EPILOGUE: Ang Tahing Hilbana

992 29 14
                                    

Epilogue

KINABUKASAN ay tumungo sina Saling at Collin sa NSO. Inayos nila ang mga papeles ukol sa edad niya. She decided that she will follow thirty-one as her legal age. Iyon naman ang tama.

Naibalik na ni Andres ang perang ninakaw nito kay Collin, at ginamit naman ni Saling at Collin iyon sa pag-aayos ng mga papeles ng kanilang kasal. Nakausap na rin nila si Father Eduardo na ikasal silang dalawa. Nag-line up na rin sila ng entourage kung saan naroroon ang dalawang kaibigan niya na si Laarni at Barbie at si Dely bilang mga bridesmaid niya, si Panyang bilang maid of honor at si Andres bilang best man. Kems naman niya sa mga pama-pamahiin na dapat ay walang asawa ang bridesmaid. Basta maikasal sila, tapos!

Invited din sina Cola at Dae-Byul sa kasal. Personal na tumungo si Saling at Collin sa Davao. Inayos na rin nila ang alitan sa pagitan nila. Nakipag-ayos na rin si Collin at nagpasyang sasama sa Korea at America para humarap sa mga magulang ng kanyang mga magulang, for their redemption. Isasama rin nila si Saling, of course. Kaso wala pa siyang passport.

Si Mandy naman ay nakausap na rin ni Cola at Dae-Byul. Okay lang naman daw na hindi natuloy ang kasal, dahil may offer dito na isang modelling project sa New Zealand. Ang produkto? Fresh milk mula sa mga baka roon. Ukol naman sa sex life ni Mandy, masaya na ito sa ka-friends with benefits nitong talent agent nito. At least, hindi siya nauubusan ng projects. Kahawig naman nito si Mandy—este Andi Eigenmann.

Natimbog naman ang sindikatong pinagraraketan ni Andres noon. Masaya si Saling dahil hindi nasama rito ang kapatid niya. Ang hinihinalang nag-tip sa mga ito ay ang mga taga-Sabah, kung saan doon dinala ang mga kontrabandong nakalap ng mga ito sa Malaysia nitong nakaraan. Hindi na involved si Andres doon. As in matagal na.

Wala pa ring fafa ang mga kaibigan ni Saling. Pero hindi nauubusan ng pag-asa ang mga ito, na balang araw ay may isang tulad ni Collin ang kakatok sa pintuan nila. Wish nila ay isa ring 'Super Junior'.

Nagamit na ni Collin ang 'arinoleum' sa unang gabi ng kanilang pagtulog nang magkatabi. Madalas mang litaw ang abs sa pagtulog ay hanggang kissing at petting lang ang eksena nila sa kama. So far, hindi pa nakakain ang 'tulya' dahil nangako si Collin na dapat na mauna muna ang kasal bago ang honeymoon. Pigil-pigil din 'pag may time.

Habang naghahanda sa married life, nagsasanay si Saling na magluto ng 'nilagang baboy na red'. Kapag na-perfect niya iyon, ang isusunod naman niya ay ang 'sisig na orange'. Damang-dama na niya ang pagiging housewife sa puntong iyon.

Binisita ni Saling at Collin ang puntod ng kanyang ina, ama at ni Mama Okama. Pinalinis na rin nila ang mga iyon. Humingi rin sila ng basbas ukol sa pagpapakasal nila. Umalis din sila agad dahil baka biglang sumagot ang mga ito.

Collin had to transfer in the metro and teach in one of the prestigious colleges in Manila—in Don Antonio Tambunting University or DATU. Yet, he was also teaching some subjects in Valhalla University. Part-time ba. Dagdag-kita rin iyon para sa kanila ni Saling.

'Open arms' pa rin ang parlor sa lahat ng gustong magpagupit, manipedi, Brazillian blowout, Japanese rebond, Keratin Treatent at marami pang iba. Maaga nga lang na 'close to you' ang salon kapag MWF, dahil magbi-bingo ang mga manikurista at hairdresser. May videoke machine rin (na binili na rin nila kay Aling Siony, gimik para mas dumami ang customers) kung nais mag-concert habang nagpapa-foot spa. Libre ang unang kanta. Limang piso naman sa mga susunod pa. Sa mga interesado, bisitahin lang si Saling at ang mga kaibigan niya sa Mama Okama Salon sa 1112 Kagandahan Street., Lupaing Hinirang, Quezon City.

WAKAS

Romance-Comedy of ErrorsWhere stories live. Discover now