Palawan II

766 30 5
                                    

"Tricia"

Lumingon naman si Tricia sa tumawag sakanya.

"Oh! Vince. Anong ginagawa mo dito? Akala ko matutulog  kana?"

"Napansin ko na lumabas ka, kaya sinundan kita. Anong ginagawa mo dito?"

"Di pa ako dinadalaw ng antok, kaya nagpahangin nalang ako." Sabi ni Tricia at niyakap ang kanyang sarili dahil medyo maginaw na sa paligid

Hinubad ni Vince ang kanyang suot na jacket at pinasuot ito ni Tricia.

"Paano ka?"

"Okay lang ako." Umupo silang dalawa sa buhangin.

"Alam mo Trish, kung hindi ka naaksidente noon. Eh di sana nakapunta na tayo dito." Sabi ni Vince habang tinitingnan ang paligid

"Anong ibig mong sabihin?"

"Pagkatapos sana ng honeymoon natin sa Batanes, pupunta sana tayo dito. Binigay kasi saakin ni Mama ang share nila dito. Wedding gift."

"Ganun ba? Ngayon lang ako nakapunta sa ganitong lugar. Maganda at tahimik. Talagang makakapag relax ka. Nakakapagud din mag trabaho."

"Sabi ko naman sayo na sa bahay kana lang. Napapagod ka tuloy." Niyakap nya si Tricia

Hinayaan lang naman nya ito.

"Okay lang, mabuti nga yun eh. Kaysa nasa bahay na lang ako palagi, nakakabagot dun."

"Sabagay, masaya kaba sa trabaho mo?"

"Oo naman, salamat nga pala sa tulong mo."

"Galit ka pa din ba saakin? Sa nagawa ko?"

"Hindi na. Tapos na yun, nag sorry kana. And I accept your apology."

"Thank you Hon." Hinalikan nya ang buhok nito

"Pwede ba kwentohan mo ako kung ano ako dati?"

"Oo naman."

Ikaw ang pangarap ng lahat ng lalaki noon. Natatandaan ko pa. Ang dami mong manliligaw, nakasabay ko pa sila. At dahil sa kagwapohan ko saakin ka napunta.

"Ang hangin may bagyo ba?"

"Anong?? Misis Fontanilla totoo po ang sinasabi ko"

"Sige na. Ituloy muna."

Napaka matulungin mo, lahat ng charity events or works ng Mama at Papa mo pinupuntahan mo talaga. Parang sayo ata nagmana ang Prinsesa natin.

"Wala ka bang charity na sinosupportahan Vince?"

"Meron, kaming dalawa ni Kate. Mga bata sila Hon na palaboy laboy lang sa lansangan."

"Punta tayo sa kanila Vince, pagbalik natin."

"Oo naman. Paparty tayo dun. Para sa pagbabalik mo."

"Sige"

Maalaga, mabait at higit sa lahat mapagmahal. Simula ng makilala kita sa Batanes noon na Broken Hearted kapa nun, sarap basagin ang bungo ng lalaking yun dahil pina iyak ka nya. Pero nagpapasalamat nalang ako, dahil kung hindi ka nya sinaktan? Hindi ka mapupunta saakin.

"Vince?"

"Hmmm"

"Nakapunta na ba tayo sa Hong Kong? Yung tayong dalawa lang noon?"

"Oo, naaalala mo nayun?"

"Oo pero di masyado. Natatandaan mo nung biglang sumakit ang ulo ko? Noong nandun tayo? May naalala ako nakapunta na kami noon dun pero malabo ang mukha ng lalaking yun. Pero base sa mga sinasabi mo. Ikaw pala ang kasama ko."

"Ba't di mo sinabi kaagad?"

"Gusto ko munang siguraduin kung sino yun bago ko sabihin."

"Ahh.. Okay, may naalala kapa ba? Gusto lahat ng napuntahan natin dati, pupuntahan din natin ngayon?"

"Gusto ko yan. Pero paano ang trabaho natin?"

"Wag mo munang alalahanin ang trabaho natin. May mag aalaga nun pag nasa bakasyon tayo."

"Alam mo? Baka napapabayaan muna ang trabaho mo dahil saakin?"

"Hindi ah. Stable ang company natin. Walang problema."

Tricia yawns

"Tara na matulog na tayo, inaantok kana."

"Sige"

Bumalik sila sa villa na magkahawak ang kamay.

++++++
Sorry for the short update, wrong spelling/typos and grammar. ✌🏻️😬

Ito na po Marrich_11 and The_Namez_Kym 😁

#sabawkaynagdali

What Was ForgottenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon