*~{Veronica's POV}~*
After 30 minutes, dumating na din si Louis. Bigla akong kinabahan, ano gagawin ko? Paano kapag gumanti siya? Mag sosorry ba ako? Pssh, siya naman ang nagpasimula eh."Oh bro, bakit antagal mo? Tara na ulit mag practice."-Bryne
"Bukas nalang ulit, may gagawin tayo."-Louis.
Bigla siyang tumingin sakin.
"Hindi pa tayo tapos maglaro, nanalo ka ngayon, but I'll make sure na hindi na ako magpapatalo sa susunod. Pwede ka ng umuwi, see ya tomorrow." Sabi ni Louis habang naka smirk, creepy ugh. At iniwan niya ako doon nakatulala.
Paano kapag mas sobra pa yung gawin niya sakin? Halaaaa. Sana hindi ko nalang ginawang gumanti T.T
Kinuha ko nalang ang bag ko sa loob, nakita ko silang 5 na nagmemeeting sa sofa, tumingin ako kay Ian. Sobrang seryoso nito. Grabe, heaven! Ang gwapo niya kahit seryoso T^T
Lumabas na ako ng PMR at umuwi na.
---/--/--/--/--/--/--/--/--/--/--/--/--/--/--/--/--/--/--/--
*~{Louis' POV}~*
"Kinausap ako ni tita Amber, it's about their daughter. Gusto niya na hanapin ko yung anak nila." Sabi ko sa kanila habang naka titig sa mga baby pictures, bakit sobrang familiar?
"So? Anong plano mo?"-Bryne
"I need your help to spread this pictures on the whole town, make sure na malinaw yung picture. Then we need money for the award sa makakakita dito."-Ako
"Leave the money to me, ako na ang bahala."- Ian.
Yeah yeah, rich kids be like...
"Good, but dapat lahat tayo ay mag ambag ng money, mas malaking reward, more chances na makita natin siya."
"Hmm, pwede patingin ng pictures?"-Xenon
"Oyy ako rin!"-Key
Biglang nag agawan ang dalawa sa envelope.
"Damn! Umayos nga kayo! Pag napunit yang pictures, I'll make sure na hindi na kayo makakasama sa class pictures!"
At umayos naman ang dalawa.
"Grabe," sabi ni Xenon "Siguro anchix nito ngayon. Ang kinis legs oh." Sinapak ko nga. Manyakin ba naman daw ang bata? PEDO!
"Aruuy ko, ano bang problema mo?"-Xenon
"Pati bata pinapatulan mo grabe ka," sabi ko habang agaw sa kanilang dalawa ang mga pictures.
"Hayan kasi, Kamanyakang taglay, ayaw gagaya sakin, chill chill lang."-Key
Binatukan ko na rin baka magising sa katotohanan.
"Luh? Ayaw ko ngang gumaya sayo! Lagi ka kayang busted BWAHAHAHAHA!"-Xenon
"Umayos nga kayo! Nandito tayo para hanapin ang anak nina tita Amber, Hindi pagusapan ang mga kalokohan niyo." Inis kong sabi sa kanilang dalawa
"Tama, kaya kung ayaw niyong tumulong, umalis na kayo dito at wag na wag ng babalik."-Bryne
Tiningnan ko naman si Ian, parang ang lalim ng iniisip niya. Sobrang lalim...
"Ian," tinawag ko siya "May gusto ka bang sabihin?"
Napatingin naman siya sakin at sa aming lahat.
"Yep, Natandaan ko lang na dati palagi akong bumibisita kayna tita Amber, at naging playmates kami ni Serene, I think, kapag nakita ko siya, makikilala ko na agad yun. But it's very hard dahil maraming tao sa mundo." Sabi ni Ian
"All I want you to do is..." Umayos ng upo si Ian "Magpatawag tayo ng parang presscon para mahanap agad si Serene. I think it's an effective way. So... Yeah, ayos lang ba?"
Nagtinginan kaming lahat. Speechless ako, magaling talaga si Ian kahit tahimik siya.
