Mystery Five

13.8K 415 11
                                    

G i a n n a ' s  P O V


Nakaupo ako ngayon sa isang bench sa may field. Kanina ko pa hinahanap si Saph eh. Matapos niyang magwalk out kanina sa canteen,niyaya kong maupo muna si Orion. Pangalan palang niya,pogi na. May bago na akong crush kyaaaaah! Marami namang nagulat at nainggit na mga echoserang palaka dahil pumayag si Orion na makatabi kami sa pag kain. Sa una ay medyo naiilang pa siya pero habang tumatagal nakikiechos narin siya samin. Ang cute niya sobraaaa. Ay! Pogi pala hahaha. Tapos ayun,matapos naming mag-usap sa canteen nauna na ako sa kanila kasi hahanapin ko pa si Saph na hanggang ngayon di ko parin matunton. Saan kaya nagsusuot ang babaeng yun? Hay naku.

Nakatingin lang ako sa grupo ng mga kalalakihang naglalaro ng soccer. Tinitigan ko isa isa ang mga mukha nila at sheeet. Lahat sila ampopogi. Nagpapasalamat talaga ako kay Lolo Felix dahil sinama niya ako sa pagtransfer dito. Matagal ko nang pinangarap na makapag-aral dito kaso nahihiya akong sabihan sila mama,lalo na si papa. Alam kong sasabihin lang nun "At bakit? Paniguradong maghahanap ka lang ng lalaki dun." oha oha! Alam na alam ni papa. Hihihi.

Habang nakatingin sa mga naglalaro,hindi ko mapigilang tignan yung isa sa kanila. Siguro sa kanilang lahat siya yung pinakapogi. Kahit medyo malayo sila sakin,nakikita ko parin ang taglay niyang kapogian. Kyaaaaah! Ang landi ko na. Nagulat naman ako nang tumingin siya sakin sabay wink. Shet! Ako ba talaga tiningnan niya?! Tumingin naman ako sa palagid at nakitang ako lang naman ang tao sa parteng ito. So meaning ako nga yun! AaaaaaaaaA! Eto na ba yun?!?!

Ngiting ngiti parin akong nakatingin sa kanila habang sila'y naglalaro. Shet! Ang hot niyaaaa! Lalo na't basa ang buhok niya at pawis na pawis pa. Gusto ko tuloy siyang amuyin at yakapin. Natapos silang maglaro,balak ko sanang magpapansin kaso nanliit ang mga mata kong nakatingin sa kanya. Pinapaligiran na siya ngayon ng mga babae. Kumait pa ang mga 'to sa mga braso niya at ang gago mukhang sayang saya naman siya. Playboy pala ang gago! :> Sayang. Binabawi ko na mga sinabi ko kanina. Hindi siya pogi at hindi din siya hot. Nakakadiri talaga siya sa totoo lang.

"Gia? Anong ginagawa mo dito?" napalingon naman ako sa lalaking matagal ko nang pinagnanasaan,since elementary palang. Hihihi.

"Hi Blake." Ngumit ako ng pagkatamis-tamis. Ang landtod ko oke. Hahaha.

"Ba't mag-isa ka lang? Asan yung best friend mo?" tanong pa niya. Naupo naman kaming dalawa sa bench. Feeling ko tuloy nagdedate kaming dalawa. Kulang nalang maghawakan kami ng kamay. Iniimagine ko palang feeling ko mababaliw na ako. Fok!

"Ewan ko ba dun. Kanina ko pa hinahanap,pero di ko mahanap." Baka natutulog lang si Saph kung saan kaya di ko na siya hahanapin. Kaya na rin naman niya sarili niya.

"Rinig ko pinagtitripan kayo nila Olivia. Pati narin ng Eight Scorpions." Bakas naman sa mukha niya ang pag-aalala. Shet. Nag-aalala ba siya para sakiiiin?! Omoooo!

"A-ah.. Oo nga eh. Pero okay lang naman yun. Di naman sila masyadong nananakit." Aaminin kong nagpapacute talaga ako kay Blake hihihi. Sana naman madala siya sa cuteness ko.

"Mag-iingat kayo lagi dito. Ibang-iba ang mundo dito sa mundo natin sa labas. Fight with no mercy. Yan ang paniniwala nila." Sabi pa ni Blake.

"Talaga? Ha---"

"Hey babe." Nagulat ako nang nay biglang sumulpot sa tabi ko at inakbayan pa ako. Aba naman?!?! Nasa harap si Blake tapos --- sino ba 'to?! Tinignan ko ang lalaking umakbay sakin. And asdfghjkl --- yung lalaki lang naman na kanina lang ay tinititigan ko like wtf?!

"You know each other?" tanong ni Blake na halatang nagulat sa pagsulpot ng lalaking 'to.

"Naku hindi ah / Of course!" sabay na sabi naming dalawa. Lul! Ni hindi ko nga alam kung ano ang pangalan niya eh.

