Kalle

806 36 9
                                    

"Hello, Ian Honey? Yes pauwi na kami.. Okay. Okay okay. Bye." Binaba na nya ang kanyang phone at tumingin kina Tricia

"Gusto ko pa sanang makipagchikahan sayo pero, we need to go home. May dinner meeting pa kami ng asawa ko sa isang importanting investor."

"Okay sige. See you soon." At nakipag beso beso sila sa isa't isa

Michelle nod and directly go to the counter. Habang si Tricia at Kate naman ay nagpatuloy sa kanilang pamimili.

6:00 pm ng nakauwi ang mag ina galing sa grocery store. Hindi na nakapagbihis si Tricia dahil agad nyang inaasikaso ang kanilang pinamili at nagluto na. Tinutulogan naman sya ni Manang para ayusin ang kanilang pinamili.

"Tricia eha?"

"Ano po yun Manang?"

"Ilang araw si Vince sa ibang bansa?"

"Nako matagal tagal din Manang 2 weeks po."

"Kaya pala grabi ang pag iyak ni Kate kanina. Ngayon lang kasi sya iniwan ni Vince ng ganyan katagal."

"Oo nga po eh.. Ang hirap patahanin. Kaya ito pinagawa nya ako ng adobo."

"Paborito nya talaga yan eha."

"Mga ilang araw po bago umuwi si Vince noon galing sa business trip?"

"2-3 days lang Eha. May isang business trip nya na umabot ng 4 na araw. Iyak ng iyak si Kate. Akala nya kasi iniwan na sya ng Daddy nya."

"Kawawa naman si Kate. Sige Manang ako na po dito. Malapit na rin naman itong matapos."

"Sige po Ma'am. Tatawagin ko nalang po si Kate."

"Sige, Salamat Manang.."

Tapos na ang ulam na niluto ni Tricia. Inihanda ang ang misa. At hinintay si Kate na bumaba. Bumaba na rin ang kanyang anak.

"Wow, ang sarap naman ng mga yan Mommy. Tara po kain na tayo." Pagyayaya ni Kate

"Sige, kain kana. Ako ang nagluto nyan para sayo."

"Thank you Mommy."

"Your welcome, wait kukunin ko lang yung phone ko sa kwarto. Tatawag daw ang Daddy mo."

"Okay Mom, excited na rin ako makita si Daddy. Miss ko na sya."

"Okay, simulan mo ng kumain. Babalik din ako agad."

Kinuha na ni Tricia ang kanyang phone. At bumalik kaagad sa dining table.

To: Vince

You can call now Vince.

From: Vince

Okay :)

FaceTime
>>>Vince Fontanilla <<<

Click the accept button.. Connecting.. She place it the middle.

"Hi Daddy, How are you?. I miss you. I love you Daddy."

"I'm okay Princess. I miss you. And I love you too. Trish, diba yan makulit?"

"Nako Vince kung alam mo lang. Nasa Hong Kong kapa diba?"

"Oo, After 4 hours papunta na ako sa London."

"Ahh.. Ganun ba? Mag ingat ka Vince."

"Kayo din dyan. Hay, nako. Gusto ko ng umuwi."

"Alam mo naman na di pwede. Kailangan mo rin para sa company nyo."

"Oo naman. Para sa inyo rin naman to."

Hanggang sa matapos silang kumain kausap parin nila si Vince. Si Tricia naman ay bilang sumama ang kanyang sikmura.

"Excuse me Vince, pupunta lang ako sa banyo." Sabi nito at nagmamadaling pumunta sa banyo na malapit sa kusina. At na sumuka. After ng ilang minuto bumalik sya kay Kate.

"Okay ka lang ba Trish?"

"Oo okay lang ako. Medyo sumama lang akong sikmura ko."

"Okay, magpahinga ka na muna. Napagod ka siguro, papatahan kay Kate."

"Oo nga eh.. "

"Sige tatawag nalang ako bukas. Pahinga kayo. I love and miss you both."

"We love you too Daddy. Good Night po"

"Good Night Vince."

"Good Night princess " 😘

"Good night Hon" 😘

++++++
Sorry for the short update, wrong spelling/typos, and grammar. ✌🏻️😁

Paano ako makakapag update araw2x kung may quiz din ako sa Law araw araw. Isang chapter lang naman umaabot pa hanggang 64 pages. 😭😭😭 Saklap diba??

#cornsoup 🍵

What Was ForgottenWhere stories live. Discover now