Chapter 17

21 2 1
                                    


IF YOU'RE NOT THE ONE

CHAD's Point of view

Anim na taon na ang nakalipas ng huli kong makasama si Chloe. Alam ko sa sarili ko na kasalanan ko kung bakit 'yun nangyari sa kanya, kung bakit nasira ang buhay niya. Kahit hindi man sabihin ng pamilya niya, alam kong ako ang sinisisi nila sa nangyari, kahit pa palagi nilang sinasabi sakin na "Walang may gusto sa nangyari."

Ang sama-sama ng loob ko, hanggang sa nawala ako sa sarili ko, at umalis sa bahay. Sa kalagitnaan ng daan, umuulan noon at basang basa ako, nakasalubong ko si Renn, kagagaling niya lang sa training sa swimming sa school.

"C-Chad? Anong nangyari sa'yo? Bakit ka nagpapabasa sa ulan?" sabay lapit niya sakin at pinayungan ako kahit na basa na rin naman ako.

Tinitigan ko lang siya at hindi nagsalita. Si Renn, ang babaeng mahal ko, mali, ang babaeng minahal ko noon. Si Chloe, akala ko laro lang ang ginawa ko para lang mag selos sa akin si Renn at marealize niya ang kanyang mali na tinutulay niya kaming dalawa. Pero nagbago iyon ng makilala ko ng lubusan si Chloe. Ang pagmamahal ko noon kay Renn ay hindi ganun ka lalim gaya ng pagmamahal ko ky Chloe.

"Chad! Ano ba! Magsalita ka naman. Ano ang ginagawa mo dito sa kalye na gabing gabi na?"hinawakan niya ako sa balikat ko habang nagsasalita.

Tinignan ko siya. Kitang kita ko ang pag-aalala ng kanyang mga mata. " S-si Chloe, g-gusto ko siyang m-makita." Naiiyak ako pero dahil sa lumakas ang ulan, hindi iyun mapapansin. Nanginginig ako pero hindi dahil sa lamig, kundi sa kadahilanan natatakot ako sa mangyaring hindi na siya magigising pa.

"Gabi na, ipagbukas mo na yan.mag aalas otso na, tapos na ang visiting hours. At saka basang basa ka. Ihahatid na kita sa inyo."

"Umalis na ako sa amin." Umiwas ako ng tingin sa kanya.

"H-Ha? Bakit? Anong nangyari? Nag away ba kayo ng ama mo?" pagtataka niyang tanong.

Umiling lang ako.

"Pero bakit? Sabihin mo saakin ang problema. May kinalaman ba ito sa nangyari s-sa kanya?"

Hindi ako tumugon sa tanong niya. Nakatingin lang ako sa kawalan.

"halika ka. Sumama ka sakin. Doon ka muna sa apartment ko. Basang basa kana. Magkasakit ka pa niyan." Hindi rin naman ako umimik kaya hinila niya na lang ako.

Mula noon, doon ako nanirahan sa apartment ni Renn pansamantala. Hindi ako bumalik samin. Hindi rin naman ako hinanap ng ama ko. Tumigil na rin ako sa pag-aaral.

Sabi nila, lahat ng bagay na nangyayari ay may dahilan. Kung anong dahilan 'yun ay hindi natin alam. Siguro may mga bagay talaga na nakatakdang mangyari, ngunit ano nga ba ang nais na ipinapahiwatig ng tadhana sa atin? 


Nagising ako ng may gumagalaw sa tabi ko. "hmm." Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at tinignan ito. Papaano kaya ito napunta sa tabi ko. Ang pagkakaalam ko bago kami matulog ay nakatalikod kaming dalawa at my dalawang malalaking unan sa gitna. Tinignan ko ang orasan sa kanang bahagi. 5:45 pa lang ng umaga.

Dahan dahan kong kinuha ang kamay ko na nakaunan sa ulo niya. Hindi naman siya nagising kaya inayos ko na lang ang kumot sa kanya dahil may nakikita akong hindi dapat makita. Nagbihis ako at nagpunta sa kusina. Magluluto ako ng agahan namin.

