Chapter 12: The NEW Guy

19.8K 319 18
                                    

Dave's POV

Umalis na si Krisha. Ano ng gagawin ko? Yung baby paano na? Yung anak... ko... namin. Kelangan ko sila.

"Dave." biglang bukas ng pintuan ng kwarto ko

"Manang." sabi ko

"Kasalanan mo din naman. Sana kasi nagisip ka muna." sabi nya

"Babalik kaya sya Manang?" tanong ko

"Oo. Siguro? Hindi natin alam." sagot nya

"Masama po ba ako?" tanung ko 

"Oo. Hindi lang masama, sobra." sagot nya sakin ng diretso

Umalis na sya sa kwarto ko at kinuha ang mga damit ko sa banyo. Namimiss ko si Krisha. Kamusta na kaya sya?

Oops. Bright idea! Ting!

Nagdial ako ng number.

"Hello?" sagot sa kabilang linya

"Tom?" tanung ko

"Napatawag ka pre? Hindi ko na pala napaalam sa'yo si Krisha kanina kasi nakita ko na sya sa may kanto nyo." sabi nya

"Ah buti naman. Okay lang ba sya?" tanung ko

"Oo. Masaya naman sya. Nandito kami sa may studio. Sinali ko na sya sa pagmomodel kasi gusto naman sya ng manager ko." sabi nya

Magiging model na sya? 

"Pwede ko ba syang makausap?" tanung ko

"Sure. Teka pre." sabi nya

"Hello?" sagot ng babae sa kabilang linya

Alam kong si Krisha na 'to.

"Krisha." sabi ko

Pinipigilan ko ang mga luha na gusto ng kumawala sa mga mata ko. Gusto ko syang nandito, alagaan sya kapag bumalik na sya.

"Dave?" malamig na sagot nya

"Sorry Krisha. Naduwag ako, isa pang chance, please?" sabi ko

"Hindi ko naman ilalayo ang bata tulad ng sabi ko sa'yo." sagot nya

"Kelangan ko kayo. Umuwi ka na." sabi ko

"Tapos na tayo sa usapan na yan. Kaya pwede ba? Kalimutan mo na yung mga nangyari, kinakalimutan ko na lahat ng yun, pati..." sabi nya at huminto sya

"Pati... ikaw Dave, kinakalimutan na kita. Ok? Babye. Kakausapin ko pa yung manager ni Tom." sabi nya

Magsasalita pa lang sana ako kaso.. *toot.toot.toot*

Naihatsa ko na lang ang cp ko sa kung saan. Puta. Ano ng gagawin ko? 

Kakalimutan na daw nya ko. Hindi pwede. Ayoko. Bakit kasi ang tanga ko? Natakot ako agad, hindi ko inisip kung anong pwedeng mangyari. 

Naiiyak nanaman ako. Kalalaki kong tao para akong tanga.

Tom's POV

Pagkatapos ng usapan ni Krisha at Dave biglang namutla si Krisha ng iabot nya sakin ang cp ko.

"Krisha, okay ka lang?" tanung ko sa kanya

Tinignan nya ako at ngumiti, weak smile.

"Huy, anong pinagusapan nyo?" tanung ko

"Hmmm. Wala yun. Hihi." sabi nya

"Kakausapin kita sa bahay mamaya." sabi ko sa kanya

Nagtataka ako na sa twing tinatanung ko si Dave sa kanya, speechless sya. Malalaman ko yan mamaya. Hindi na pwedeng umiwas. Re'rapein ko 'to kapag umiwas sya. Hahaha. Joke lang.

Maid For HimWhere stories live. Discover now