CHAPTER TWO: Timbog. Tiklo. Kalaboso.

944 35 6
                                    


Chapter Two

SUSMARYOSEP, Lord! Tinugunan mo naman agad ang birthday wish ko!

Napalunok si Saling sa harap ng lalaking ito. Ang buong akala niya ay sa telebisyon, magasin o pelikula lang siya makakakita ng mga artistahing tulad ng luto ng Diyos na nasa harap niya ngayon.

"S-Sino ang h-hinahanap m-mo?" utal na usal ni Saling.

"Si Andrew. Andrew Alvarez. May kakilala ako na nakapagsabi na dito siya nakatira. Ang address na ibinigay sa akin ay..." May dinukot ang lalaki sa bulsa na isang papel at binasa ang nakasulat doon. 1112 Kagandahan Street., Lupaing Hinirang, Quezon City. Ito ba ang address ng salon na ito?"

Napatulala na lang si Saling sa harap ng lalaki. Hindi siya nakasagot dahil masyado siyang namangha sa kaguwapuhan nito. Napatingin na lang siya sa kabuuan nito na para bang laser scanner ang mga mata niya.

He had a pushed-back hairstyle that made his head large. Malapad ang noo nito at makakapal ang kilay. Ang mga mata nito ay tulad ng mga napapanood niya sa mga Koreanovela. Pwedeng pagulungan ng holen ang ilong nito sa sobrang tangos. At mapupula ang mga labi nito kahit walang lipstick.

Malaki ang bulto ng katawan nito pero hindi katulad ng mga bodybuilder. Litaw ang hulma ng balikat, dibdib at braso sa suot nitong asul na three-fourths cardigan na pinailaliman ng puting v-neck shirt. Knee-cut chinos naman ang pang-ibaba nito at grey loafers ang suot nito sa paa. Tantiya niya ay nasa six-four ang lalaki.

Para siyang artista sa mga Koreanovela. sapantaha niya.

"Miss?" Binigyan pa siya ng lalaki ng isang matamis na ngiti.

Punyemas, wagi naman ang smile. untag ng isip niya.

"Ah, sorry, oo. Ano, uh, teka. Ano nga ulit ang sinasabi mo? Medyo nag-hang ang utak ko, eh. Mahina talaga ang signal dito sa amin 'pag Smart." Pinagpapalo niya ang ulo niya na parang gusto niyang taktakin ang katangahan sa isip niya. "Koreanovela ka ba?"

"Bakit?" He grinned devilishly.

"Ay, hindi pick-up line 'yon, ano ka ba." Napakamot na lang siya. "Ang ibig kong sabihin ay mukha ka kasing Korean."

"Uh, yeah. Half-Korean, half-American to be exact. Pero tubong Davao ako. My parents loved the climate here. Kaya kahit hindi naman sila taga-Pilipinas ay dito na sila tumira and absorbed the culture. Anyway, may hinahanap kasi ako. I would like to ask if this is the place where Andrew Alvarez lives."

"Ha? Wala akong kilalang Andrew Alvarez, eh. Walang gano'n dito." tugon niya.

Tumungo-tungo ang lalaki. Sa ilang sandal ay inilabas nito ang cellphone at ipinakita ang isang picture sa kanya. "Eh, ito, kilala mo ba?"

Tiningnan niyang mabuti ang nasa picture. Nalaglag ang panga niya. It was his brother, Andres, together with some men and the guy in front of her.

Andres? Walanjo ka. Uma-Andrew Alvarez ka pa. sa loob-loob niya.

"Oo, kilala ko 'yan. Kapatid ko 'yan, si Andres. Bakit?"

"Andres pala, ha." Ang palangiting hitsura ng lalaki ay biglang naglaho nang makumpirma sa kanya ang pagkatao ng lalaki sa litrato sa cellphone. "May malaking utang sa akin ang kapatid mo. Kailangan niyang magbayad, kundi ay idedemanda ko siya. Sabihin mo sa akin kung alam mo kung nasaan siya, dahil kung pagtatakpan mo ang kapatid mo, puwede kang masangkot sa demanda."

Romance-Comedy of ErrorsWhere stories live. Discover now