Untitled Part 6

10.6K 209 4
                                    


"BAKIT naman kasi dito pa?" reklamo ni Cherry nang isama niya ito sa isang Costume Party. Nangangati na raw ang mukha nito sa inilagay niyang prosthetic cream sa ilong at pisngi nito. Siya ang nag-make-up dito para magmukha itong totoong witch.

Siya naman, ang costume niya ay si Twinkle Bell. Siya rin ang nag-makeup sa kaniyang sarili. In-apply niya ang lahat ng natutunan niya sa cosmetology. Pinaahit niya ang mga kilay niya para magkaroon ng arko ang mga iyon. Natuto siyang gumamit ng eyelash extension at eyeliner. She already knew how to combine colors in her eye shadow. Her cherry-red lips shone with strawberry lip gloss. There were glitters scattered from her temple down to the side of her cheeks. She used white leggins as part of her wardrobe. Lumabas ang kaseksihan niya sa costume niyang iyon.

Nagsuot siya ng maskara na ang natatakpan lang ay ang kaniyang mga mata para hindi siya makilala ni Race. Yes. The super model would be there with his long-time steady date. Iyon ang ibinalita ng isang mapagkakatiwalaan niyang source. Hindi pa rin naghihiwalay ang mga ito. Rumor had it the two were lovers now.

Sa loob ng humigit-kumulang dalawang buwan, sa wakas ay muli niyang nakita si Race. Pinigilan niya ang sariling huwag humanga rito. But he was too irresistible. She had a hard time to ignore the attraction she was feeling at that moment towards him. Damang-dama pa rin niya ang kakaibang tibok ng puso niya tuwing nasa malapit lang ito. At nahihirapan siyang pakitunguhan iyon.

Race was too good to be true. Sa costume nitong isang prinsipe ng kaharian ay lalong tumingkad ang kaguwapuhan nito. Na-emphasized ang magandang built ng pangangatawan nito. The lean and muscular contours of his body, the defined muscles of his thighs were enough to make women swoon at him.

But where's Starr?

About the lady, marami siyang naririnig na inaaway nito ang lahat ng babaeng napapa-ugnay kay Race. Tama siya. Possessed na possessed nga ang babaeng iyon kay Race.

Pero mag-isa lang dumating ang binata. Parang bubuyog na pinaligiran ito ng mga babaeng may iba't-ibang costumes. Iyong iba ay hindi niya maturol kung lalaki o babae. Lahat ay bumabati at nagbibiro rito na ginagantihan nito ng isang matipid na ngiti. Nang pumailanglang ang isang maharot na musika ay nag-ipon sa gitna ang mga parehang gustong magsayaw. Nawala si Race sa paningin niya.

Kinalma niya ang sarili sa pamamagitan ng pag-inom ng Tequilla. Pasasaan ba't makikita niya si Race. Ang mahirap lang sa kaniya, kapag nasimulan niyang uminom ng alak ay nagtutuluy-tuloy iyon. Wala sa tabi niya ang kaniyang guardian angel. Nakikipagsayaw na ito kay Angelo, ang fiancee nito na kasunod nilang nagtungo roon.

Sa tatlong shot niyang hiningi sa bar tender ay malahaginay na ang pakiramdam niya. Kaya itinigil niya ang pag-inom. Naglumikot ang mga mata niya sa paligid. Iisang mukha ang hinahanap niya. Hindi niya ito nasumpungan.

Bumaba siya sa mataas na stool ng bar. Magpapahangin muna siya sa hardin sa labas at saka siya babalik muli roon. Lumanghap siya ng hangin sa malawak na hardin para palisin ang alinsangang lumulukob sa katawan niya. Epekto iyon ng alak. Hindi siya makaupo sa bench dahil masisira ang mga pakpak niya.

"Alone?" Suddenly, a soft voice came up from somewhere. Iniluwa ng malalaking dahon ang bulto ng isang lalaki. When the light shone on him, she was surprised. He was no other than...... Race!

"Ano'ng ginagawa ng isang dilag sa ganitong lugar na nag-iisa?" Hindi siya sumagot. Baka mabosesan siya nito. "Are you afraid of something or you just didn't want the party?"

He frowned when she didn't reply a bit. He stepped forward. Nakita niya ang pagguhit ng pag-aalala sa mga mata nito. "Are you sick?" Dinama nito ang noo niya, pagkatapos ay ang leeg niya.

When I See You Smile (published under Phr completed)   Where stories live. Discover now