Chapter Thirty-eight.eight: Samantha

45 1 0
                                    


Nilukot ko ang mga litrato at pinagpupunit-punit hanggang sa magkapira-piraso.

Simula no'n ay nagbago na silang lahat. Lalo na ang lalaking mahal ko.

Si Ashanti na napakataray at lagi akong minamalditahan ay naging parang maamong tupa sa akin. Sina Rein, Sean, Dave at George na dating napakabait sa akin noon ay naging kabaliktaran. At ang pinakamasakit sa lahat ay ang pagbabago ng pakikitungo sa akin ni Xander.

Araw-araw nila akong sinasaktan hanggang sa isang araw ay nalaman ko na buntis ako at nahuli kong gumagawa ng kabalbalan sina Andrea at ang pinakamamahal kong nobyo sa apartment namin at ang araw ding iyon nawala ang baby namin ni Xander.

#Flashback# 

Pagpikit ko ng mga mata ko ay naramdaman kong may nag-akay sa akin at pinasan sa kaniyang likod.

"S-sa---"

And everything went black...

--------------

Pagmulat ko nang mga mata ay nasa isa akong kwarto na puro puti ang makikita.

Bumukas ang pintuan at pumasok doon ang isang lalaki at isang pamilyar na babae.

Ang babae ay ang huli kong nakita bago ako nawalan ng malay. Ang life size doll ko na binigay ng mga magulang ko bago sila mamatay sa isang aksidente.

Napatitig ako sa lalaking hindi ko kilala. Ang gwapo niya. Mukha siyang anghel dahil napaka-amo ng kaniyang mukha.

'Sana ganyan din kaaya ang mukha ng magiging ba---' naputol ang iniisip ko nang maalala ko ang baby ko.

Kinapa ko ang puson ko kahit hindi pa lumalaki iyon.

"Na-nasaan ang baby ko?" Magkahalong pag-aalala at takot na tanong ko sa kanila.

Pero tumungo lang silang dalawa imbis na sagutin ang tanong ko.

Bumukas ulit ang pinto at pumasok ang isang babaing doktor.

"I'm sorry mrs. Samantha but we need to pull out your baby. Hindi na namin siya naisalba dahil napakaraming dugo ang nawala sa inyo. Maari mo rin iyon ikamatay o ikalason kung hindi namin gagawin iyon. Hiningi rin namin ang pahintulot ng iyong mister bago isagawa iyon." Malungkot na sabi ng doktora at nagpaalam na ito.

Hindi ko napigilang humagulgol ng malakas dahil sa mga narinig ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko na halos hindi na ko makahinga pa. 

'Ang anak ko... Ang kawawa kong anak! Hindi na niya masisilayan ang mundo.'

"Tinawagan ko si Xander kanina at pinaalam ko ang sitwasyon mo. Pumunta naman agad siya dito at pinirmahan ang papel saka umalis agad." Sabi ng babae na si Sally. Ang japanese doll ko na nagkaroon ng buhay. Pero ang pinagtataka ko ay kung sino ang nagbuhay sa kaniya?

"Sorry miss! Pero mali ang sinasabi mo. Walang nagpuntang Xander dito. Babae ang pumunta at siya ang pumirma." singit nung lalaki.

Nagpanting ang dalawang tainga ko sa sinabi ng lalaki.

Matalim na tiningnan ko si Sally na ngayon ay nakatungo at umiiyak.

"Hayop ka! Anong ginawa mo sa akin? Pinatay mo ang baby ko!" Galit na sigaw na tanong ko sa kaniya.

"S-si A-andrea ang nagbigay ng buhay sa akin Samantha. Kailangan ko siyang sundin kahit na ikaw pa ang nagmamay-ari sa akin. Alam kong buhay ang kinuha ko kaya buhay ko rin ang kapalit. " Lumuluhang sabi niya sa akin at inabot ang maliit na manika na nagsisilbing buhay niya.

Sa sobrang galit na nararamdaman ko ay kinuha ko iyon at marahas na pinugutan ng ulo.

Lumuluhang tiningnan ko siya ng matalim at pinanood na mawala na parang bula.

Saka ako humagulgol ng iyak na kanina ko pa pinipigilan nang mawala na siya sa paningin ko.

"P-pa-paanong nangya... Nangyari iyon? " Nauutal na tanong ng lalaki.

Saka lamang pumasok sa isip ko na may ibang tao pala sa kwartong.

"Sino ka?" Nakakunot-noong tanong ko sa kaniya.

"I-I'm Spade." Pakilala niya sa akin.

"Ako ang tumulong sa inyong dalawa. Sa totoo lang, kung sinakay ka kaagad ng babaeng nawalang bigla na parang bula, siguro nailigtas pa ang baby mo. Saka iyong babaeng dumating dito na brunette ang buhok, basta niya na lang pinirmahan ang papel at umalis na agad. Bago pa nga siya umalis ay sinabi niya sa doktor na iyong mister mo daw ang pumirma." sabi pa nito.

Dahil sa mga narinig ko. Lalong lumiyab ang galit sa puso ko. Wala akong ibang iniisip sa mga oras na ito kung di ang gumanti sa kanilang lahat.

'Papatayin ko kayong lahat! Magbabayad kayo sa pangloloko niyo sa akin at sa pagkawala ng munting anghel ko!'

#End of Flashback#

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Vote and Comment is Much Appreciated.

The Doll MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon