Nung araw na yunNang makita ko siyang umiiyak sa may kotse
Parang tinusok ng kutsilyo yung puso ko
Ang sakit
Hindi ko alam kung bakit ganun na lang yung naramdaman ko
Basta napansin ko na lang na kusa bumaba na pala ako dahil nag aalala ako sa kanya
Papaalis na yung kotse niya nun pero pilit ko itong hinabol
Sumigaw ako
"Harvey! Sandali!" Pumunta ako sa gilid ng kotse niya nakita niya ako kaya naman tumigil siya.
Kanina umiiyak siya pero ngayon wala na.
Huminto ang kotse at bumaba siya
"Monica"
Nakatitig lang ako sa mata niya at tinignan ko kung may luha pa dun o tubig pero wala naman.
"Bakit?" Nabalik ako sa katinuan ko ng bigla siyang lumapit sakin.
"Umiiyak ka. Nakita kita." Deretsahan kong sinabi sa kanya. Siya naman parang natatawa pero hindi ko pa rin inaalis yung tingin ko.
"Hindi ako umiyak. Bakit naman ako iiyak? Okay ka lang ba Monica?" kahit ganun yung sagot niya hindi pa rin ako kumbinsido dahil nakita mismo ng dalawa kong mata na umiyak siya at hindi naman ako bababa kaagad dito kung hindi ako sigurado sa nakita ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/60308362-288-k654976.jpg)
YOU ARE READING
Idol Ko Si Stephen Curry
FanfictionLocked In #DubNation Philippians 4:13 Golden State Warriors for Life! Let's Go Warriors!