MISS RIGHT; Hoseok

659 16 8
                                    

Note from Aja: GUYS OMG!!! Happy 3k reads!!! Di ko ineexpect na aabot to sa ganto! Actually kagagaling ko lang ng Batangas dahil sa ojt namin and sobrang layo nya sa kabihasnan as in walang net, di ako makapag-update. :(( Kaya super nashakra talaga ako na umabot na sa ganto karami yung reads. I'm kilig!!! Anyways ito na. Ang dami ko na naman nasabi. :(( Hoseok's fic! Sa wakas nakumpleto ko na rin yung pitong abnoy. Enjoy guys! Labyaaa!

This chapter is dedicated to DalagangDiKagandahan ! Super thank you sa comments!! Nakakasipag lalo mag-update! Hearts!!






[Hoseok's POV]

"Hyung, samahan mo ko sa mall." Siniko ko si Yoongi na kasalukuyang natutulog sa sofa.

Sunday ngayon kaya gusto kong gumala. Ang tagal na rin kasi simula nung huli akong nakapamasyal.

Tsaka isa pa, ang boring dito sa dorm. Si Jin at si Jungkook, pumunta sa mga school nila. Si Taehyung naman may taping ng Hwarang. Si Jimin, nagpa-practice sa studio. Wala talagang kapaguran yung unanong yun.

Hayst. Wala tuloy akong kaharutan dito.

"Ayoko, pumunta ka mag-isa mo." Sagot nya ng di man lang ako nililingon. Psh, ang kj talaga nito.

Iniwanan ko si Yoongi dun sa sala at pumunta sa kwarto ni Namjoon. Siguradong di ako matatanggihan nun. 94 liners rise!

Dumiretso nalang ako sa kwarto nya at di na kumatok. Ganun kami ka-close. Astig no?

Naabutan ko si Namjoon na nakahilata sa kama nya habang nakikinig ng music.

"Bat ka andito?" Pambungad nya sakin. Ang sweet naman. Tss.

"Bakit, masama? Miss na kita, tara mall tayo?" Tinabihan ko sya sa kama.

"Araw-araw tayong magkasama tas miss mo ko? Pwes ako sawa na sa mukha mo."

"Ang sakit mo ring magsalita e no? Parang wala tayong pinagsamahan ah! Sige na kasi, saglit lang tayo dun! Samahan mo lang ako. Dali na, Namjoon." Hinila ko sya patayo sa kama.

"Ano ba Hobie, next time nalang. Pagod ako ngayon."

"Pshh, nakakaasar naman mga tao dito oh. Ang k-kj!" Lumabas nako ng kwarto nya, dinabog ko pa yung pagsara ng pintuan para kunwari tampo talaga ako. LOL!

Paglabas ko ng kwarto ni Namjoon, bumalik ako sa kwarto ko para kumuha ng face mask at cap.

Di pwedeng masayang tong OOTD ko ngayon! Kailangan kong pumunta sa mall, may kasama man ako o wala!

Sinuot ko na yung face mask at cap. Inayos ko to ng mabuti para di ako makilala ng mga tao sa labas.

Nagsuot pa ko ng shades para kumpleto ang get-up. Halos tenga ko nalang yung nakikita, ewan ko nalang kung may makapansin pa sakin!

Naghanap din ako ng coat at isinuot yun. Mahirap na, winter ngayon. Baka di nga ako makilala ng mga fans, mangisay naman ako sa lamig. Tsk!

Nagpabango muna ako tsaka tuluyang lumabas ng kwarto.

Bago ako umalis sa dorm, nagparinig muna ako dun sa dalawang kj.

"Tandaan nyo tong araw na to ah! Kapag kayo nagpasama sakin sa kung saan man, di ko rin kayo sasamahan mga leche kayo!" Tapos binagsak ko ulit yung pintuan. Wala talaga silang mapapala sakin sa susunod!

BTS ONE SHOTSWhere stories live. Discover now