Linggo pala ngayon, day off niya ngayon at pupuntahan namin si Chloe sa hospital gaya ng nakagawian na every weekend nandoon kami buong araw para bantayan ito at para makapag pahinga ang magulang nito at ang kapatid nito.

Tapos na akong magluto ng maramdaman kong my taong nakatingin sa gilid ng kusina.. Si Renn, mataman na nakatingin sa akin.

"Morning" bati ko habang naglalagay ng plato sa lamesa.

"g-good morning. Ang aga mo namang magising. Ikaw pa tuloy ang nagluto."

"Okay lang. kulang pa nga ito sa pagtulong mo sa akin kaya huwag mo ng isipin pa. tara, kain na. aalis pa tayo diba." Tumango lang ito at umupo sa tapat ko. Tahimik lang kaming kumain.

"Ako na ang maghuhugas—"

"ako na. mauna ka ng maligo dahil mabilis lang naman akong magbihis." Hindi na rin ito umangal at tumungo na sa kwarto.

Papunta na kami ng hospital pero bago iyon ay dumaan muna kami sa flower shop para bumili ng bulaklak para my Chloe. Dumiretso kami agad sa hospital pagkatapos.

Pagbukas ng pinto ng kwarto ay nadatnan naming natutulog pa ang kapatid ni Chloe sa sofa sa gilid.

"Akin na. Papalitan ko muna ang bulaklak sa vase." Kinuha ni Renn ang bulaklak sa kamay ko.

Nilapitan ko si Chloe at umupo sa gilid nito. Hinawakan ko ang kamay nito. Kung titignan mo ay parang mahimbing lang itong natutulog ngunit maraming nakakabit sa kanyang katawan. Ang payat payat nito.

"Chloe. Nandito na ako. Mahal ko." Hinalikan ko ang kamay nito. "Sana gumising kana. Kapag gumising ka, ipapasyal kita kahit saan mo gusto, kakain tayo ng marami. Basta gumaling ka lang. Magiging mabuting boyfriend na ako, p-pangako." Garalgal ang boses. Hinimas ko ang mahabang buhok nito. "M-Mahal na mahal kita."

Naramdaman kong may kamay na humawak sa balikat ko.

"Gagaling siya. Alam kong babalik din siya sa atin." Si Renn.

May pumasok sa kwarto, ito ay ang mga magulang ni Chloe. Malamang ay bumili sila ng pagkain sa labas.

"Tito." Tumayo ako sa upuan.

"Ang aga niyo ah. Nag almusal na ba kayo?" Tanong ng tatay ni Chloe sa amin.

"Opo. Nakakain na po kami bago pumunta dito."

"Mabuti." Ginising nito ang kapatid ni Chloe. "Christine. Bumangon kana jan at mag almusal."

"Kamusta ka naman, iho?" tanong ng nanay ni Chloe.

"Ayos naman po, tita."

"Are you sure? Sa tingin ko kase hindi ka parin okay. Bago mo alalahanin ang anak namin, unahin mo muna ang sarili mo, iho." Sabi nito habang inaayos ang pagkain nila sa lamesa.

"Oo nga kuya," sabat ng kapatid ni Chloe. "I mean, look at yourself. Paano pag biglang nagising si ate? Tapos makikita ka niya sa ganyang ayos? Baka hindi niya magugustuhan."

Nagyuko lang ako ng ulo. Ginulo ni tito ang buhok ko ng parang bata.

"Anak, ang ibig lang sabihin nila ay mag ayos ka. Ayusin mo sarili mo. Ibalik mo ang dati at maayos mong buhay. Hindi hanggang kalian eh ganyan ka lang palagi. Tama na sa amin na ipinapakita mo talaga na malaki ang malasakit mo sa anak naming at mahal mo talaga si Chloe, but hindi naman namin gugustuhin na masisira ng tuluyan ang buhay. Gawin mo ito hindi lang para sa kanya, kundi para na din sa sarili mo." Tinignan ko si tito, nakangiti ito sa akin.

Tama sila. Ano ba tong ginagawa ko sa sarili ko? 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

If You're not The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon