Familier Middag Part II

847 39 9
                                    

"Tricia"

"Oh, Ian? Anong ginagawa mo dito?"

"Makikigamit lang sana ako ng banyo."

"Ahhh.. Yung pinto na yun."

"Tricia, okay ka lang ba?"

"Oo naman. Okay lang ako."

"Nausea?"

"Yes, every morning. Pero okay lang. Nakakaya ko naman. Nandyan naman si Vince palagi."

"Mahal ka nga nya."

"Oo naman."

"How about cravings? Yun ang pinaka worst sa pagbubuntis. Noon nga ang hirap maghanap ng gustong kainin ni Michelle nung pinagbubuntis nya si Diego."

"Yan nga ang pinakamahirap. Naaawa nga ako kay Vince eh, ang  weird ng mga pinaghahanap ko."

"Kaming mga lalaki. Lahat gagawin namin sa asawa namin."

"Tama ka, kaya ang suerte ko sakanya."

"Tricia? Naalala mo ba ako?"

"Oo. Ikaw ang unang lalaking minahal ko at gumago saakin. Tama ba?" May pagkataray na sabi nito

"Sorry"

"Sorry? How rude"

"Diba may amnesia ka?"

"Ang hindi ko lang maalala yung kami na ni Vince. Pero unti unti na syang bumabalik. Pero yung tayo noon. Nakapinta na dito." Sabay turo sa kanyang utak "Sana ikaw nalang ang nakalimotan ko no.? Para wala ng sakit. At si Vince nalang ang naaalala ko. Di nya pa ako sasaktan."

"Sorry sa ginawa ko noon Heart."

Tricia slap Ian. "Don't you dare call me that again."

"Mommy, Tito Ian?"

Lumingon naman ang dalawa kung saan nanggaling ang tunog na iyon.

"Ate? What are you doing here?"

"Ang tagal nyo kasi Mommy. Sabi ni Daddy puntahan daw kita."

"Tinapos lang ni Mommy ang pag dedecorate sa cake. Tara na."

"Okay po."

Pumunta na silang dalawa sa pool area, habang si Ian ay nagpatuloy patungo sa banyo. Pagbalik nya dun wala si Michelle, Tricia at ang mga bata.

"Tyrone nasaan na sila?"

"Nasa entertainment room. Gustong manood ng mga bata ng movie. Jungle Book"

"Ahhh.. Kala ko iniwan na nila ako. Nga pala Vince, ang suerte ng anak at asawa mo sayo. Because you have always time for them."

"Oo naman. Ang suerte ko nga rin sakanila eh. Yung si Kate napakakulit, pilya kungbaga pero matalino, achiever sa school spoiled brat nga lang saakin. Kaya si Tricia nagagalit kung sobra sobra na."

"Bakit kayo naaksidente noon?"

"Pauwi na kami galing sa honeymoon namin sa Batanes ng may asong dumaan at nasagasaan ko, di ko na macontrol ang manubela kaya. Nabanga kami."

"Buti at buhay si Kate."

"Yun nga ang isa sa pinaka pinasasalamatan ko eh. Yung nabuhay si Kate, pati narin si Tricia. Ikaw ba Ryan wala kabang oras para sa pamilya mo?"

"Hindi naman sa wala. Busy lang at alam ko na naintindihan ako ng anak ko tungkol dyan."

"Kung nakita mulang ang lungkot sa mukha ni Diego ng recitals nila."

"Alam ko yun, kaya humingi ako ng tawad sakanya. Yung isang cliente namin eh, may pina bago sa plano."

"Kaya pala."

Nag uusap pa sila tungkol sa pamilya, negosyo at bakasyon. Habang pababa na ang kanilang mag-iina sa hagdan. Galing sila sa entertainment room.

"Honey, tara na. Inaantok na kasi si Diego."

"Oh sige, tara na. Pare, maraming salamat ha. Sa susunod ulit."

"Sige ba. Kung hindi busy ang mga schedule natin.."

They exchanged good nights and goodbye. Later that night. Sa kwarto ni Vince at Tricia. Si Tricia naman ay naka upo sa kama. Galing naman sa veranda si Vince ng nadatnan nyang di pa natutulog si Tricia.

"Ba't di kapa natutulog? Past bedtime mo na."

"Vince"

"Hmm"

"May aaminin ako sayo."
++++++
Sorry for the short update, wrong spelling/typos and grammar. ✌🏻️😁

Oi! Trish, unsa na? Share sa nako bi usa ni Vince. 😂

Ano ang aamin ni Tricia? 🤔

#sabawnanaman 🍵

What Was ForgottenWhere stories live. Discover now