Chapter 14

208 6 2
                                    

Dali-dali kung idinikit yung picture naming pamilya sa isang cardboard, alam kong papagalitan ako ni mommy mamaya, kasi di ako nagpaalam. Eh Late na ko kasi, nakalimutan ko naman gawin kagabi.

Pandalas akong pumasok ng school, di na ko nakasuklay ng ayos, bahala na……. Kung ano itsura ko wala silang pakelam, si Sam nga eh…….

Oo si Sam.. tanggap ako nun…. Feel ko yun……..

Ako lang naman ang dakilang taga-interpret ng feelings ni Sam eh.

Late na kong pumasok, may teacher na. Dali dali akong umupo, and………………………..

----______----

SI SAM????

Nilingon ko yung kaklase ko, “Tol si Sam?”

“Wala pa eh, baka absent.” Sabi nya sa akin

Sinitsitan ko si Lara para tanungin si Sam

“Si Sam?” sabi ko kay Lara.

Di daw naman nya alam.

Bakit kaya wala yun, SAaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaam!!! Ipapakita ko pamandin tong picture ko, at gusto ko ring Makita yung kanya. Ano ba naman yan,

Tinext ko sya……. After ng Lunch, I checked my phone still no replies, hanggang sa mag values na kami. Mukhang hindi na nga sya dadating.

:(

Ano kayang nangyari sa kanya.

“SI Sam Pare?” Tanong ni Sean sa akin

“Ewan ko nga eh, tinext ko kaso hindi nagreply.”

“Baka walang picture kaya di na pumasok..” loko ni Sean sa akin. “Hehe, Joke lang Lee, eto naman seryoso agad, bukas baka pumasok na si Samara.”

: (

Umuwi akong malungkot, hindi ko alam kung bakit wala sya, kung bakit di man lamng sya nagrereply.. tnry ko sya tawagan na kaso nagriring lang.

Narrator’s POV

Nakita ni Sam ang sunod sunod na text ni Lee, di nya lang ito sinasagot. Nagkunwari syang masama ang pakiramdam nya. Ayaw nyang pumasok kasi wala syang recent family picture, ayaw nya ring mapag-usapan ang mga bagay na patungkol sa pamilya. Masakit………………..

Masakit pa rin iyon………………………..

Naroon pa rin ang sakit na naramdaman nya 9 years ago.

Naririnig nya ang iyak ng mga magulang nya para wag silang saktan, ngunit walang nakinig, hanggang sa hindi nya na iyon marinig. Ang boses ng kanyang ina, yung Masaya, yung Mapagmahal nitong boses….. Nawala na…… Ang kanyang ama na lagi nyang tinatakbuhan pag sya’y natatakot. Wala na rin..

Simula ng mamatay na ang mga magulang nya napuno na sya ng takot..

Sa dilim….

Sa mga iyak……

Sa mga putok…..

Para syang pinapatay sa takot tuwing mararanasan nya ang mga bagay na iyon.

Naramdaman nya na lang ang unti unting pagtulo ng mga luha nya, na animo’y sariwang sariwa pa rin ang mga pangyayari.

Pumasok si Don Joaquin at kaagad na nilapitan ang apo, umiiyak ito, nanginginig ang buong katawan, takot na takot….. Awang awa ang matanda sa dalagita…. Sariwang sariwa pa rin talaga sa kanya ang lahat at damang dama nya ang sakit na nararamdaman nito sa pagkawala ng kanyang mga magulang.

Infatuated with a supernaturalWhere stories live. Discover now