Chapter 9

3.5K 75 2
                                    

Maddie's POV

She's been avoiding me. Not totally pero may iba.

When she talks to me, di sya tumitingin sa mata ko. Hindi na nya ako sinusundo after class. Di nya ako sinasabayan papunta sa training or pag uwi. Di nya ako sinasabayan kumain. Sa room naman kapag gabi, isang tanong isang sagot lang. Nawala na yung hugs and kisses. Nawala yung lambing. It's like she's with me physically but not mentally. Tho she still text me na wag mag skip ng meal or uwi ng maaga. Pero gm yun eh!

I went to to starbucks alone. Dun na lang ako gagawa ng homeworks ko. Ganun din naman kung sa dorm eh. Makikita ko lang sya pero di ko mararamdaman ang presence nya. Masakit para sa akin yun.

"Hi! Is this seat taken?" Nakangiting tanong ng isang chinky eyed guy na nakaturo sa vacant seat sa harap ko.

Umiling lang ako at nag smile.

"Pwede maki-share? Daming tao eh." I looked around and taken nga naman ang lahat ng seats. Naka smile pa din sya.

"Sure. Upo ka." Ngumiti ako. Umupo naman sya.

"Thanks. I'm Marco, by the way." He extended his hand.

"Maddie." Inabot ko ang kamay nya at nakipagshakehand.

Tinuloy ko lang ang paggawa ng homework ko pero ramdam na ramdam ko na sumusulyap sulyap sa akin itong si Marco.

"What?" Tanong ko sa kanya nang minsang mahuli ko syang nakatitig sa akin.

"I'm sorry. It's just... you're so beautiful." Pahayag ni Marco habang derechong nakatitig sa mga mata.

Nag init ang mukha ko. Wala akong mahagilap na sabihin. Ano ba dapat?

"T-thank you." I stuttered.

"Madalas ka ba dito?" Tanong nya.

"Uhm mej. Why?" Sagot ko naman.

"Abangan kita ha?" Nakangiti si Marco. He's cute tho.

But not as cute as Bei! Sigaw ng isip ko.

"Hala?" Tanging sagot ko.

"You're tall ha? And ripped. Athlete ka ba?" Follow up question niya.

"You're matanong ha?" Natatawa kong sabi. "Uhm yeah, member ako ng volleyball team."

"Oohh.. mukhang may aabangan pala ako sa uaap."

I think he winked at me.

"Maaaaaaaaddddddzzzzzzz!!!!" Patakbong lumapit si Jho hila hila si Bea.

Bea's POV

To: Jho:
Starbucks. NOW.

Dinaanan ko sya sa classroom nya at eksakto naman na kaka dismiss lang nila. Patakbo syang lumapit sa akin at niyakap ako.

"Bey!" Bati nya.

"Wow. Clingy ah?" Sabi ko.

"Syempre ililibre mo ako eh. What's up with you?"

"Wala. Trip ko lang mag frappe."

"C'mon, beys. Usually ganitong oras si Maddie ang kasama mo. Anyare sa inyo? LQ ba?" Pinoke pa ni Jho ang tagiliran ko. Napaiktad naman ako.

"Hindi ah." Matabang kong sagot.

Tumigil sa paglalakad si Jho kaya tumigil din ako. Tiningnan nya ako sa mata.

"Spill it." Seryosong sabi nya.

Wala na akong magagawa. Ramdam ni Jho eh. Cornered na ako. Di ako titigilan nito. Napilitan akong ikwento ang lahat sa kanya. She's like the bestest friend I have kung alam nyo lang at parang sasabog ang dibdib ko kapag wala pa akong napagkwentuhan ng pinagdadaanan ko ngayon. Ikinwento ko mula simula. Yung pagkakilala ko kay Maddie sa Davao. Yung nangyari sa amin ng gabing iyon. Kung panong nagising na lang ako the next morning na wala na sya sa tabi ko at walang kahit anong info kung hindi pangalan lang nya. At kung paano ako pinagsabihan ni Ate Ly nung birthday surprise nila para sa akin.

"Omg ka. Eh anong plano mo? Kawawa naman si Madz. For sure naninibago yun sayo. Sanayin mo ba naman na sweet sweet kayo tapos biglang nag iba." -si Jho.

"I think I'm falling for her. HARD." Sagot ko.

"Falling pa lang? Di ka in love na, ganern?"

"Oh wait. Yeah. I'm in love with her but she can still make me fall in love with her even more over and over again each and everyday."

"Oh my God! Ang landi landi mooooo!" Kinikilig na sabi ni Jho at pinagkukurot ako. "Mag confess ka na. Pikotin mo na si Madz. Baka pumayag na din yun magpaligaw sayo. May nangyari na pala sa inyo eh. Gamitin mo yung nangyari sa inyo." Tawa sya ng tawa.

"Hinaan mo nga yang tawa mo. Kitang kita ko ang ngala ngala mo eh." Natawa na rin ako. "Kaya nga parang nahihiya ako sa kanya umamin. Baka kasi isipin nya parang pinapanagutan ko lang yung nangyari sa amin."

"Ang dami mong arte. I-try mo na lang kasi. Walang mapupuntahan yang pag iinarte mo. Bilhan mo din sya ng frappe tsaka s'mores tapos mag usap kayo." Suggestion ni Jho.

"I guess dapat nga kaming mag usap." Sang ayon ko naman.

Pumasok na kami sa starbucks. Ang daming estudyante!

"Take out na lang natin ha. Gusto ko nang makita si Madz eh. I miss my hun na." Sabi ko.

"Bey, diba si Madz yun?" Tinuro nya ang direksyon ni Maddie.

Nakangiti ito sa kasamang lalaki. Titig na titig ang lalaki habang may sinasabi.

At kumindat pa?? Is he trying to make pa-cute to MY MADDIE???

Nagblush naman si Maddie.

Uminit ang ulo ko. Gusto ko agad basagin ang mukha nung lalaki na yun.

No one is allowed to make MY Maddie blush!!! Ako lang!!!! No one is allowed to make landi sa kanya. But... anong karapatan ko? Baka mapahiya lang ako kapag lumapit ako.

"Let's go. Ayoko na palang magkape." Aya ko kay Jho kasi baka di ako makapagpigil sa nakikita ko at bigla ko na lang suntokin ang lalaking yun at hilahin palabas si Maddie. Scandal pa.

"Ano ka ba. Lapitan natin. Taraaaa!" Hinila ako ni Jho. "Maaaaaaaaddddddzzzzzzz!!!" Tawag nito.

Shit

"Oh hi!" Bati ni Maddie kay Jho at sumulyap lang sa akin.

"Hi, I'm Jho and this is Bea." Pakilala ni Jho dun sa lalaki.

"Marco." Ngumiti si Marco at iniabot ang kamay nya sa amin.

"Fuck! Guys, inutusan pala ako ni Ate Ly na ano. Basta ano. Alis na ako ha?" Tumalikod ako at dere derechong umalis. Hindi ako interesadong makipag kaibigan sa Marco na yun. Tingin pa lang nya kay Maddie alam kong may balak na sya agad. Tss. Grabe tong Maddie na to. Nawala lang ako saglit may iba na.

"Huy! Ang rude mo ha." Habol habol ako ni Jho. "Yung coffee ko."

"Next time na yun. Binabanas ako para mag coffee." Iritadong sagot ko.

"Eh frappe naman eh." Ismid ni Jho

"Eh hot coffee sana bibilhin ko eh. Bakit ba??" Tinarayan ko na si Jho.

"Bagal bagal mo kasi kaya nauunahan ka ng iba. Ang ganda ganda kaya ni Madz. Imposibleng wala kang maging kaagaw dun. Sana una pa lang ibinakuran mo na." Saad ni Jho.

"Eh pano ko ibabakuran kung una pa lang nawala na sya? Diba sabi ko sayo paggising ko pa lang nung umaga wala na sya? And pwede ba. Di ko ipipilit ang sarili ko sa kanya. Dun na sya sa Marco na yun for all I care!" Eto na. Lumalabas na ang topak ko.

"Puso mo, uy! Sarili mo lang ang sinasaktan mo sa sinasabi mo." Jho latched on to my arm. "Chill ka na. Wag violent reaction agad. Kausapin mo muna si Madz. May karapatan ka. Na sayo ang lahat ng karapatan.If you know what I mean." Kinindatan nya ako.

All Strings AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon