Chapter 3

1.6K 55 0
                                    

Si Sami po yung nasa picture :)


----


[Iya's POV]



"Hi class. I'm Ms. Alvarez, and I will be your mentor for the dancing class. To start with I want everyone of you to change on your dancing outfits. No skinny jeans and slippers allowed. I'll give you 15 minutes to change. Go."



Wow naman. Kakapakilala palang niya pero halatang strikto siya at masungit. Nakakatakot siya, kaya hindi na rin ako nagpatumpik tumpik pa at tumayo na ako. Kasama ko rin na pumunta si Chloe at Sami sa CR para magpalit. Nagmamadali na nga lang kami sa pagpapalit kasi baka pag nalate may parusa.



Pagkadating namin, wala pa rin naman yung iba kaya umupo na kami sa lapag habang nag-iintay pa rin. Nasa may dancing room kasi kami so talagang walang mga tables and chairs dito.



Tumingin naman si Ms. Alvarez sa relo niya atsaka tumingin sa lahat ng nandito.



"OKAY! Times up! We'll start the practice now. Tumayo na kayong lahat. Find your place and we'll start the stretching."



Pumunta naman kami sa mga pwesto na gusto namin. And si Ms. Alvarez pumunta na sa harap para iplay yung music.



Nagplay naman ang isang classical music.



"Okay, get ready. Just follow me." nagsimula na siyang magstretching sa harap at ginagaya lang din naman namin siya. 



Tinapos namin ang kantang yun bago kami dumako sa totoong lesson. And yes, mukang hindi nanaman magiging madali ang lesson sa ngayon.



[Sami's POV]



"One more time. GO!" sigaw ni Ms. Alvarez



Nagturo kasi siya ng sayaw samin kanina and pineperform namin yun ngayon. By two's ang pagperform. Napagkasunduan na si Chloe at Iya ang magkapartner, kami naman ni Ashton, tapos yung dalawang lalaking natira. Choose your own partner kasi eh. Since kami lang naman ang magkakakilala eh di kami kami nalang.



So ayun nga. Hindi kasi magawa nitong pair na nakasalang ngayon yung pinapaggawa ni Ms. Alvarez. Kanina pa sila pinapaulit ulit. Mukang naiinis na nga si Ms. Alvarez eh.



"You two, get out! Ano bang mahirap sa sayaw na pinapaggawa ko?! Mahirap kayo makaintindi. Ayusin niyo yan, kapag kaya niyo ng sayawin tsaka lang kayo pumasok sa klase ko. OUT!" nagulantang naman ako ng bigla ng magburst out sa galit si Ms. Alvarez. Nakakatakot.

Let's do this!Where stories live. Discover now