Chapter Eight: Wrong decision

232 9 3
                                    

Pumasok na ang magkakaibigan na dire-diretso sa itaas ng mansion kaya hindi nila napansin ang tatlong lalaki na nasa salas. Pagkababa pa lamang nila ito napansin.

"Guys! Bakit may mga papables dito? " Bungad na tanong ni Shanna nang pumasok siya sa salas.

"Mas gwapo pa ko diyan! " Agad na singit ni Grey.

"Ano daw?" Tudyo ni Shanna.

"Tumahimik nga kayo diyan!" Saway sa kanila ni Astrid nang pumasok na ito sa salas kasunod ang nobyo nito.

"Bagay kayo! " Pang-aasar ni Dean sabay tawa ng malakas.

"What? Are you crazy?! " Magkasabay na sigaw na tanong nina Shanna at Grey.

"Lapitan na nga lang natin!" Suhestiyon ni Xhandria na kanina pa nandoon sa may salas habang napapailing  dahil sa dalawa habang kinakamot ang ulo.

Sumang-ayon naman ang apat sa dalaga at nilapitan na nila iyung tatlong lalaki na nakahiga sa sofa.

"Nandito na pala kayo." Bungad ni madam S pagkarating niya sa salas saka umupo sa single na sofa.

"Madam sino po sila?" Agad na tanong ni Xhandria.

"Mga nasiraan ng kotse sa labas. Kaso mga nahilo yata dahil sa init kaya mga hinimatay." Sagot ni madam S.

"Ganon. " Sabi ni Astrid saka ngumuso.

"Mainit kasi ang panahon ngayon kaya posibleng mahimatay sila." Sabi ni Shanna.

Dumating naman 'yung apat na staff na may dalang tray na mayroong tatlong ice pack at nilagay sa noo ng tatlo.

Makalipas ang ilang oras ay nagkamalay na 'yung tatlong lalaki dahil na rin sa pinaamoy ni madam S na dala ni Ashley.

"Ano'ng nangyari?" Takang tanong ni Aiden habang nakahawak sa kaniyang sintido.

"May balak ba kayong gahasain kami?" Kunwari'y natatakot na tanong ni Lee sabay yakap sa kaniyang sarili.

"Kapal naman ng mukha!" Komento ng lahat ng babae sa loob ng mansion.

"Lakas ng hangin!" Inis na sabi ni Dean.

"Conceited!" Sabi ni Grey habang umiiling.

Umismid na lang si Lee at tumahimik.

"Ano ho ba ang nangyari?" Tanong ni Matt.

"Nahimatay kayo." Sagot ni Ria.

"Ganun po ba." Kumakamot sa ulong wika ni Aiden.

"Aalis na po kami." Pagpapaalam ni Lee.

"Maraming salamat po." Nakangiting sabi ni Aiden.

"Nasaan na po 'yung container namin?" Tanong ni Matt.

"Ito Matt." Sabi ni Trish saka kinuha 'yung dalawang container sa may sulok ng salas.

Ibibigay na sana ni Trish ang container kay Matt nang...

"Bukas na kayo umuwi." Singit ni madam S na may awtoridad ang tono.

"Naku! Huwag na ho. Nakakahiya naman po sa inyo." Nahihiyang sabi ni Aiden.

"Sabi ng hindi kayo aalis!" mataas ang boses na sabi ni madam S.

Ikinabigla naman ito ng mga bisita.

"Masyado na kasing delikado kung aabutan pa kayo ng gabi sa daan dahil malayo-layo pa ang bayan dito kung doon man ang punta ninyo." Sabi ni madam S sa mababang tono nang makabawi ito.

Nakahinga naman ng maluwag ang mga bisita.

"Oo. Tama si madam S. Puwede naman kayo munang magpalipas ng gabi dito." Sabi ni Ashley.

"Bukas ng umaga na lang kayo umalis!" Sabi pa ni Trish.

"Oo nga. Delikado na kasi kung masyado kayong gagabihin sa daan. " Dagdag pa ni Brie.

Saka parehas ngumiti ng matamis ang tatlong dalaga sa mga binata. Tahimik naman ang magkakaibigan na nagmamasid sa kanila.

"Sige na pare. Dito na muna tayo. May point din naman sina madam S." Sabi ni Matt.

"At saka ang daming chicks dito." Dagdag ni Lee.

Inirapan lang siya ng mata ng mga babae na ikinatawa naman ng mga lalaki.

"Sige na. Sige na. Dito na muna tayo magpapalipas ng gabi." Natatawang wika ni Aiden dahil kay Lee.

"Good!" Sabi ni madam S saka ngumiti ng matamis. Ganon din ang tatlong staff.

"Nakahanda na po ang hapunan." Bungad ni Ria nang makapasok siya sa salas.

"Tara na." Paanyaya ni madam S sa lahat ng bisita saka tumayo mula sa pagkakaupo.

Sabay-sabay silang pumuntang lahat sa dining area. Pagkaupo nila ay sakto namang nawalan ng ilaw sa buong mansion. Tumili naman ang mga babaing bisita.

"Oo nga po pala. May bagyo raw pong darating." Pagbabalita ni Ria.

"Sa lugar daw po natin ang landing kaya pinatay ang mga kuryente." Dagdag ni Ashley.

Kumuha naman si Trish at Brie ng kandila.

"Buti pala pumayag kami na dito muna magpalipas ng gabi." Sabi ni Matt sa gitna ng katahimikan.

"Kung hindi, siguro naabutan tayo ng bagyo sa daan." Sabi pa ni Lee.

"Which is delikado." Dagdag ni Aiden.

Dumating na ang dalawa na may dalang kandila at sinindihan iyon.

Mayamaya lang ay masayang kumakain na ang lahat.

'Wrong decision boys. Ngayon pang kumakampi sa akin ang panahon.' Sa isip ni madam S at lihim na ngumiti ng nakakakilabot.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Vote and Comment is Much Appreciated!

The Doll MakerDonde viven las historias. Descúbrelo ahora