Chapter Twelve:Playing Surgery

203 10 4
                                    

Grey's POV

Nagising ako dahil sa matapang na amoy. Naramdaman ko ang pagsigid ng kirot ng ulo, bibig at katawan ko. Naramdaman ko rin na nakahiga ako sa malamig na higaan.

"Hi! Binitin ba namin ang pagtulog mo?" Nakangising tanong ni Ria sa akin.

"Don't worry, Grey! Makakatulog ka na rin ng mahimbing." Sabi ni Ashley sabay ngisi na parang demonyo.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nasa isang kwarto ako na puno ng dugo at tanging ang ilaw na nasa harapan ko ang nagsisilbing liwanag. May mga naririnig akong umuungol. Ungol na kagaya ko ay impit lang ang nagagawa at... At... M-ma-may... mga PATAY! Nanlaki ang mga mata ko at halos panawan ako ng aking ulirat nang makita ko ang parang bundok na mga bangkay sa 'di kalayuan.

"Nagulat ka ba sa mga nakita mo?" Natatawang tanong ni Trish na parang nababaliw.

"Huwag kang mag-alala! After ka naming paglaruan ay makakasama mo na rin sila." Malambing na sabi ni Brie at pinadaanan ng dulo ng surgery knife ang braso ko.

Nagpumiglas ako sa sakit pero ngayon ko lang naramdaman na nakatali pala ako sa kinahihigaan kong lumang hospital bed ba ito?

"Huwag kang mataranta babe! Maglalaro lang naman tayo." Malanding sabi ni Brie. Nanlaki ang mga mata ko nang sinira niya ang damit ko gamit ang hawak niyang surgery knife.

"Don't you know that Brie is a trying hard doctor." Sabi ni Ria sabay tawa ng malakas.

'Mga baliw!' Sigaw ko sa isip ko.

'Ang sakit lang isipin na nang dahil sa walang kwenta kong ama ay sasapitin ko ang ganito. Oo! Wala siyang kwenta dahil babaero siya!' Ngitngit ko sa isip ko.

"Ready ka na ba?" Parang doktora na tanong ni Brie sa akin.

Naramdaman ko ang napakasakit na paghiwa ng surgery knife mula sa abdomen ko hanggang sa pusod ko.

Wala akong ibang magawa kung 'di ang impit na sumigaw habang umiiyak at parang na mamanhid na ang buong katawan ko ng winakwak nilang apat ang tiyan ko. Tanging nakakabinging tawa lang nila ang naririnig ko at umiikot na ang paningin ko.

"Ano ba ang una nating kukunin?" Tanong ng isa sa kanila. Hindi ko na kilala kung sino dahil nahihilo na ako at ang baba na ng tingin ko sa ilaw na nasa tapat ng mukha ko.

Nanlalabo na ang mga mata ko at nahihirapan na rin akong huminga. Marahil ay nauubusan na ako ng dugo.

Ang huling nakita ko ay nang hinila nila pataas ang bituka ko at iba pang lamang loob ko. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil nagdilim na ang paningin ko.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Vote and Comment is Much Appreciated!

The Doll MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon