Mystery Four

13.6K 454 14
                                    

S a p p h i r e ' s  P O V


"Don't forget your project,okay? Deadline will be next week,Thursday."

"Yes,Madame." Nagsitayuan ang lahat para lumabas na ng classroom. Yung iba pa nga inunahan pa yung guro na makalabas. Atat na atat eh. Pero no need to wonder,ganun naman talaga dito.

"Saph. Sabay na tayo." sabi ni Alyssa. Tumango naman ako at nauna nang lumabas sa kanila. Sabay kaming apat dumiretso sa cafeteria. Di parin mawala ang masasamang tingin nila samin,simula nung nangyari yung insidente sa cafeteria nung unang araw. Kanina ang dami ko ring natanggap na death note sa locker ko. Pfft. As if naman matatakot nila ako. Lol. They're being funny.

"Sabay na nating gawin yung project mamaya." sabi ni Clarizza.
"Good idea. Sobrang hirap kaya ng physics. Naiisip ko palang yung project sa subject na yun gusto ko nang mamatay nalang." exaggerated na komento ni Alyssa.

"Madali lang naman ang physics eh. Very easy." pagmamayabang ni Gianna. Palibhasa paborito niya yung Physics kaya ganyan siya.

"Madali my ass. Eh halos sumabog na----"

"Sht!" Muntik na akong masubsob sa sahig! Agad naman akong umayos ng tayo.

"Saph?! Okay ka lang ba?" agad akong nilapitan ng tatlo at inalalayan pero iwinaksi ko ang mga kamay nila.

"I'm fine." I said. Tinignan ko ang gumawa nun sakin and guess what,walang iba kundi ang lalaking nakaalitan ko sa cafeteria. Yung leader leader kuno nung Eight Scorpions. Kala mo naman sobrang cool nila.

"What?" He gave me a bored look and lit his cigarette. 

"You did that on purpose,didn't you?" Ginawa ko lahat para makalma ako. Ayokong sumabog. Baka pag di ko natiis,yung bungo ng lalaking 'to ang mapasabog ko.

"Wow. How smart of you to figure out." he flashed a smirk. Humithit siya sa sigarilyo niya at ibinuga ito sa harap ko. Napakabastos talaga eh.

"Thanks for the warm welcome. Tss." I said sarcastically and turned myself away from him. Akmang lalakad na sana ako nang magsalita siya.

"No problem. Meet me at the field later after class. Pag di ka sumipot,I swear you'll beg for your life." I rolled my eyes before finally leaving him there.

"Omo! Saph! Wag kang makipagkita sa kanya! Delikado!" sabi ni Clarizza.

"Gaga ka ba?! Eh mas delikado pag di siya sumipot! Rinig mo yung sinabi ni Hunter?" kontra naman ni Alyssa. "Pag di ka sumipot,I swear you'll beg for your life." ginaya pa nito ang boses nung Hunter na yun.

"Eh paano kung dahil sa meet up meet up nilang yan mas mapahamak si Saph?! Baka mamaya, kasama ni Hunter yung grupo niya tapos gulpihin siya."

"Eh pano kung hindi ganun?! Edi kung di siya pupunta baka sa susunod na araw gulpihin nila si Saph!"

"Girlssss~ Kalma okay? Hingang malalim,exhale. Ako yung napapagod sa inyo eh hays. Siguradong di nila makakaya si Saphie,kahit mag-isa lang siya. Saka okay lang magulpi siya,at least pogi yung mga nang gulpi." Masama kong tinignan si Gianna. Abaaa! So okay lang kasi pogi?! Wow naman pala. "I mean ano.... Bilisan niyo na ngaaaa! Liek I'm so gutom naaaa~" Mas binilisan niya ang paglalakad at naunang pumasok sa cafeteria. 




"Aly,diba may ex ka sa Eight Scorpion?" tanong ni Clarizza.

"May ex ka sa kanila?! Sinooo?!" tanong naman ni Gianna.

"Si Storm. " kibit balikat na sagot niya.

"saan duuun?!" pangungulit ni Gia.

"Bastaaa. Yung may brown na buhok. Yun." They continued talking about guys while I focused eating my foods. Kaurat. Kakarindi yung mga tili nila. Jusko.

Scarlet Academy: School for GangstersWhere stories live. Discover now