.

Ngayong araw na kami pupunta sa Scarlet Academy. We've packed our things since the students are required to stay at the school's dormitory. Well,that's good to hear. I don't want to stay here any longer. Nakakasawa nang makita ang mga pagmumukha ng mga bodyguards at maids. I need to be free. This mansion was intentionally made for me. Ewan ko ba kay Tanda at kinailangan pa akong gawan ng sariling bahay. He said  it's for my future family. Tss. And since I'm all alone here,niyaya ko si Gianna na lumipat din dito. Walang pag-aalinlangang pumayag siya at ang kanyang pamilya. Pero paminsan-minsan umuuwi siya dun sa mga magulang niya. Mommy and Daddy's girl. Mom visits me here sometimes. Naiwan siyang mag-isa dun sa orihinal kong tirahan. Where me,Mom,and Dad really lives. And since wala na si Dad,mag-isa nalang siya dun sa mansion na yun. But I'm sure na minsanan lang siyang nakakauwi dun,kasi siya na ang namamahala ng Quinzel Empire Inc. You know,typical business woman,business meetings and trips. Sa ngayon,nasa Switzerland siya.

"Oh I'm really excited!" excited na excited na sambit ni Gianna habang papasok sa van. Binalewala ko nalang ang kanyang reaksyon at sumunod na pumasok sa van. Nakita ko naman si Tanda,na nakaupo sa likuran namin. Nakatanaw lang siya sa labas at mukhang may malalim na iniisip. Napakaseryoso niya. Hindi ko nalang pinansin at isinandal ang likod. Sinara ng isang bodyguard ang pinto at umupo sa front seat.

"Let's go." rinig kong sabi ni Tanda. Umandar na ang sasakyan at nagmaneho palabas sa mansion.

Habang nasa biyahe ay napaisip ako sa itsura ng Scarlet Academy. Starting tomorrow we'll be studying in a gangster school. How ironic,isn't it? Sa pagkakaalam ko may mall at ospital dun. You're not allowed to go out the campus unless you have a valid reason. The school's management is very strict and if you try to escape,you'll surely get caught. Aside from having a valid reason,maaari lang makalabas ng paaralan ang nga estudyante tuwing pasko. After that, you have to go back. Hindi mo rin naman sila matatakasan kasi may records ang head ng school ng mga pangalan at mukha ng bawat estudyante. Believe me or not,their head remembers every single bit of the students. Makikilala at makikilala ka niya. Unbelievable,I know. How did I know this kind of information? Sinong Mafia heiress ang hindi makakaalam tungkol jan? Lahat lahat na related sa mafia ay napag-aralan ko na,dahil kinakailangan. I studied eveything about it along with Gianna. Lahat ng listahan ng mga malalakas na Mafia,tandang-tanda ko. Mga head ng underground society,kilala ko,isa dun sa head ang Lolo ko. Ang pamilya ni Gianna,Ylves Mafia, ay isa sa listahan ng mga may pinakamalakas at may malaking impluwensiya sa underground society. Sabay kaming nagensayo sa pakikipaglaban. Paghawak at paggamit ng baril,arching,fencing,martial arts,name it,alam namin lahat. Perks of being an heiress.

I was only 10 when I learned those kind of things. Eight ako nung nalaman kong isang Mafia boss ang Lolo ko. Dun ko siya sinimulang kamuhian. I was too young back then when I found out that my grandfather kills with no mercy. And dahil bata pa nga,nagalit ako sa kanya,because I thought it was wrong,he was a bad guy for me. Pero pinaintindi nila sakin. But I don't know,up until now I still hate him. Ipapamana niya kasi sakin ang inaalagaan niyang mafia for 30 years already even though I have no plans of taking over his position. He said that I can never resist. Sa ayaw at sa gusto ko magiging Mafia Leader ako. Ako daw kasi ang pinakauna niyang apo. Ang anak kasi ni Tito Howard na si Giovanni ay nasa ikawalong taong gulang pa lamang habang ang anak naman ni Tito Yuan ay hindi pa naisisilang.

Scarlet Academy: School for GangstersWhere stories live. Discover now