Brothers

51 1 0
                                    

Harvey Norman

Nakatayo lang kami pareho at walang may gustong magsalita sa aming dalawa.

"Ano gusto mo rin siya?" Maangas niyang tanong sakin.

Humarap ako sa kanya.

"Oo bakit?"

Tumingin siya sakin ng masama.

"Ako ang nauna"

"Wala akong pakialam"

Hinawakan niya ang kwelyo ng polo ko pero tinanggal ko din kaagad yun.

"Subukan mo!"

"Sige"

Sinuntok niya ako pero sinuntok ko din siya.

"Ako ang nauna! Kaya wag kang magmayabang!" Sigaw niya sakin

"Alam ba yan ng Nanay mo?" Tanong ko sa kanya na nag patigil sa kanya.

"May pamilya na nun ang Daddy ko at kami yun nauna kami pero anong ginawa ng Nanay mo?! Pumatol pa din siya sa Daddy ko! Kaya wag mong sabihin sakin na ikaw ang nauna! F*** Y**"

Sinugod niya ako at sinuntok pero gumanti din ako at sinuntok ko din ang mukha niya.

Matagal ko na to gustong gawin. Ang sapakin ang pag mumukha niya.

"Lahat inagaw mo sakin! G*** k*" pinag susuntok ko lang yung mukha niya hanggang sa dumugo yun

"Namatay ang mommy ko ng dahil sa inyo alam niyo ba yun?!!" Hindi siya makaganti ng suntok sakin kaya lalo ko pa siyang sinaktan. Kulang pa yan sa lahat ng nagawa niya sa amin ng Mommy ko.

"At ngayon ano?! Gusto mo sayo na naman mapunta?! Gago ka ba?!!" Tumayo ako at pinagpag ko ang damit ko.
Nagkalat ang dugo sa mukha niya. Dapat lang yan sayo.

"Tandaan mo ito. Maaaring naagaw mo sakin ang pamilya na meron ako pero hinding hindi mo maagaw sa akin ang babaeng gusto ko"

At umalis na ako.

****
Monica Paula Santiago

Matapos ko sabihin kala Mama at Papa ang tungkol Kala Harvey at Kleo ay lumabas na ako.

Pero paglabas ko

"Nasaan na silang dalawa?"

Saan na nagpunta yung dalawang yun?! Napakamot na lang ako ng ulo. Ang tagal ko din kasi sa loob baka nainip at umalis na? Pero grabe naman hindi man lang nag paalam? Basta umalis?

Papasok na sana ako sa loob ng bahay ng may mayapakan akong isang kulay pulang bagay sa sahig.

"Ano ito?" Yumuko ako para tignan mabuti at hindi ako pwedeng magkamali.

Dugo yun ng tao.

Bakit may dugo dito?

--

Hindi pumasok si Kleo ng dalawang linggo at hindi ko alam kung bakit.

Tinatawagan ko siya pero walang sumasagot.

Wala din tao sa bahay nila. Naisip ko siguro mag isa lang siya dun. Wala kasing maid man lang.

Nasaan na kaya yung Mommy niya?

Si Harvey hindi rin pumasok at hindi rin namin alam ang dahilan.

Pero ako parang alam ko na. Yung dugo sa labas ng bahay namin sa tingin ko sa isa sa kanilang dalawa yun.

Haaay ano na kaya nangyari sa kanilang dalawa?

Nagulat na lang ako ng biglang may yumakap sa akin sa likod ko.

Idol Ko Si Stephen CurryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon