HOUSE OF CARDS; Jimin

721 18 9
                                    

10 more minutes.

Sampung minuto nalang, off duty ka na. Kaya mo to.

Paulit-ulit mong itinatatak sa isip mo yan habang nagmimix ng mga mocktails and drinks sa bar.

Isa kang 3rd year college student and part-time bartendress sa isang high-end na club.

Tumingin ka ulit sa wrist watch mo kahit kachecheck mo lang ng oras 0.5 seconds ago. 9:50pm.

6pm-10pm ang duty mo dahil may klase ka hanggang 5pm. Buti nalang mabait yung boss mo kaya pinayagan ka sa gantong schedule.

Habang ginagawa mo yung mga nakapilang orders ng regular customers ng club, nagrereview ka rin para sa midterms sa isang major subject nyo bukas. Multi-tasking, dyan ka magaling eh.

"Enjoy your Jack Collins, Sir. Have a great night!" Iniabot mo sa customer ang baso. He then thanked you and handed a tip.

And that was the last order for the night kasi finally, 10pm na.

Habang hinihintay mo yung karelyebo mo sa duty, naglinis ka na muna ng bar counter para di na rin sya mahirapan mamaya.

"Excuji me?" Nagulat ka ng may lumapit na panibagong customer sa counter.

Leche, may humabol pa.

"Yes sir? What can I get for you tonight?" Nakangiti mong tanong sa kanya kahit deep inside di mo maiwasang mainis dahil dapat off duty ka na.

"Oh sorry. I don't speak Engrish." Sabi nya with matching hand gestures pa. Napangiti ka naman dahil sa accent nya. He sounded like a...korean.

Mukhang mapapasubo ako dito ah.

Sandali kang nag-panic dahil sa sitwasyon. Kahit kasi high-end tong bar na pinapasukan mo, madalang lang kayo magkaroon ng foreigner customers na di nakakaintindi ng English.

Though ang perfect ng pagkakasabi nya ng I-dont-speak-English kanina. He almost sounded fluent. Well, except for the Engrish part.

"Ah, okay. Pano ba to. Uhmm, you can just choose a drink from our menu, Sir." Iniabot mo sa kanya yung Beverage list at nag-action na pumili nalang sya ng drink mula rito.

Kinuha nya yung menu card mula sayo at tiningnan ang mga nakasulat dito. Napangiti ka dahil mukhang nahihirapan sya basahin yung mga nakasulat dun dahil lahat yun ay in English.

Cute din ng koreanong to eh, no.

You couldnt help but to check him out. He was wearing a black hoodie with a black shirt underneath, black ripped jeans tapos timberland shoes. Naka-face mask rin sya kaya di mo masyadong maaninag yung mukha nya, not to mention medyo dim yung lights sa bar.

Typical korean fashion shit.

"Ah! This pleaseu." Tinuro nya yung Patron Tequila sa menu. Buti nalang may pictures yung Beverage list nyo.

"Okay, Sir. Just a moment."

Habang inihahanda mo yung order nung koreano, may biglang dumating at tumabi sa kanya. The new guy was also wearing all-black. Pero unlike dun sa naunang koreano, matangkad sya at walang suot na face mask kaya naman nahalata mo na korean din ito.

Inuulan yata ng koreano ngayon sa bar, ah?

"!" Korean guy no.1

"제가 왔어요." Korean guy no.2

And that was the start of their korean conversation.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 22, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BTS ONE SHOTSWhere stories live. Discover now