Chapter 16

28 1 0
                                    

MARCO's Point of View

"Lalim ng iniisip natin pare ah. Kamusta kana? I must say, you're looking good naman sa cheap na kumpanyang pinapasukan mo." saad ng kararating lang na kaibigan kong si Daniel, niyaya ko siyang mag inuman kami dito sa bar na pagmamay-ari ng kaibigan naming si Joshua.

"Bakit ka nga pala nagtitiis doon? Diba my mga malalaking negosyo kayo na ibinilin sa'yo ng daddy mo? Bakit hindi ka doon mag focus?" dugtong pa nito. Madaldal talaga ito kahit kailan.

Tinignan ko lang ito, saka ininom ang hawak kong beer. Alam naman nito kung bakit. Hindi lang isang kaibigan si Daniel. Kababata ko rin ito. Lumipat lang ito sa state noon para doon mag aral at dahil narin sa trabaho ng parents nito. Kababalik lang nito noong isang taon para asikasuhin ang negosyo nila dito sa Pilipinas.

"Siya parin ba?" pagkuway tanong nito.

"Alam mo na ang sagot sa tanong mo."

"Pero why? Wala naman siyang pagtingin sa'yo. As far as I've know, nagsasama na sila ni-"

"Shut up."

"Face the reality dude. Ilang taon ka ng naghihintay sa kanya. Hanggang kailan ka mag mumukhang tanga sa babaeng kaibigan lang ang tingin sa'yo? Ang dami daming babaeng humahabol sa'yo. Ang daming naghihintay na tignan mo man lang pero hindi mo magawa. Parang magnet na 'yang mata mo na sa kanya lang laging nakatingin." napabuntong hininga ito "Nagsasama na sila ni Chad, am I right?"

Kilala na nito si Chad at iba pa, alam narin nito ang nangyari noon.

"Tinutulungan niya lang si Chad, 'yon lang 'yon. Wala silang relasyon. "

"Sigurado ka ba? Ilang years na ba silang nagsasama? 3 years diba? Sa tingin mo ba sa tagal 'nun wala pa silang relasyon nun? Or walang nangyayari sa kanilang dalawa sa tatlong taon nilang magkasama sa iisang bahay? Remember, may pagtingin si Renn kay Chad kaya ito mismo nag presinta na samahan muna ito pagkatapos nitong mag tangkang magpakamatay noon."

Hindi ako umimik. Nakatingin lang ako sa malayo.

"Noong high school pa kayo, ginawa mo naman lahat para ma pansin ka niya. Noong tinutulungan pa ni Renn 'yong.. sino ba 'yong kaibigan niya? Nicole ba?"

"Chloe." pagtatama ko.

" 'siya nga. Tinulungan niyang maging sila ni Chad at naging sila nga. Tapos, iiyak iyak naman sa huli. Mga babae nga naman." tumawa ito at tumungga ng isang baso ng alak. "Tapos ikaw naman, you took advantaged of her situation. Ginawa mo lahat para mabaling ang pagmamahal niya sa'yo pero walang nangyari."

Hindi ako umimik. Bumalik sa alala ko ang past namin ni Renn kung saan una ko siyang nakilala ng lubusan.

Flashback

Noong mag cross ang landas namin sa hallway ng school. Unang pagkakita ko pa lang sa kanya parang ginayuma na ako sa tingin niya. Ang ngiti niyang nakakaakit at ang hilig sa sports ay nakakadagdag dating sa pagiging maganda niya sa paningin ko.

Isang araw nadaanan ko siya pero parang wala ito sa sarili. Sinundan ko kung saan ito patungo. Nakarating kami sa likod ng school at patungo sa isang pataas na daanan na maraming puno sa paligid. Tumigil ito at nagtago sa isa sa mga puno na naroon. Parang may tinitignan ito sa taas. Nang makalapit ako ,nakita ko ang isang malaking puno at sa ilalim 'nun ay may dalawang tao na nakaupo. Sinulyapan ko si Renn at nakita kong may tumulong luha sa maganda niyang mukha.

Hindi ako nakatiis nilapitan ko siya at naglabas ako ng panyo at pinahid ang kanyang luha. "Bakit ka umiiyak?" Kahit alam ko naman ang rason kung bakit.. Araw-araw ko siyang ini-stalk pero syempre hindi niya 'yon alam.

Nagulat ito sa bigla kong pagsulpot "Ginulat mo naman ako. W-wala ito. B-bakit ka nandito?"

"Bakit mo ba ginagawa ito?" Pag iba ko sa tanong niya. "Kung mahal mo naman pala bakit mo hinahayaan na makuha ng iba? Ng sarili mong kaibigan?" tanong ko habang tanaw ko sa taas ng bundok ang isang babae at lalaking masayang nag uusap. Si Chad at Chloe.

"Wala kana 'dun no."

Tatalikod na sana ito para umalis na pero hinawakan ko siya sa kamay. Parang may kuryenteng bumalot sa katawan ko sa pagkakadikit ng balat namin.

"Hindi pwedeng wala akong pakealam, Renn. Lalo't hindi ka naman masaya sa ginagawa mo. Sabihin mo na sakin kung bakit. Baka makatulong ako o makagaan man lang sa pakiramdam mo."

Tumingin muna ito sa dalawa at sa kamay namin magkahawak. Dahan dahan naman nitong hinila. Bumuntong hininga ito. Tinignan ako sa aking mata bago magsalita.

"Simple lang, gusto ko lang tumanaw ng utang na loob kay Chloe."

"Tumanaw ng utang na loob? Bakit?"

"Oo. Dahil siya at ang pamilya niya ang tumulong sakin na mag enroll sa private school na ito. Simula ng mamatay ang aking ina at iniwan din ako ng aking ama dahil sumama siya sa ibang babae at nag pakasaya sa ibang bansa. Si Chloe at ang kanyang pamilya ang tumulong sakin noong walang wala na ako." umiyak na naman ito. Siguro inaalala nito ang pinagdaanan noon. "Parang kapatid ko na si Chloe. Sobrang bait niya sakin. Minsan pinagluluto niya ako pag nandun ako sa bahay nila. Inaalagaan pag may sakit ako. Pero ako? Wala pa akong nagawa para sa kanya. Kahit ito man lang, makabawi ako sa lahat ng naitulong at mabuting ginawa niya sakin." pinahid nito ang luha. "Kahit heto man lang, ang magparaya sa lalaking mahal ko, "

Parang nadagdagan ang pagkagusto ko sa kanya dahil sa nalaman ko. Kaya niyang mag sakripisyo para sa mga taong mahalaga sa kanya at marunong tumanaw ng utang na loob. Kung alam lang nito na may pagtingin din sa kanya si Chad baka ngayon pa lang magbago na ang isip nito sa pagtulay nito sa kaibigan at kay Chad.

End of Flashback.

Pinitik ni Daniel ang daliri nito sa mukha ko. "Hoy, buhay ka pa ba? Hindi kana gumagalaw diyan. Muntik na kitang dalhin sa mental este sa hospital. Ano ba'ng problema mo?"

"Wala, aalis na ako." Tumayo na ako at sinuot ang jacket ko.

"Ang aga-aga pa eh. Hindi pa nga umiinit ang pwet ko dito sa upuan. " maktol nito.

Umalis na ako at pumunta sa naka park kong kotse. Pagpasok ko, tinignan ko muna ang cellphone ko, naka titig lang ako sa wallpaper nito.

"Sana darating ang araw na matutonan mo rin akong mahalin...


...Renn."

If You're not The OneWhere stories live. Discover now