Chapter 19

493 15 1
                                    

So ngayon po ay Brent and Iya moments po muna tayo. HAHAHA! :) So hope you'll read it po and maenjoy niyo po. Salamat po sa mga nagbabasa at sumusuporta. Alam ko pong hindi naman ako ganun kagaling pero i'm trying my best and masaya po ako sa ginagawa ko :)



Salamat sa mga patuloy na sumusuporta. And I will not stop writing stories cause I love what I do. So please do read and vote for my stories.




---



[Brent's POV]




"Ano ba kasi nangyari? Kwento mo nga." tanong naman ni Ashton sakin




Napabuntong hininga ako. Alam ko naman kasing hindi ako titigilan nitong mga to. Pati si Pau sumama na rin dito samin at nag-iintay sa isasagot ko.




"Hindi naman ako galit kay Iya eh, kaya lang kasi sumosobra na yung papa niya eh. Grabe niyang tapakan yung pagkatao ko. Porket ba mahirap kami at sila mayaman, pera na agad ang habol ko kay Iya? Akala niya kaya ako lumalapit at nakikipagkaibigan kay Iya ay dahil sa pera. Pero hindi naman yun totoo eh."




"Sa papa naman pala ni Iya ka naiinis eh bakit parang nadadamay si Iya?" tanong naman ni Pau sakanya




Napakamot ako sa ulo ko.




"Ayoko naman talagang lumayo siya eh. Oo nung una nainis ako sakanya kasi sa sinabi ng tatay niya, naisip ko na ako pa ang napasama samantalang tinutulungan ko lang naman siya. Kaya lang naisip ko na wala siyang kasalanan. Ipinagtanggol niya pa nga ako. Kaya lang kasi ayoko na ulit mapagsabihan pa ng masama kaya dinidistansya ko na ang sarili ko kay Iya."




"Kaibigan mo si Iya, Brent." kumento naman ni Sami




"Alam ko naman yun. Mahalaga siya sakin, kaya lang kasi. Naguguluhan ako, ewan ko. Basta parang ayoko muna siyang kausapin."




Hindi naman na talaga ako galit sakanya, magulo lang ang isip ko. Nahihirapan din naman ako sa set-up namin. Nasa bahay pa rin siya tapos dalawa lang kami sa bahay kasi wala pa sila nanay. Ayoko rin naman talaga siya umalis. Nung araw nga na sinabihan ko siyang umalis, ang totoo nun, nung nawala na yung inis ko hiniling ko na sana hindi siya umalis. Ewan ko, naguguluhan ako.

Let's do this!Where stories live. Discover now