Chapter 5

249 4 0
                                    

Lee’s POV

Umaga nanaman at kasama ko nanaman ang mga hinayupak kong kabarkada. Bininyagan lang naman namin ang morning violation na NO ID NO ENTRY. Tinakbuhan namin ang guard sa gate at wala na syang nagawa.

“Bakit manong guard pag wala bang ID, wala na rin ba kaming karapatang tuparin ang mga pangarap namin!!!., Kung di mo kami papapasukin para mo na din sinira ang pangarap namin!” pag-arte ko sa harap ng gate kanina.

“Hahahahahahahaha…Gago ka talaga Lee!! Wala ka talagang kupas!!” bati sa kin ng barkada.

“Syempre naman pre, haha pababayaan ko ba kayo!! Tsaka sino sya para hindi ako papasukin sa sarili kong eskwelahan, baka mawalan sya ng trabaho!” Pagmamayabang ko sa kanila

“Oo nga naman! Ikaw na po mahal na prinsipe.” Sabi ni Jed sa akin, isa sa mga kabarkada ko.

Nakita namin yung ginagawang bulletin board, syempre parte ng aming bullying routine itinago namin yung mga materials nila. Tinanggal din naming yung tarpaulin ng cleanest classroom sa kabilang section para ilagay sa tapat ng room namin. BAKIT BA!!!!!!

: )

“Psst…. Lee!” Kulbit sa kin ni Sean

“Tamo yun oh. Si Creepy!” sabi nya

“Oh eh ano ngayon.” Sabi ko sa kanya tapos tumingin sya kay Jed.

Inakbayan ako ni Jed, “Pare, kung hindi ka nga natatakot dyan sa babaeng yan banggain mo nga, dapat mahuhulog yung mga gamit ah!!.”

Napaisip naman ako sa binabalak nila, bigla din naman akong kinabahan kasi nung isang araw lang naman iniisip ko na may dark side tong taong to. Baka mangkukulam, mangbabarang, aswang o kaya bampira.

“Oh ano pre, Scared??”, pangaasar ni jed sa akin.

‘Hindi ah, eh ano kung balikan ako nyan.”

“Ano ka ba Lee, masama bumalik ang mga ganyan…… tegi ka!” sabi ni sean

“Sus, di yun totoo noh!”

Nag deretso ko ng lakad dun sa direksyon ni Samara na halatang halatang hirap na hirap dahil sa dami ng kanyang dala.

*BOOOOOOGSSHHHH

Naglaglagan ang mga hawak nya sa corridor.

‘OOoops Sorry!, ayaw mong tumabi eh!”

Wala man lang syang reaksyon, pero nakatingin sya sa akin..

OH NO!!!! ----________----

Lagot na po!

Sinimulan na nyang pulutin ang kanyang mga gamit na kumalat sa sahig. At nagdaanan na din sila Sean at Jed.

“Naku lagot ka, bat ka nagkakalat dito.” Sabi pa nung dalawa kay Samara.

Nilingon ko sya uli habang pinupulot yung gamit nya, wala man lang natulong sa kanya kahit maraming dumadaan. Iniliban ko na lang ang aking tingin at nagderetso na kami papuntang room.

Pagdating namin ng room sakto na sa time 7:30 am.

Yung mga kaklase kong sila Blaise at sila Louise nasa may pinto, mukhang iniintay kami.

“Lee, Jed, Sean, you go straight na sa science lab, habang wala pa si freak bayaan nyong wala syang madatnan dito sa room, para umalis na sya dito at para mafeel nyang walang may gusto sa kanya dito noh.” Sabi ni Blaise saming tatlo.

“Hahaha, ayos ka rin eh no Blaise!” Sabi ni Jed habang tatawa tawa naman si Sean sa Plano nito.

“Wag na sus, para naman kayong tanga di naman kayo inaano nung tao.”, sabi ko sa kanila.

“Lee, hindi ka ba natatakot?, sabay hawak sa braso ko, “Ako kasi super scared na dun kay freak eh.”

“Bitawan mo nga ko! Sayo ko kinikilabutan eh!!! Para ka dyang linta!!”, sabi ko kay Blaise na agad naming bumitaw sa akin.

“Oo nga naman Lee tara na sa lab, bayaan mo na dyan si Creepy baka dun pa yun maghasik ng lagim.. Baka maggalawan yung mga skeletal system don. Hahahahaha” sabi naman ni  Jed

“Tigilan nyo nga.”

“Pare naman, KJ ka rin eh. Yamo ng umalis sya noh.”, pilit pa rin ni Sean sa akin.

“Gusto mo bang magalit sayo si Lara? Bahala ka ikaw rin!! Lalo ka ng hanggang pangarap nalang dun. Alam mo naming tropa ni Lara si Creepy eh”, palusot ko sa kanila

“Ay oo nga gusto nyo Jed, tska Blaise una na kayo intayin ko na si Creepy… baka kasi isumpa ko ni Lara. Sige na.” sabi ni Sean na biglang nagshift mode sa dahilan ko

“Hay naku, halika na nga Jed. Bahala kayo dyan!” Galit na sabi ni Blaise habang hila hila si Jed papuntang Laboratory.

Maya-maya nakita naming padating na si Samara hirap na hirap pa din sa pagdadala ng mga libro. Nilapitan naman agad sya ng nagsisipsip na si Sean.

“Naku Samara, akin na nga yang dala-dala mo, dun tayo ngayon sa Science Lab bakit mo naman kasi inihulog yan sa sahig kanina!, ikaw talaga. Sabihin mo kay Lara tinulungan kita ah, pasensya ka na kanina hindi ka namin natulungan ni Lee nagmamadali kasi kami eh akala namin late na.” Paliwanag ng plastic na Sean habang kinukuha kay Samara yung mga gamit nito.

“Tara na bilis nadun na si ma’am.” Sabi ko sa kanila.

Walang kaimik-imik na sumabay samin si Samara, Para kaming nakikipagusap sa hangin ni Sean.

Tsk Tsk..  -----____-----

Yung totoo naawa ako sa kanya nung banggain ko sya..

OO bigla kong tinubuan ng kapirasong awa ng makitang walang natulong sa kanya….

Haaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyy

Kasalanan mo yan eh kung bakit ka pinagkakaisahan!!!! Kasi saksakan ka ng wirdo at wala ka man lang kinakausap na mga tao. 

Infatuated with a supernaturalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon