Chapter 1

207 9 2
                                    


Nakita ko si Chad yung ultimate crush ko! My kausap sa baba,kaibigan niya siguro yung kausap niya. Grabe! Ang cute niya talaga lalo na pag ngumingiti. Kaya sumisilip ako sa kanya sandali.

Nang mapatingin siya sa direksyon ko mabilis akong nagtago. Lumakas ang kabog ng dibdib ko.

"Chloe? Anong ginagawa mo jan?" nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Renn sa likod ko.

Siya si Renn, matagal ko na siyang best friend. Parang kapatid na rin ang turing ko sa kanya.

"H-Ha? hehe.. w-wala! Pasok na tayo sa room!" Hihilahin ko na sana siya papasok sa classroom.

"Teka! Si Chad yun, di ba?" Turo niya sa baba.

"H-Ha? Ah o-oo! A-Anjan pala siya?" naku! Uulanan niya na naman ako ng tukso nito.

"Kaya pala kanina kapa naka tambay dito at sumisilip silip sa labas." Naka cross arm ito habang nakangiting tukso nito sa akin.

"H-Hindi ah! H-Hindi ako naka tingin ky Chad! A-Ano lang-

"Huli ka! Wala naman akong sinasabi na tumitingin ka ky chad ah? ahaha.. nakakatawa yung mukha mo! Nag ba blush ka pa oh." Natatawang sabi nito at lumapit sakin para tuksohin ako lalo.

Grabi nag iinit ng pisngi ko! Nakakahiya haist. Si Renn talaga! Naku! (>//.\\<)

"Crush mo talaga eh nu? Di bale, tutulungan kita." sabi pa nito sa akin at umakbay sa akin.

"Talaga?!" Napasigaw ako bigla.
Oops! Pinagtinginan tuloy kami.

"S-Sorry" paumanhin ko at napayuko.

"Haha.. ang cute mo talaga bestie! wag kang mag-alala. Ako ang bahala sayo." Ngumiti ito sa akin.

"Salamat bestie! Salamat!" Napayakap ako ky Renn.

Para akong isang batang paslit na binilhan ng Ice cream sa sobrang tuwa. Hindi naman gaano kahalata, ano?

..----..----..----..

Lunch Break

Kasalukuyan kaming kumakain ni Renn ng lunch sa canteen.

"Chloe, kita tayo mamaya sa likod ng school ha. Sa dati nating tinatambayan. Alam mo pa ba yun?"

"ahh oo naman. Anong gagawin natin doon?" Curious na tanong ko. Simula ng nag high school kami, hindi na kami gaano nakakapunta sa lugar na yun.

"Basta lang! My sorpresa lang ako mamaya sayo, siguradong matutuwa ka ng husto. Sige, kita tayo mamaya. Bye!" Bigla na itong nagpaalam.

Naiwan akong nakakunot ang noo. Ano kaya ang sorpresa na sinasabi niya? napapaisip tuloy ako.

---

Pagkatapos ng klasi pumunta na ako sa likod ng school. Maganda ang view roon. Pataas ang daanan at sa pinaka tuktok nun ay may nakatayong isang malaking puno kung saan kami dati lagi tumatambay.

Nang makarating na ako sa taas, wala pa si Renn kaya umupo muna ako sa ilalim ng puno at ipinagmasdan ang magandang tanawin.

Grabi ang ganda talaga ng view dito. Makikita mo halos ang buong syudad. Ang bango pa ng simoy ng hangin.

Nakarinig ako ng paparating. Si Renn na siguro yun. Tumayo ako at sasalubungin siya.

"Renn! 'bat ang tag--

O____.____O!!

Feeling ko tumigil sa pag ikot ng mundo ko at ang naririnig ko lang ay ang malakas na pag tibok ng puso ko.

B-Bakit siya nandito?

.
.
.

(READ, VOTE , COMMENT)

-Misakii

If You're not The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon