6 ~ Being In-love

191K 4.8K 178
                                    

CHAPTER SIX

"AALIS ka din, Lexy?" Manghang tanong nya sa kaibigan, bumaling ang mata nya sa lalaking kasama nito. "Ikaw din Ether? Sasama ka din sa kanila?" Kasalukuyan silang nasa Party ng mga pinsan nya at hindi nya alam na pati pala ang dalawang kaibigan nya din ay aalis patungong America.

"We need to study abroad, Charlton." Si Ether ang sumagot.

"Pero tapos na tayong lahat mag-aral." Tama nga naman. Bakit mag-aaral ulit?

"May mga bagay kasi na kailangan pa naming matutunan."

"Tulad ng?" Tulad ng love?

"Tulad ng paghawak ng bar—."

"Kuya!" Saway dito ni Lexy. Tumawa lang si Ether sa kapatid.

"Lexus,"

"Its Lexy kuya, Lexy. Lagi ko na lang ba sasabihin sayo na Lexy ang itawag mo sakin?" Magkasalubong na ang kilay ng kaibigan nya. Ayaw kasi nitong tinatawag sa tunay nitong pangalan, Lexus.

"Fine Lexy," Bumaling si Von Ether sa kanya. "Pwede ka din naman mag-aral uli Charlton, si Ryxer kasi ay—."

"Stop." The man beside her interrupted. Hindi nya na lang iyon pinansin at nagpatuloy sa pagkain. Umalis din naman sa lamesa nila ang magkapatid.

Naisip nya lang tatlong kaibigan nya na ang malalayo sa kanya. Ang dalawang pinsan nya ay aalis din. Natutuwa sya kasi malalakas ang loob ng mga ito, kaya nilang mabuhay ng hindi nakadepende sa magulang. Kapag nag-aral ba sya sa ibang bansa, kakayanin nya? Isang linggo nga lang na hindi nya masilayan ang mukha ng magulang nya parang gusto nya ng umiyak, iyon pa kayang ilan taong nyang hindi makakasama ang mga ito? Okey buo na ang desisyon nya, ayaw nya mag study abroad, she will stay here with her family and Ryxer. Oo tama, hindi nya iiwan ang lalaking gusto nya.

"Sweetie, why don't you study abroad?" Untag sa kanya ni Ryxer. Inubos nya muna ang laman sa bibig nya bago ito sinulyapan.

"Tapos na ako mag-aral ayoko lumayo, Ryxer, gusto ko kasama ko lang sila mommy at daddy."

"Hindi ba nila sinabi sayo?"

"Ang ano?" Pinunasan nya ang bibig nya gamit ang puting tela na nasa lap nya kanina.

"Cassidy will study Abroad, Aeon and Saleen were planning. Stella will leave the Country also."

"What?" Gulat na gulat na tanong nya. Tinitigan nya ito baka kasi niloloko lang sya pero seryoso ang gwapong mukha ni Ryxer. Nanahimik muna sya ng ilan segundo habang nakatingin sa may stage kung nasaan ang mga pinsan nya pati na din ang magkapatid na Lexy at Ether.

"Aalis silang lahat? Tayong dalawa lang ang maiiwan?" Kumurap-kurap sya para kasing may gustong lumabas mula sa mata nya. "Ang daya naman pala nila bigla na lang silang nang-iiwan pati si kuya madaya hindi nya sinabi sakin na aalis sya." Inilagay nya sa kanyang mukha ang dalawa nyang palad habang pinipigilan ang mga luhang biglang naglandas sa pisngi nya.

"Hey," Pilit tinatanggal nito ang mga kamay nya kaya lang ay ayaw nya. Dapat hindi makita ni Ryxer na nagkacry sya kasi the man hates crying baby and she is a crying baby, she thinks that Ryxer needs to deal with this kind of attitude she have.

"I hate them na." She sob. Mabuti na lang malakas ang tugtog sa paligid ni hindi nya na nga marinig ang sinasabi nya. "Nang-iiwan sila ayoko na sa kanila."

"Don't say that sweetie, they have their reason kung bakit sila aalis at hindi natin sila pwedeng pigilan lalo na kung ang dahilan ng pag-alis nila ay for the better future."

Better future? Siguradong better na ang future ng mga iyon dahil sa yaman ba naman ng pamilyang pinagmulan ng mga ito imposibleng maghirap ang mga kaibigan nya.

RACE 1: Left Behind Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon