Chapter 21

506 18 2
                                    

Veronica's POV

8:00 pm na ng sinimulan namin ni louis na mag aral. Dito na rin siya kumain ng hapunan kasama ang Parents ko. Nagulat pa nga ako ng tanungin ni Daddy kung kami raw ni Louis HAHAHAHA! Kami ni Louis? In a relationship? Pfft eww guys! Di ko maimagine ha!


"Saan tayo magaaral?" Tanong ni Louis. Kinuha niya ang gamit niya na iniwan niya lang sa Sofa sa Living Room.


"Sa Kwarto ko nalang, nandoon lahat ng mga gamit ko. Sunod ka nalang ha?" Umuna na ako sa pagpunta sa kwarto ko.


Ewan ko, tuwing lumalapit siya sakin, yung hindi ako makahinga ng maayos. Minsan nahuhuli niya pa akong nakatitig sa kanya. Palagi tuloy akong napipitik sa noo. Paano ba to? Di ko na alam kung anong nangyayari sakin.


Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ko. Huminga muna ako ng malalim, at inisip ang mga dapat gawin.


"Veronica, Mag-aaral lang kayo, wala kayong gagawin na masama o kung ano man. Mag aaral lang okay? Magaaral whoo!" Sabi ko sa sarili ko at ihinanda ko na ang mga gamit ko. Madami kaming assignments ngayon. Siguro maganda na din to para may katulong ako sa pagagawa.


Maya maya lang ay may kumatok sa pintuan at nagbukas ito. Pumasok na si Louis sa kwarto ko at umupo sa tabi ko.


Shit shit shit shit shit.... Ito nanaman! Hindi nanaman ako makahinga ng maayos. Kinakabahan ako talaga kapag lumapalapit siya sakin. Feeling ko may sasabog sa dobdib ko anytime.


May gusto na ba ako sa kanya?


Hindi pwede.. Hindi!!!


Inalis ko nalang iyon sa isipan ko at nagfocus sa pag aaral. Nag buklat buklat ako ng ilang pages para mag basa.


"Anong una nating pag aaralan?" Bored na tanong ni Louis. Nakahalumbaba lang ito at nilalaro ang kanyang ballpen.


"Math, I guess? Para madali nalang yung iba nating pagaaralan." Suggestion ko sa kanya. Pramis, nahihirapan talaga ako sa math eh. Pero kinakaya ko naman, ngayong topic kasi hindi ko maintindihan.


Alam ko, maalin kasi sa Top 1 ako o si Louis yon. Pero kahit Top 2 lang ako, ayos lang sakin. Alam ko naman sa sarili ko na ginawa ko ang best ko eh.


"Nah, Yung Math nga ang pinaka madali para sakin, easy piecey. Science nalang, hindi ako masyado nakinig kaninang nagdiscuss ang teacher natin. Ang boring niya kasi mag turo."


Whuuut? Sa Science pa talaga siya nahirapan? Yun nga ang pinakamadali sa lahat!m


"Ihuli nalang natin ang Science! Yun nga ang pinaka madali eh, Math nalang muna." Suggest ko sa kanya.


"Nahihirapan ka sa Math? Akala ko ba matalino ka?" Tinaasan niya lang ako ng kilay. Ahitin ko kilay niya eh! Tss.


"Eh ikaw? Akala ko matalino ka din? Pero nahihirapan ka sa Science?"


Nakita ko naman na inirapan niya ako.


"Nobody is perfect. Syempre may nga bagay na nahihirapan tayong gawin." Tingnan niyo tong si Louis, hugot hugot pa more -_-


"Yeah yeah, kaya Math nalang ang unahin natin." Sabi ko.


"Science nga eh."

"Math nga!"

"Science!"

"Math!"

"Aba ang kulit mo, Science nga eh!"

The Campus Nerd's Diary (Hiatus)Where stories live. Discover now