"Of course we know each other. Right babe? She's my girlfriend,just so you know." Tinignan pa niya ako tapos nagwink. Eh kung tusukin ko kaya ang mata niya?! Pilit kong inaalis ang braso niya sakin pero sadyang ang lakas niya kaya nahirapan ako.

"Totoo ba yun Gia?" Tanong pa ni Blake. Oh noooo! Hindi pwede ito! Like baka mahurt si Blake!

"Hin--- hmmmf."

"Kailangan na namin umalis bro. Magdedate pa kami ng baby ko." sinamaan ko siya ng tingin. Tinignan ko naman si Blake at binigyan siya ng help-me-look pero mukhang hindi niya ata nagets. Huhuhu. Bwisit na lalaking 'to.

Hinila na niya ako paalis dun. Pilit ko pa ring kumawala sa kanya pero hinihigpitan niya lang lalo ang paghawak sakin. Sa oras talaga na makawala ako sa kaniya,humanda siya sakin. Papalaplap ko sa kanya ang sahig.

Sa wakas ay tinanggal na niya ang pagkakatakip ng kamay niya sa bibig ko,kaso nga lang inilipat niya naman ito sa bewang ko at hinila pa ako papalapit sa kanya. Andami tuloy nakatingin sakin. Gosh. Kakahiya. Huhuhu. "Hoy! Saan mo ba ako dadalhin?!"

"Sa paraiso,binibini." Ngumisi pa ito sakin. Hanep ang lalim ng tagalog ah! Sa sobrang lalim ang sarap niya nang lunurin sa dagat.

"Lol. Wag kang patawa mister! Saka bitawan mo nga ako! Feeling mo naman close tayo eh hindi nga kita kilala eh." pagsusungit ko dito.

Bigla siyang huminto at hinarap ako. "Well,I'm the one and only Travis Clark. I'm gonna bring you to heaven,milady." Hindi ko alam pero kinilig ako---MEDYO kinilig. Medyo lang okay. Pero erase erase erase. Hindi pwede.

"Bastos!"

"Bastos? Hindi pa nga ako naghuhubad eh---" agad ko itong hinampas sa braso. Fok! Bakit hindi man lang siya naiilang?! Isa nga siyang ganap na playboy. Tsk tsk. Major turn off.

"Gago! Bitawan mo nga ako nang makaalis na ako. You're wasting my time." Inirapan ko siya pero ngisi larin siya ng ngisi.

"Oh,so I'm wasting your time? Just how you wasted your time staring at me?" Tang--- nahuli niya akong nakatitig sa kaniya kanina?! Huhuhu. Major kahihiyan na diz.

"Wag ka ngang assuming! H-hindi ikaw ang tinititigan ko kanina 'no! Hmp." Sige Gia. Deny lang ng deny. Go! Go! Go! Kaya mo yan. Payteng!

Parang biglang huminto ang oras nang marinig ko ang tawa niya. Shocks. Tumawa siya. Ang... Ang hot niya lalo tigna----joke. Wala akong sinabing hot siya. Wala wala wala. Muntanga nga siya eh.

"Anyways,you have to come with me." Sumeryoso na siya ngayon.

"Ayoko nga! Ba't naman ako sasama sayo?" tinaasan ko siya ng kilay. Sige lang Gianna. Magsungit ka pa. Wag kang madadala sa angelic face niya.

"Nasa bingit ng kamatayan ang best friend mo. Kaya kailangan mong sumama sakin para maligtas siya. " Nanlaki ang mata ko. Seryoso ba siya?! Mukha namang hindi siya nagjojoke. Anong nangyari kay Saph?!

"A-ano?! Bakit?! Anong nangyari kay Saph?!" bumuntong hininga ito bago ako hinila. Huhuhu feeling ko lalabas na ang puso ko sa sobrang kaba na nararamdaman ko ngayon.

S a p p h i r e ' s  P O V

Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko habang nagpapatugtug sa cellphone ko. Gusto kong matulog pero hindi ako makatulog. Pipikit ako tapos maya-maya bubuka na naman yung mata ko. Paulit-ulit kaya nagpatugtog nalang ako.

Bigla akong nakaramdam ng gutom kaya pumunta ako sa kusina. Kumuha ako ng donut at bottled water sa ref saka ako umupo sa harap ng bookshelf. Habang kumakain ako ng donut bigla akong napahinto nang mapansin ang isang lumang aklat sa bookshelves. Tumayo ako at dahan-dahang lumapit dito. Tinitigan ko muna ito ng ilang segundo bago ko ito kinuha. Pero nagulat ako nang kasabay ng pagkuha ko nito ay ang paghati ng bookshelf sa dalawa. Napaatras ako sa gulat. Nakita kong may hagdan patungo sa ibaba. Sobrang dilim sa loob. Akmang papasok na ako sa loob nang biglang may kumatok.

"Saph? Andito ka ba?"



ΔΔΔ

Edited.

Scarlet Academy: School for GangstersWhere stories live. Discover now