"Ayos lang sakin."-Bryne
"Ako rin."-Xenon
"Me too."-Key
"Well, Great suggestions! Wala na bang ibang suggestions or ideas? Para pagsasamahin natin lahat para mas madaling maghanap."-me
"I think it's enough, basta kailangan natin ang support nina tita Amber."- Ian
-----/--------------/-------------/--------------/----
*~{Veronica's POV}~*Habang naglalakad ako sa hallway ng school, may narinig akong isang babae na umiiyak.
Noong una akala ko multo, pero nakita ko kung sino yung umiiyak, si Mrs. El Suevan.
Nakaupo siya sa isang bench sa hallway.
Nilapitan ko siya."Ah, sorry po kung nakakaistorbo, ayos lang kayo?" Sinabi ko habang inabot ko yung panyo ko sa kanya.
Tumingin siya sakin, ngumiti, pero halata na sobrang malungkot siya. Ang ginawa ko nalang umupo ako sa tabi niya.
"Pwede niyo pong sabihin ang kahit anong problema niyo, promise hindi ko po ipagsasabi, satin lang dalawa."hinawakan ko ang kamay ni Mrs. El Suevan. Ewan ko, perocparang may kuryente akong naramdaman ng hinawakan ko ang kamay niya... Weird...
"Haay, family problems lang naman, call me tita Amber nalang, wag Mrs. El Suevan. Masyadong formal."sabi niya sakin habang nakangiti.
"Sige po." Hawak ko parin ang panyo ko, ayaw ko sanang ipagamit to sa iba dahil sabi ni Mama sobrang special ng panyo na yan, nung bata pa ako, palagi ko daw yang hawak eh.
"Nawala kasi ang anak namin, and everyday, I am suffering, blaming myself dahil ako yung kasama niya noong nawala. And I can't help it. I'm broken... Parang akong sinasaksak araw araw na pag gising ko, hindi ko makalimutan..." Nagsimulang umiyak si Mrs El-este Tita Amber.
"Alam ko po, ramdam ko po kayo. Pero wag po kayong mag alala, mahahanap niyo rin siya. Just stay postive po, tutulong po ako sa paghahanap."
"Salamat.. Ms..?" Sabi ni tita Amber
"Veronica nalang po."
"Veronica...pretty name, Your parents should be proud of you. Napalaki ka nila ng maayos. I am wondering na sana katulad ka ng anak ko ngayon." Umiiyak parin si tita Amber. Hindi ko na kaya, pinahidan ko na talaga yung mga mata niya gamit ang panyo ko.
"Please po, wag na kayong umiyak. Nalulungkot po kasi ako kapag nakakakita ng umiiyak eh,"
Napatawa naman ng kaunti si Tita Amber. At Kinusa na niya ang pagpapahid ng luha niya gamit ang panyo ko.
Pagkatapos niyang ipunas yun, bigla siyang napatitig sa panyo ko.. May problema ba sa panyo ko?
"Serene..." Biglang napatingin sakin si Tita Amber na parang gulat na gulat.
"Ano po?" Tanong ko sa kanya.
"Ikaw... Si Serene.." Sni niya at bigla nalang niya ako niyakap.
Okay this is weird. Una sa lahat hindi ako si Serene, ako si Veronica. At brand lang ng panyo ko yung Serene... Brand nga ba? Parang burda eh... Nevermind.
"Hindi po ako si Serene," sabi ko kay tita Amber.
Pagkatapos ay humiwalay na siya sa pagkakayakap sakin. Tumayo na agad ako,
"Sige po, maggagabi na rin po kasi eh, maiiwan ko muna kayo. Yung panyo po sa inyo muna. Sa susunod niyo nalang po ibalik, paki ingatan nalang. Magiging ayos rin lahat."
"Ayos na veronica... Ayos na ako.." Sabi niya sakin "Sana hindi pa ito ang huli nating pag-uusap."
Tumango nalang ako at nagsimulang maglakad ng mabilis para makauwi na. Grabe, ako daw si Serene?
YOU ARE READING
The Campus Nerd's Diary (Hiatus)
Teen FictionPangit. Check. Makapal na kilay. Check Loner. Check Eyeglasses. Check Mahabang palda. Check Halos lahat naman ata ng sama ng loob, nasakin na. Check na check Pero paano kung maraming nangyari sa kanyang pagbabago? Matatanggap na kaya siy...