FOR YOU; Jungkook

880 19 3
                                    

[Coffee; Jungkook Sequel]


"HAPPY BIRTHDAY TRICZIE!!!!" Nagising ako dahil sa ingay ng nakakalampagang kawali. Anong kaguluhan yun?


Pagmulat ko, nakita ko yung best friend kong nakasuot ng party hat at may hawak na kawali sa magkabilang kamay.


Tsk, abnormal talaga.


"Uy friend, ang aga-aga nakabusangot ka." Tinusok nya ako sa tagiliran.


"Uy friend, ang aga-aga nag-iingay ka." Ginaya ko yung tono ng boses nya.


Inirapan naman nya ako at inilapag yung dalawang kawali sa kama ko.


Bumangon ako at chineck yung phone ko.


April 1.


Birthday ko na nga talaga.


Pero parang normal na araw lang kasi wala siya dito sa tabi ko para i-celebrate ang birthday ko.


Hay. Miss ko na yung ilong na yun.


"Ano ba yan, wala man lang thank you? Kahit libre lang okay na hehe." Nawala ako sa pag-eemote dahil sa best friend ko. Napakalaking singit talaga ng babaeng 'to.


"Mukha kang libre, lamoyun? Maghintay ka, magbibihis lang ako." Sabi ko sa kanya habang inaayos yung hinigaan ko.


Since wala naman dito si Jungkook, kami nalang ni Mina ang magde-date. Psh.








Pumunta kami ni Mina sa mall, nanood ng movie, at ngayon ay nasa isang coffee shop kami.


Coffee shop.



Naaalala ko lang tuloy kung paano kami nagkabalikan dati.



Three years na simula nung magka-ayos kami. At in all fairness naman, nag-improve si Jungkook.


Lagi syang nasa tabi ko simula nung araw na yun. Lagi kaming magkasama pero lagi pa rin kaming magkatext at magkatawagan.


One time nga nagtampo pa si Mina sakin kasi puro Jungkook daw ako. E kung di naman daw nya kami iniwan dun sa coffee shop dati, di kami magkakabalikan. Nanumbat pa, loka-loka talaga.


Sobrang saya ko these past few years dahil sa pagbabalik ni Jungkook. Nagpapasalamat talaga ako kay Lord kasi pinagtagpo nya ulit kaming dalawa.


Kahit sobrang sakit yung naramdaman ko dati, worth it lahat ng yun kasi nagkasama naman kami ulit.


Nung time na yun, napatunayan ko talaga yung sinasabi nila na, kapag kayo, kayo talaga.


Pero ang galing lang talagang mag-joke ng tadhana kasi last year, kinailangan ulit umalis ni Jungkook papuntang Seoul para ayusin yung mga iniwan nya dun. Habang ako, naiwan dito sa Busan.



Kaya ayun, LDR kami. Sa totoo lang, ayoko talaga ng gantong set-up pero may tiwala naman ako kay Jungkook e. Tsaka sabi naman nya saglit lang daw siya dun sa Seoul, babalik din siya agad.


Babalikan nya ako.


Yun ang sabi nya.


Pero kasi halos dalawang buwan na kaming di nag-uusap e.


Di sya nagrereply sa mga texts ko. Pati sa chat. Tapos di pa sya sumasagot sa mga tawag ko. Huling pag-uusap nga namin, nung birthday pa nya e. Binati ko sya, nobela yung message ko, tapos ang reply nya, thanks lang? Tapos eto, birthday ko ngayon pero wala man lang siyang text sakin. Kahit simpleng HBD lang sana masaya na ako e, pero wala.


BTS ONE SHOTSWhere stories live. Discover now