EPILOGUE

2.7K 78 50
                                    

EPILOGUE

Reed's POV

Anim na taon na ang nakalipas ng kinasal si Mama't Papa sa isla na ito. Limang taon na din ang nakalipas na iritang-irita si Papa sa amin ni Akira kasi pag gusto nilang magsolong dalawa ayaw naman umalis ni Akira. E kahit ano namang pagka irita ni Papa taob naman siya sa tantrums ng kapatid ko. Matagal ko na din na alam ang tungkol sa buong pagkatao ni Akira , pero sabi ni Mama't Papa bawal na daw ungkatin yon , which is pabor naman sa akin kasi ayaw ko namang masaktan ang damdamin ng kapatid ko . Mahal na mahal ko siya higit pa sa kanino.

" Kuy-kuy! " tawag sa akin ng kahit boses pa lang alam ko na kung sino

" SOPHIA GRACE! " si Akira yon , nagka tantrums na naman ata

" Akira huwag mong sigawan si Sophie " cool kong sabi kay Akira

" Ei kasi naman Kuy --- AWWWWWWWWWWWWW " 

" SANCHO GLEIN " mas lalong nagka tantrums si Akira " Ang sakit nun ah! " pinalo kasi siya ni Sancho ng laruan nitong baseball bat di nga lang yong sa pang baseball yung plastic lang

" Sancho .. huwag maging bad kay ate Akira! " sabi ko kay Sancho sabay karga sa kanya

" She's bad kasi .. sigaw-sigaw siya kay Sophie! "

" SANCHO GLEIN " at kung nagtatanong kayo kung sino yon , hindi sa Akira yon

" Seth Galvin " ani ko dito , nagmana kay Akira ang pagka tantrums nito

At kung maghahanap kayo kung meron pa , actually wala na! At yes nadagdagan kami ng tatlo .. TRIPLETS to be exact . Akalain niyo yon kahit panggulo si Akira sa honeymoon ng Mama't Papa namin e nakabuo sila ng triplets. AT yon nga sina Sancho Glein , Seth Galvin at ang little princess namin si Sophia Grace.

" Dont shout at me , im still your Kuya! " si Sancho , mas nauna kasing lumabas si Sancho ng 2 minutes ata yon

" Im not .. " pagtatanggol ni Seth sa sarili

" E ano yung ginawa mo? "

" Ate Akira diba im not shouting? " baling na tanong nito kay Akira

" No your not! "

" See! " si Seth kay Sancho

" Nilalabanan mo naman si Seth ate e! " reklamo ni Sancho

" Ill make sumbong to Mama't Papa " sabi ni Sophia Grace

" NOOOOOOOOOOOOOOO! " sabay-sabay na sigaw ni Seth at Sancho

At kung bakit? Takot kasi silang mapalo ni Papa , di naman palo parang face to the wall lang tapos kunting pitik sa pwet , ang sisilan ng kapatid ko , pitik nga lang palo na sa kanila.

" See away-away kayo pero ayaw niyo naman isumbong! " si Sophie ulit

" Hali na nga kayo .. " sabi ko sa kanila , e kasi naman ang gugulo nila e

" Kuya lets play later! " sabi ni Akira

" Play? "

" Yes sa arcade! "

" Hindi pwede .. sleeping time na after! " sabi ko kay Akira , she's 10 years old pero ganyan parin siya palibhasa kasi bini baby nina Mama't Papa

" No arcade for tonight .. " 

" But Kuy-kuy/Kuya " silang apat yan , si Sophie lang naman ang tumatawag sa akin ng Kuy-kuy

" No buts kiddos! " sabi ko kasali na si Akira don , hindi naman siya nagrereklamo pag ganon ibang bata kasi pag ka edad ni Akira nagrereklamo na

Ready To Take A Chance AgainWhere stories live. Discover now