Chapter 19

177 4 4
                                    

Lee’s POV

Maaga pa lang hindi na maipaliwanag ang kurba ng ngiti sa pagmumukha ko.

: )

I’m so much happy because we are officially ... ON. Yey! Papunta ko ngayon sa school syempre maaga na ako at may dahilan na ko para umattend ng flag ceremony. Tsaka alam kong magagalit si Sam pag sumuway ako sa mga rules ng school, and because I’m the good and exceptional boyfriend ever made.

Pagdating ko nakapila na sila dun and at dahil ok na kami ni Sam, napakisusapan na din nya si Lolo na wag ng umalis papuntang Cebu. Kaya, ayun sya nakapila na ulit.

“Hi” bati ko sa kanya

“Hello.” Sabi naman nya

“Wala ba kong incentive kasi naatend na ko ng flag ceremony.”

Wala, its your obligation no.”

“Daya!!”

“O edi kung bibigyan kita ng incentive pati silang lahat dito bibigyan ko din.”

“Ay sya wag na, baka pati si Vince bigyan mo pa. That would be so much unfair on my part.”

“Sssssshhhhh, wag ka ng maingay tsaka pumila ka ng maayos wag dito sa girls.... dun ka muna...”

Tamo tong taong to, palayasin ba ko.

Hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa kin yung kilig simula pa nung gabing habulin nya ko sa ulan. Artistang artista ang feeling ko nun.

Kinulbit ako ni Sean.

“Pare!!, ano kasado na ba?” sabi nya

“Anong kasado na??”

“O di ba kayo na!”

Tumango naman ako at Nakipag apir sya sa akin... Apir din naman ako.

Nang pabalik kami sa room ....

“Baby!!” tawag ko kay Sam

Lumingon naman sya at tumigil

 “Bakit?”

“Wala lang gusto ko lang tawagin kang baby.”

:)

“Lee!”

“Oh yes baby!”

“Thank you ahhh.”

“Saan naman?”

“Sa lahat...... Kasi ganto tayo.......Thank you.”

Kinurot ko sya sa pisngi...

“Sus. Di pa yan makapinawala.”

“Ehhhh kasi parang nung ano binunggo mo pa ko dito sa corridor, laki laki ng daan.”

“Hehe, joke lang yun noon baby, wala pa kong puso nun eh, ugat pa lang meron.. ngayon meron na talaga promise.... Promise talaga... di ko na uulitin yun ... kung gusto mo banggain mo din ako para uits na tayo.”

“Haha, wag na baby... masama yun.”

“Ano ule?”

“Masama yung banggain pa kita para gantihan.”

“Hindi ano yung itinawag mo sa akin.”

“Lee,!!”

“Hindi kaya!!!.”

“Hahaha wala naman akong sinabi.”

“meron kaya”

“wala nga Lee, ang kulit.”

“Oh edi wala.” At iniwan ko na sya dun sa kinatatayuan namin..... WALA DAW PALA AH, Linaw na Linaw naman na tinawag nya kong baby....

“OI LEE..., ..”

Umupo na ko, si Sam nakatingin sa kin habang umuupo din sya sa pwesto nya.

“Pssst. Lee!! Galit ka??”

“OO.”

“Sige.”

“Sige ka dyan.”

“O anong gusto mo gawin ko!!”

“Aminin mo yung sinabi mo kanina.”

“Yung baby??? Oh edi BABY!”

“Ayoko!! Pilit naman!!”

“Wag ka ng maingay nadyan na si ma’am. Mamaya ka na magalit sa akin.” : )

Tamo tong taong to talaga oh ipinagpaliban pa ang tampo ko. Kinulbit ko sya....

Hoy Samara!!!!”

“Oh bakit?”

“Tandaan mo!!! Tataasan kita sa quiz hmmmmf akala mo dyan!!!!”

: P

“ahahahahaha..... just  do it.” Sabi nya

Pagdating ng teacher namin sa Math, nagsatart na syang magpaquiz sa Geometry.. Since napasubo ako kay Sam................. Karipas ako ng pagrereview, alam naman natin na ang Math medyo taksil, kahit mag review ka................... pagbigay ng given question sa quiz bigla kang ilalaglag kasi hindi mo alam ang isasagot.....

Pero sinagutan ko parin yun sa paraang alam ko + yung pinanghahawakan kong inspirasyon. Nung matapos ako, tumayo na ko para ipasa, si Sam tumayo na rin para magpasa ng quiz booklet. Nung pabalik na kami bumulong sya sa akin.

“Stop wishing and start doing, Lee”, bulong nya

Di ko pa rin sya pinansin.. tapos ngingiti lang sya sa tabi ko

After matapos ang lahat pinapasa ulit sa amin ni ma’am yung mga quiz booklet para checkan, KABADO AKO.... after maicheck lahat, binalik na ang mga booklet sa kanya kanyang may-ari.

“What’s your score?” tanong nya sa akin.

“Ikaw muna.”

“17 out of 20.”

Halaaaaaaaaaaaa ang taas! O_O

Dahan dahan kong binuklat yung booklet ko, pero alam ko namang.............

O_O

20/20?

Wehhh???

“Ilan ka??” tanong uli nya

Iniharap  ko yung booklet ko sa kanya

“WOOOOOOOOOW baby ang galing mo naman, halimaw ka!!”

“Anong halimaw ka dyan!!!”

“Hahahaha, baby napakasungit mo ngayon...You know naman na, I want the best for you even if the best isn't me.” Sabi nya

: )

“Hehe ganun ba Sam, sya sige bati na tayo.. ayos to papalaminate ko to ilalagay ko sa harap ng tv namin sa bahay.”

Nakakatuwa perfect ako, may utak na ko at may puso na rin....

:)

Infatuated with a supernaturalWhere stories live. Discover now