Untitled Part 5

10.3K 218 18
                                    


ISANG engrandeng birthday celebration ang nakatakdang dadaluhan ni Chazel at Cherry. Kamag-anak ng kaibigan ang birthday celebrant na isang sikat na couturier. Ang taong ito ang nagbigay ng presentation para sa mga creations nito ng nauusong man's suit noon kung saan niya unang nakita si Race.

As usual, kinaray siya ni Cherry at never niyang tinanggihan iyon. Ang pakay niya sa pagpunta roon ay ang maglibang-libang. Pinaghandaan niya ang gabing iyon. Nagsuot siya ng magandang gown na para sa kaniya ay ang pinakamaganda sa lahat. Tiyak na hindi na siya muling ma-a-out-of-place.

Ibinulong sa kaniya ni Cherry na imbitado si Race. Nang maisip ang binata ay lalo siyang na-excite. Sa gabing iyon ay hahangaaan siya nito. Hindi siya pasasapaw sa nababalitaan niyang steady date nito na si Star Chavez, ang babaeng kasama ni Race sa Stockton Place sa Makati.

"Bakit ganiyan ang make-up mo?" tanong agad ni Cherry nang magkita venue.

"Ano'ng diperensiya sa make-up ko?" Hindi niya nakasanayang mag-make-up sila sa kaya kung anu-ano na lang ang inilagay niya sa kaniyang mukha. Wala na siyang oras para magpa-parlor. Kararating lang niya mula sa isang conference meeting na hindi niya puwedeng ipagwalang-bahala kaya nagahol siya sa oras.

Hinila nito ang kamay niya. Nagtungo sila sa powder room. "Ayan, tingnan mo ang sarili mo sa salamin. Saka hindi bagay ang shade ng mga mata mo sa kulay ng damit mo. Ang sagwa."

"Wagas ka naman kung makapanlait." Tiningnan niya ang reflection sa salamin.

"Hindi kita nilalait. Nagsasabi lang ako ng totoo, Chazel. Ayokong pagtawanan ka ng mga taong makakakita sa iyo rito. You look like a clown with your makeup on. Tara, kuskusin natin."

Pinigilan niya ito. Wala siyang nakikitang masama sa mukha niya. "Huwag mo ngang pakialaman ang looks ko. I told you that before, didn't I? I'm warning you, Cher."

Walang nagawa ang kaibigan kundi ang sundin siya. "Huwag mo akong sisisihin. Binalaan na kita." Nilayasan siya nito roon.

Ano ba ang problema sa babaeng iyon? Pinasadahan niya ang kaniyang mukha. Gumamit siya ng foundation na light color. Iyon lang ang nalalaman niya. Sa shade niya sa mga mata ay pinagsama-sama niya ang iba't-ibang kulay na makita niya sa nabili niyang make-up kit. It was Maybelline. Mahal ang pagkakabili niya niyon kahapon.

Ang blush-on lang ang nakikita niyang may flaw. Dahil hindi siya sanay gumamit niyon ay kumapal ang paglalagay niya sa mga pisngi niya. Hirap siyang tanggalin iyon dahil hindi niya basta-basta maalis kahit anong kuskos ang gawin niya.

Kahit mayaman sila at afford niyang bumili ng mga beauty products ay wala talaga siyang hilig sa mga iyon. Kaya kulang siya sa kaalaman pagdating sa pagpapaganda. Inilugay niya ang mahabang buhok. But her hair looked dishevelled. Nang suklayin niya iyon ay walang pinagkaiba. Hindi niya iyon napa-hot oil. But it didn't matter to her. Uso ang ganoong style. Ang mahalaga, wala siyang suot ng antipara.

Ang gown niya ay binili niya sa isang kilalang boutique sa mall. It was a lavender jersey evening gown with long sleeve. Floor length ang haba niyon. Hindi iyon ang suggest ng baklang may-ari ng shop na isuot niya dahil mukha raw pangmatanda. Hindi bagay sa batang edad niya. Pero ipinagpilitan niyang ang gown na iyon ang babagay sa kaniya. Walang nagawa ang bakla.

Lumabas siya ng powder room. Nag-uumpisa na ang party dahil in-a-announce ng emcee ang pagpapakilala sa birthday celebrant at ang pagbati rito. Masigabong palakpakan ang sunod niyang narinig. Nakita niya si Cherry sa isang mataas na mesa sa pinakagitna; may mga babaeng kausap ito. Ang mga bisita ay nakatayo. Walang upuang makikita doon.

When I See You Smile (published under Phr completed)   Où les histoires vivent. Découvrez maintenant