05 ⌇ 𝐟𝐚𝐭𝐚𝐥𝐢𝐬𝐭𝐢𝐜 𝐟𝐚𝐥𝐥

336 43 13
                                    









              PATULOY LANG ANG PAGTITIG KO SA KISAME HABANG NAKAHIGA SA KAMA KO

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

              PATULOY LANG ANG PAGTITIG KO SA KISAME HABANG NAKAHIGA SA KAMA KO. Tuluyan na ring natuyo ang mga luha ko sa mukha. Walang magagawa ang pag-iyak sa akin. Hindi ito mababago ang lahat. Kahit anong panaghoy ang gagawin ko, wala rin naman kwenta iyon.

Gusto kong umalis dito. At gusto ko ng eksplenasyon kung bakit nila ako dinala sa paaralan na ito. Panigurado naman, may maganda silang rason. Napangisi na lang ako nang mapakla.

Wala sa sarili ko, kinuha ko ang aking phone at tinawagan ang may pakana sa lahat ng ito.

"Hello."

Isang malamig na tinig ang sumagot sa akin.

"Sir Prigmore," balik ko naman.

Isang tunay na kahihiyan na kahit kadugo ko siya, ngunit hindi ko man siya matawag na ama.

"Oh, it's you. It's a miracle that you're still alive." Mababakas sa tono niya na wala siyang pakialam kung patay na ako o hindi.

"Sana nga patay na ako," tugon ko sa kanya puno ng pagka-uyam.

Napatawa naman siya sa aking sagot. "So, what do you want? You know that I'm a very busy man, Ire."

At hindi na ako nagpaligo-ligoy pa.

"Maari bang paalisin mo na ako rito sa lugar na ito?"

"Why? And I'm afraid that there's no way for you to get out of that school."

Hah? Bakit parang sa boses niya, alam niya kung ano ang meron sa lugar na ito.

"You planned this, don't you?" malamig na tanong ko.

"You think so fast, Ire," ngumisi siya kabila ng telepono. "That's right. It's my plan to throw you to that place. Now, tell me to your father that how's your first stay?"

Sa oras na ito, wala na akong nararamdaman. Hindi ako nagagalit. Ni sumasakit ang kalooban ko. Sanay na ako. At ginawa ko ng bato ang aking puso.

"It's deathly," I commented in a low voice.

"I know, dear Ire."

"For a father like you, you're a shame."

"Really, huh?"

"Pero, bakit dito mo pa ako dinala? Maari mo naman ako ipadala sa ibang bansa o lugar?"

"Well, if it's not with your mother, I wouldn't throw you there," he replied apathetically.

"How come she's related to this?" I reprimanded. "Victoria is dead."

Victoria ang tawag ko sa aking ina. Alam ko na kawalang-asal iyon, pero siya mismo ang nagsabi na huwag ko siyang tatawagin kahit sa anong pamilyar na termino.

━━━━  𝐍𝐈𝐆𝐇𝐓𝐒 𝐎𝐅 𝐄𝐋𝐄𝐆𝐈𝐄𝐒Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon