Chapter 27

2.8K 64 0
                                    

Bea's POV


"Did you talk to her yet?" tanong ni Marco.

Nakatambay kami ni Marco ngayon sa starbucks. I asked him to meet me here kasi magtatanong ako kung may nakukwento ba si Maddie na nangliligaw sa kanya ngayon dahil sabi ni Therese ay bumabaha daw ng gifts sa room nila ni Madz ngayon.

"Not yet. I think she's still upset about the consecutive losses laban sa DLSU and UP. Tsaka nahihiya ako. Di ko alam kung paano ko sya ia-approach." sagot ko sa tanong ni Marco.

"Are you for real?? Ang angas mo sa court pero pag dating kay Maddie, nahihiya ka?" Natatawang sabi nya.

"Ulul! Ang hirap kaya. I don't expect you to understand tho."

"As far as I know, walang pinapayagan si Madz mangligaw sa kanya pero madami ang nakapila at pumipila pa."

Yumuko ako. Totoo yun. Marami nga akong naririnig na gustong pumorma sa Maddie KO at number 1 na doon ay si Cole Micek.

Hindi ako nagsalita.

"Maddie has been superb this season. Wag ka ng magtaka."

"Hindi ako nagtataka, na-foresee ko na yun. Ang iniisip ko kung babalik pa ba sya kasi naghihintay ako. I gave her the time she needed. Magte-ten months ko na syang hinihintay. Sabi nya babalik sya kapag kilala na sya as Maddie Madayag. Not just Bea De Leon's girlfriend. I wanna know kung may hinihintay ako."

"Bakit? Napapagod ka na ba? Naiinip?" seryosong tanong ni Marco.

"Hell no! I just miss her. I miss her so much. Baka kasi masulot pa eh. Hindi pa ba pwede? I mean, number one sya sa ranking ng Best Server. Queen of Aces na nga yung tawag sa kanya ng fans nya eh." sagot ko.

Natawa si Marco.

"So the Bea De Leon, rising star of the Ateneo Lady Eagles, is insecure."

"Fuck you!" Binato ko sya ng tissue.

"Just go talk to her."

"Hindi ba dapat hintayin ko na sya mauna kausapin ako? I don't want her to think na i'm rushing her."

" Bei, di mo naman sya aayaing magbalikan agad diba? Ayain mo syang mag merienda or something. Eh ano kung i-elbow nya yung invitation mo? There's nothing to lose." napapailing na sagot ni Marco.


Yeah right. Nothing to lose.


"No wonder na palaging ikaw ang takbuhan ni Maddie. You always give the best advice. Baka naman pinopormahan mo na si Maddie?" tanong ko sabay bigay ng try to say yes and I'll strangle you look ko.

"Don't be ridiculous, Bea. Di kami talo. Parang kapatid ko na yun." natatawang sagot ni Marco.

I smiled.

"Baka naman ikaw yung nagsabi sa kanya na hiwalayan ako??"

"Gago! Wala akong alam dyan. Hindi ako yung nagpabaya sa kanya." Tumatawang sagot ni Marco.

Tumawa ako ng pilit. Medyo may kirot yung sinabi nya. I guess I really did take Maddie for granted. Naging insensitive ako sa feelings nya. Akala ko palaging okay lang na nadiditch ko sya o hindi nakakausap nung mga panahon na nagttraining ako for U23. Masyado akong naging comfortable knowing na mahal nya ako at palagi lang syang nandyan para sakin kahit anong oras ko sya hanapin sa tabi ko. Tinry kong ilagay ang sarili ko sa kanya noon and masasabi ko na matyaga at mabait talagang tao si Madz kasi nakapagtiis sya. Kung ako kasi yun baka nasumbatan ko na sya. Nag give way pa sya sa pag fulfill ko ng dreams kong makapaglaro for the Philippines kasi iniisip nya na nakakadistract lang sya sa akin. Instead na mag rant sya sa akin, kasi may karapatan naman sya, she chose to be the mature one. Dumistansya sya sa akin to focus more on improving herself at para daw turuan ang sarili nya na maging mas patient pa.

All Strings AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon