Chapter 11
Gerald’s POV
“ Sir , malinis na po namin ang rooftop “ sabi ni Mang Kanor nong makapasok siya sa mini office ko sa tuna farm ko
“ Salamat po “ pasasalamat ko sa kanya
Pinalinis ko kasi ang buong kabahayan para sa pagdating ng mga kaibigan ko lalo na kay Sarah . Ito ang unang pagkakataon na magkita-kita kami after 5 long years. Well nangyari nga kagabi pero di pa yon sapat.
“ May bisita po ba kayo galing sa bayan? “
“ Ah oo po .. “ matipid kong sagot sa kanya “ Salamat po talaga sa tulong niyo ha! “
“ Walang ano man po .. Anong oras po kayo aalis? “
“ Maya-maya na po , papunta palang kasi sila dito “ kasulukuyan ko kasing ka text si Ken , siya lang naman ang pwede kong I contact e
“ Ah ganon po ba! Sige po mauna na po ako “ pamama-alam ni Mang Kanor sa akin
Di nagtagal umalis na din si Mang Kanor at naiwan na akong mag-isa , habang di pa sila dumadating di pa muna ako aalis sa farm . 5 minutes lang naman ang layo ng bahay ko dito sa farm pag maglakad lang pero pag may sasakyan mga 2 minutes lang.
..ringing..
“ Hello Ken? “ sagot ko sa kabilang linya
“ Uhm Kuya? “
“ Anong atin? “
“ Andito na kami sa gate .. “ sabi ni Ken kaya napatayo ako agad-agad
“ ARAY!! “ nabangga kasi yong paa ko sa mesa
“ Anong nangyari? “
“ Wala , im fine! Sige magda drive na ako papunta diyan sa gate! “ sabi ko nalang
“ Saan kaba? “
“ Nasa farm .. saglit lang! “
YOU ARE READING
Ready To Take A Chance Again
FanfictionReady To Take A Chance Again by MichyPot ang pagbabalik ko sa pag-gawa ng AshRald FF!! Sana magustuhan niyo po :)